Jinhee's POV
"Alam niyo tumigil na kayo... Hindi naman towel o lubid si Jinhee para maglaro kayo ng tug of war" pagpapatigil ni Minsoo
Nagbitiw na yung dalawa ng paningin sa isa't isa at tumingin kay Minsoo.
"Oo nga... baka nasasaktan niyo na si Jinhee" sabi naman ni Hoseok
Una nang bumitaw si Yoo at si Taehyung naman ay hindi bumitaw. Sa halip ay hinila niya ako palapit sa kanya
"Wag mo nang lalapitan ulit si Jinhee" nagbabantang sabi ni Tae kay Yoo
Nag-smirk lang si Yoo kay Tae bago sumakay ulit sa kotse niya at umalis na.
Niyakap ako ni Taehyung and them goes 'wooh!'.
Niyakap ko siya pabalik at may ibinulong siya sa akin "I'm sorry, Jinhee"
"There's no need to be sorry about" i told him
"Ahem naman. Nasa labas po tayo" singit ni Jimin
Bumitaw ako sa pagkakayakap at inirapan si Jimin pero nagkibit balikat lang siya at pumasok na sa loob.
Nagsipsukan na din ang iba at huli kaming pumasok ng bahay ni Tae. Malala pa niyan ay nakahawak si Tae sa kamay ko habang pumapasok kami.
Nang makapasok kami ay may narinig kaming mga tahol ng aso. Sina Sonny at Yeontan...
"Gutom na ba kayo?" Tanong ko habang lumuluhod para maabot sila.
Tumahol ulit si Yeontan. "That's a yes for me"
Kumuha ako ng dalawang bowl at nilagay ang dog food doon. Nilagay ko iyon sa gilid at agad naman iyong pinuntahan ng dakawang aso at kinain.
"Ang aga aga, nagdudulot ng eksena. Tch" reklamo ni Jin
"Gutom na ako..." sabi ko
Ngumiti siya "Sige... tatapusin ko na lang"
Ngumiti ulit ako pabalik at tinapos niya na ang pagluluto ng breakfast namin at sinusubukan namang tumulong ni Namjoon sa kanya.
Nang matapos siyang magluto ay inihanda na nilang dalawa ang lamesa at tinawag ang lahat.
Sunod sunod nagsi-datingan ang lahat na parang mga anak ni Jin at umupo sa mga pwesto nila.
"Thank you for the food!" Sabay sabay na sabi namin at kanya kanyang kuha na ng kakainin
Galing talaga kapag may kasama ka sa bahay magluto. Madami ka makakain. I mean, oo nagluluto ako pero tinatamad pa rin ako hehe.
Habang masaya kaming kumakain ay biglang may nag-ring na cellphone. Kay Taehyung.
And since, katabi ko lang siya. Tinignan ko ang callers ID at si Papa lang pala yun.
"Sagutin ko lang..." excuse ni Tae at umalis muna sa pagkakaupo sa harap ng pagkain at sinagot ang tawag ni Papa
"Hello... Huh? Bakit?..... Ahh, oo ok lang.... Huh? Eh kailan ba?........... Uhh. Ok.... sige po. Sabihin ko na lang kay Jinhee....... Opo sige po" yan yung mga narinig ko
![](https://img.wattpad.com/cover/183568543-288-k430569.jpg)
YOU ARE READING
My First Love: New Life, New Chance ~Book 2~
SonstigesMadaming nagbago simula nang umalis at bumalik si Jinhee sa Korea. Madaming inaasahan at hindi inaasahan na nangyari Pero mas hindi nila inaasahan ang susunod na mga nangyari. Kasi iyon pa lang pala ang simula ng kanilang kwento...