CHAPTER THREE

220 11 2
                                    

SEJIN

Kanina pa ako hindi kinakausap nitong ulyanin kong kaibigan. Magkaharap kami ngayon ng upuan. Nasa canteen kami. Abala siya sa kakakain habang ako namamatay na sa kakatitig sa kanya at pagmamakaawa.

"Bes naman eh, pansinin mo na kaya ako. Wag kang mag-alala di naman masyado nagalit si mama eh. Nag-freak siya konti which is normal, yun lang naman." Paliwanag ko. Bigla siyang huminto sa pagkain at naka-tiger look na tumingin sakin.

"NORMAL MO PA YON? SA TINGIN MO BA YAN LANG ANG INAALALA KO!" Bulyaw niya sakin.

"Teka, lang naman bes, lahat ata ng sinabi mo naka-caps lock! Mahiya ka naman, tinitingnan na tayo ng masama ni Miss Author. Ba't daw tayo nag-aaway, eh pareho naman tayong maganda." Bigla niyang dinampot yung kinakain niyang burger at binato sakin. Buti nalang at naka-ilag ako.

Gaga rin talaga tong bestfriend ko. Sayang yung burger "buy one take one" pa naman yun. Pinapaliwanag ko lang naman sana na nasa lahi naming dalawa ang magaganda, di pa na-appreciate.

"Ok. Time out! Alam ko namang nahihiya ka sa mga ginawa ko don sa mansion. Pero bes, wag ka na kasing mag-alala. Kilala ko naman si Nakiya, sureness akong ok lang yon. Eh di ba nga magiging future sister-in-law ko din naman yon. Di ba?" paliwanag ko.

"SISTER-IN-LAW MO MUKHA MO!" Sabi niya sabay walk out. Kita mo yung ulyanin na yon.

"HOY BES, DI KA PA NAGBABAYAD NG ORDER MO. HOY, BUMALIK KA DITO!"

FARAH

Iniwan ko muna saglit si Sejin, na-iistress ako sa babaeng yon. Kung sa tingin niya ay ok lang sa kanya yung mga ginawa niya sa mansion, eh sakin hindi.

Pumunta ako sa office ni Ms. Devorah. Kasama niya kasi ngayon si Nakiya. Gusto ko uling humingi ng paumanhin sa mga nagawa namin sa mansion kahapon.

Kumatok ako ng dalawang beses bago pumasok sa office. Nakita kong umiinom ng tea si Nakiya habang may pinipirmahan naman si Ms. Devorah.

"What brings you here Ms. Mendiola?" tanong sakin ni Ms. Dev.

"Gusto ko po kasi sanang makausap si Nakiya."

Medyo nagulat silang dalawa sa sinabi ko.

"Well, ok. I'll let the two of you talk. Pupunta lang ako sa klase ko." Paalam samin ni Ms. Dev.

Nakakabingi munang katahimikan ang namagitan saming dalawa ni Nakiya.

"I'm sorry for what we've done yesterday, Nakiya." Pakiusap ko. Tumingin siya sakin.

"It's fine. Wala naman kayong masyadong ginawa. Actually you brought fun in the mansion yesterday. Sejin is as cute as before. That crazy big eater never ruined my day. She really act like a baby when she's totally drunk. I wonder kung paano mo siya natitiis as her bestfriend. Knowing you, aloof and vulnerable." Tama siya, paano ko ba naging kaibigan ang babaeng yon?

Bukod sa madaldal, premature at sobrang kulit, mapilit din ang isang yon. She's right, Sejin never change.

Sejin Park is Sejin Park. As is.

"You're right. She also bring fun to me. And I'm thankful na natitiis niya rin ang ugali ko which is very much opposite to her." Paliwanag ko. Sejin was a childhood friend of Nakiya. Bago kami nagkakilala, they were very close to each other until Nakiya enrolled in other University.

Nakiya's pen name nga pala is Chloe. Ahead kami ng one year sa kanya. She's now a sophomore student in other University na exclusive only for eligible student.

Experimented LOVE (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon