[ chapter 15 ] One day spend together =^_^=

1.7K 37 2
                                    

Author’s Note : The moment na hindi mo na maintindihan ang sarili mo ng dahil sa isang tao , dyan mo lang malalaman na nagkakaroon ka na ng something magical feelings para sa kanya :)) 

--------------------------------------------------

Yannie Pov ^_^

 

Kanina pa ko palakad- lakad dito , wala man lang kasi pwedeng gawin dito sa condo ni Lindon , at saka hindi naman ako pwedeng mangialam sa mga gamit niya , baka mamay sabihin niya pa na pakialamera ko diba ??

Tumingin na lang ako sa bintana , at hindi pa rin tumitigil ang ulan !! Nasa labas pa naman si Lindon !! >____<

Bigla na lang pumasok si Lindon , our eyes meet !! >__________<

‘’ anong ginagawa mo dito ?’’—

‘’ sino ka para magtanong sakin ng ganyan ? It’s my own condo , remember ?’’--

 Oo nga naman yannie  sa kanya to !! as in sa  kanya , er eh ikaw ? Nakikituloy ka lang naman diba ?? >______< Waaa !! pero kailangan niya talaga isampal sa mukha ko ang katotohanan sa kanya tong condo ? ^^ makalabas lang ako dito , susunugin ko tong condo niya !!

Nakita ko naman si Lindon na naupo sa harap ng lamesa at inayos ang mga pinamili niya , marunong din pala siya mamalengke ? ^^ Kung sabagay siguro sanay na siya na nag-iisa kaya nasanay siya na gumalaw ng mag-isa ..

Diba dapat ? Humanga ako sa kanya ? Pero bakit nakakaramdam ako ng awa ngayon !! kung iisipin ang swerte ng babaeng mamahalin niya , pero ang tanong nga lang ?

Marunong ba siyang magmahal ??

‘’ Anong tinutunga-tunganga mo dyan ? Umalis kana !! ‘’—

Tama ba narinig ko ?? ^^ Pinapaalis na niya ko ?? Arggh !! ganun na ba siya kagalit para  palayasin ako ng ganitong oras ?^^ alam ko mali ang ginawa ko kanina sa kanya , pero bakit kailangan niya ko palayasin e alam niya naman na bumabagyo sa labas ??

Wala talaga siyang puso at kaluluwa !!

 

’ ah ano kasi- kasi ?’’—er bakit nabubulol ako ?

‘’ ano ? Umalis ka na dyan sa kinatatayuan amo ?’’—

 

‘’ oo na aalis na ko , !! ‘’--

Lalabas na sana ko kaya lang , bigla siya lumapit at hinawakan ang braso ko !! >________< !! Ano to ? pinapalayas niya ko kanina tapos ngayon , pipigilan niya ko ??

 

‘’ ano bang iniisip mo ?’’— may tono ang boses niya na parang naiinis !

Inside My Heart is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon