Jinhee's POV
Naka-upo ulit kami sa sofa nila kung saan kami umupo kanina nang Papa pa lang ni Taehyung ang nandito. Pero this time ay nasa tabi ni Papa ang Mama ni Taehyung.
"Hi, dear... How are you?" Wow nice, englishera.
Remember what he said ok? Just be yourself...
Huminga ako ng malalim bago ako sumagot. "Ok lang po ako, Mrs. Kim. Kayo po ba?"
"Ang galang mo namang bata... hindi katulad ng maarteng Narae na iyon" luna ni Mrs. Kim
Ayaw din pala ni Mrs. Kim kay Narae na iyon eh! Edi ok... no worries!
... ANO JINHEE?!
"Ano? Tara na... pasusukatan na namin kayo. My future daughter-in-law" ani Mrs. Kim na nakapag-pangiti sa akin
"Ok po, Mrs. Kim" sagot ko pero sumimangot siya
Anong mali sa sinabi ko?!
"Tch! Don't call me Mrs. Kim. Ang unfair naman yata nun na ang tatay lang ni Taehyung ang tatawagin mong Papa eh... tawagin mo na lang din akong Mama" ang babait talaga ng pamilyang Kim...
Tumango ulit ako at ngumiti sa kanya. Nang tumayo kami ay nauna ng kaunti si Taehyung pero agad din naman akong humabol at nahihiyang humawak sa kamay niya.
Gulat siyang tumingin sa akin pero nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya
"Sabi mo wag ako maging distant sa'yo eh" nahihiyang sabi ko
Wow ulit Jinhee... may natitira ka pa palang hiya sa katawan mo...
Wala akong natanggap na sagot sa kanya kaya tumingin na ako sa direksyon niya at nakita kong nakangiti siya.
Ang box smile na namiss ko ng ilang taon...
"Tara na... Mrs. Kim ko" pangaasar niya sabay hila sa akin papuntang kotse ng Papa niya
Ilang beses ba ako bumyahe ngayong araw?
Umupo kaming dalawa ni Mama sa likod at sa harap naman ang dalawang lalaki.
Nagsimulang magmaneho ang tatay ni Taehyung at ang tahimik naman ang lahat.
"Alam mo... noong nakilala ko ang magulang ng tatay ni Taehyung? Parang ako lang din ikaw" chika ni Mama sa akin
"Ahh, ganoon po ba? Hehe" nahihiyang tugon ko
"Ma" tawag ni Taehyung sa nanay niya
"Nasaan sina Eon Jin at Jeong Gyu? 'Di ko pa sila nakikita ulit ah" tanong niya
Sino yung mga yun?
"Ahh... nasa Canada silang dalawa. Nagba-bakasyon. Bakit?" Sagot ng nanay niya
"Wala naman"
"Gusto mo ba ipakilala yung fiancé mo sa kanila?" Tanong ni Mama
Nakakahiya talaga...
"Oo sana... para naman may alam yung dalawang yun. Hindi hingi ng hingi. Tch" reklamo ni Taehyung
Sino nga ba kasi yung dalawang yun?
"Tch! Minsan lang naman maging ganyan ang mga kapatid mo. Hayaan mo sila mag-enjoy habang hindi pa nila nahahanap ang mahal nila. Gaya mo... di'ba hingi ka ng hingi sa akin noon pero hindi ako nag-reklamo kasi gusto ko ma-enjoy mo yung mga sandaling iyon para lahat ng nalaman mo ituturo mo sa mga magiging anak niyo ni Jinhee" giit ni Mama

YOU ARE READING
My First Love: New Life, New Chance ~Book 2~
De TodoMadaming nagbago simula nang umalis at bumalik si Jinhee sa Korea. Madaming inaasahan at hindi inaasahan na nangyari Pero mas hindi nila inaasahan ang susunod na mga nangyari. Kasi iyon pa lang pala ang simula ng kanilang kwento...