Chapter 3

752 29 0
                                    


ELLIE'S POV

"Gising na, baks" sigaw ni zeke

Napabuntong hininga nalang ako at bumangon. Nakita ko siyang nakasuot na ng business suit. Nakakainis kasi mas lalo lang ito gumwapo sa suot nito at sigurado akong marami na namang mga babaeng pagpapatantasyahan siya

Lumapit ako sa kanya nang makita kong nahihirapan itong mag-ayos ng neck tie. Inayos ko ito at tumingin sa kanya

"Wag kang lalapit sa ibang babae doon ah?" sabi ko at niyakap siya

Papasok na naman kasi siya sa trabaho where he is the CEO kasi siya yung naatasan ng daddy niya na mag-handle ng company nila

"So pwedeng lumapit ako sa mga lalaki?" malanding sabi nito

Humiwalay ako sa kanya at pinisil ang ilong nito "isusumbong kita sa mommy mo kapag lalapit ka sa mga lalaki"

"Tsk! Sige na nga, aalis na ako" naka ngusong sabi nito at tinalikuran ako

"Wala ka bang nakalimutan, baks?" tanong ko

"Mukhang wala naman" lumingon ito sa akin "meron ba?"

"Yung kiss ko"

Nakita kong ngumiwi ito at umaktong parang masusuka. Ang OA talaga ng baklang ito. Gahasain ko siya ngayon e.

"Wag ka na mag-inarte...." pinandilatan ko siya "kung ayaw mong isumbong kita sa mommy mo"

"Sige na nga" Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko

"Dito rin" utos ko at tinuro ang lips ko

Palihim akong napangiti ng hinalikan niya ang labi ko. God knows how i love to manipulate my gorgeous husband

Nang lumayo siya sa akin ay ako naman ang humalik sa kanya. Hinalikan ko ang buong mukha niya pati narin ang leeg niya at nagmamadaling pumasok sa banyo

Damn! Ang bango niya talaga

"Ang baboy mo talaga, baks! Hinalikan mo ako ng hindi pa nag-to-tothbrush! Kadiri ka talaga!" rinig kong tili zeke sa labas

Nang masigurado kong wala na siya ay lumabas na ako. Nahiga ulit ako sa kama at inisip si zeke. Tapos na ang anniversary namin kaya babalik na naman kami sa dati

Biglang naputol ang pag-isiip ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala si zeke

"Bakit ka napatawag, baks?" tanong ko

"Naiwan kasi ang files ko diyan baks, pwede bang ihatid mo dito?"

"Pero dapat may reward ako, okay?"

"What? Ano bang reward ang gusto mo?"

"I want a kiss" naka ngising sabi ko

"Tsk! Sige na nga, but make sure na mag-tothbrush ka muna" sagot nito

"Noted baks" naka ngising sabi ko at pinatay na ang tawag

Sigurado akong galit parin si zeke sa akin dahil hinalikan ko siya ng hindi naglilinis sa katawan, sobrang arte kasi non e

Nagmadali na akong maligo at tsaka nagbihis. Nakasuot lang ako ng white floral dress at black na stiletto. Kinuha ko na ang files niya at nagmamadaling pumunta sa office niya

"Good morning miss ellie" bati sa akin ng secretary ni zeke

Ngumiti lang ako at pumasok sa office niya pero biglang nawala ang ngiti ko ng makita kong may babaeng nakapatong sa lamesa ni zeke, habang si zeke naman ay prenteng naka-upo sa swivel chair at nakatingin sa babae

Tumikhim lang ako at lumapit sa kanila. Inilapag ko ang mga files sa table niya at ngumiti. Gusto kong ipakita kay zeke na hindi ako naaapektuhan pero ang totoo halos hiwain na ang puso ko sa sobrang sakit

"Hindi ko alam na nandito pala ang bestfriend mo, baks" sarkastikong sabi ko

"Obvious naman e" sagot ni janine, ang impaktang kababata niya

Tumayo naman si zeke at hinawakan ang kamay ko "salamat baks"

"Ayos lang"

"Ngayon mo na ba kukunin ang reward mo?" tanong nito at na halatang kinakabahan

Kilala talaga ako zeke. Kapag kasi may gusto ako na makuha mula sa kanya at hindi niya maibigay, alam niyang magtatampo ako

Oo please! Gusto kong halikan mo ako ngayon "Wag na, ibigay mo nalang sa bestfriend mo" sabi ko at umalis

Agad akong sumakay ng kotse at pumunta sa bahay namin. Kinuha ko ang mga bedsheets at unan ko at lumipat sa guest room. Dito na ako matutulog, bahala siya sa buhay niya! Magsama sila ng kaibigan niyang impakta

Nahiga ako sa kama at inisip ang mga sinabi sa akin ni janine dati

"Aagawin ko siya sayo at tandaan mo, ako ang dahilan kung bakit siya magiging lalaki ulit"

That Gay Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon