Chapter 6

1.4K 44 18
                                    


EZEKIEL'S POV

Agad akong nabahala nang makita kong may kausap si ellie sa loob ng elevator. Tsk, mukhang close yata sila

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng pangit na lalaki na kausap niya

Bago pa makasagot si ellie ay agad kong hinawakan ang kamay niya at ako na ang sumagot sa walang kwentang tanong nito

"Sinasamahan niya ang asawa niya, at ako yun" sabi ko at hinila siya palabas ng elavator

Hanggang sa makarating kami ng office ko ay hindi ko parin binibitiwan ang kamay. I must admit, gusto ko ang pakiramdan na magkahawak ang kamay namin. Para kasing may lumilipad na maliliit na bagay sa tiyan ko

"Bakit ka ba nanghihila?" tanong nito nang makarating kami sa office

"Kasi ayaw kong nakikipag-usap ka kanya" seryosong sabi ko

"Nagseselos ka ba?" tanong nito at ngumiti

Agad na bumilis ng tibok ang puso ko. Damn! Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi naman ako nagseselos. Ewan ko ba pero ayaw kong nakikita si ellie na may kausap na ibang lalaki, gusto ko ako lang. Pero baka pagtawanan lang niya ako kung sasabihin ko yun sa kanya

"Type ko kasi siya, baks" pagsisinungaling ko

Matapos naming mag-usap ay natulog muna ito sa sofa. Ano kaya ang ginawa niya kagabi at inaatok siya ngayon? Hindi kaya naghintay siya sa akin kagabi kaya napagod siya?

"Mr. Ezekiel, the meeting will start within 10 minutes" sabi sa akin ng sekretrya ko

"Cancel that, hindi maganda ang pakiramdan ko" sagot ko

"Okay sir" sagot nito at umalis na sa office

Hindi naman totoong may sakit ako, ayaw ko lang talagang iwan si ellie. Baka kasi mag-usap na naman sila ng pangit na lalaking yun. Ewan ko ba pero mainit ang dugo ko sa lalaking yun

Kinuha ko nalang ang mga files na kailangan kong pirmahan. Habang ginagawa ko ang trabaho ko ay pasulyap-sulyap ako ellie. Hindi ko na talaga naiintintihan ang sarili ko, palagi ko na kasing hinahanap si ellie nitong mga nakaraang araw

ELLIE'S POV

Bigla akong napamulat ng marinig ko ang boses ni zeke. Bumangon ako at nakita ko si na nakahanap sa laptop niya

"Baks?" tawag ko sa kanya

"Ano yun?"

"Mukhang kanina ka pa diyan, di ka pa napapagod?" tanong ko

"Marami pa kasi akong gagawin, baks" sagot nito habang hindi  ako pinapansin

Napanguso nalang ako at lumapit sa kanya "di ka pa ba kakain? gutom na ako"

"Mamaya nalang, mauna ka na" aniya habang hindi parin ako pinapansin

Bumuntong hininga nalang ako at kinuha ang laptop niya. Hinila ko siya at pinaupo sa sofa. Hindi pwedeng hindi niya ako pansinin, kasi sobrang ganda ko namang dilag para hindi niya ako tapunan ng tingin

Umupo ako sa kandungan niya at sinimulan siyang masahihin. Alam kong pagod siya kaya dapat lang na alagaan ko siya

"Salamat baks" sabi ko

Ngumiti lang ako sa kanya at pinisil ang braso nito. Napalunok ako ng marinig ko siyang umungol. At dahil sa ungol niya ay bigla na namang napuno ng mga maduduming imahe ni zeke ang utak ko

Umalis ako sa pagkakapatong ko sa kanya at umupo sa tabi nito. Hinawakan ko ang kamay niya at sumandal sa balikat niya. Sana ganito nalang kami palagi, yung tipong hindi ko nararamdaman na pusong babae ito

"Gusto ko nang umuwi" paglalambing ko sa kanya

"Hmm, ayaw mo na ba dito?"

"Ang boring kasi dito"

"Sige, aalis na tayo"

Tatayo na sana siya pero hinila ko siya paupo ulit at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya

"20 more minutes, please" sabi ko at ipinilig ang ulo ko sa balikat niya

Mula noong nagpakasal kami ay palagi nalang ako ang gumagawa ng first move, pero hindi naman ako nagsisisi kasi alam kong balang araw ay siya na mismo ang gagawa sa akin ng ganito

"Diba may board meeting kayo?" tanong ko

"Yeah"

"E bakit nandito ka parin hanggang ngayon?"

"I cancel it"

"At bakit naman?"

"Secret, gusto ko kasi. Bakit ba?" tanong nito

"Tsk, siguro may kalandian ka kanina?" biro ko at pinisil ang braso niya

"Kahit gusto ko, busy ako kaya hindi ko magawa" naka ngising sabi niya

"Ano?!" sigaw ko at humarap sa kanya

"Biro lang naman yun"

"Hindi ako magandang biruin" sabi ko at kumandong sa kanya

Ikinawit ko ang kamay ko sa leeg niya at pinalapit siya sa akin "mamarkahan nalang kita para masiguro kong hindi ka na makakalapit sa iba"

Nagsalubong ang kilay nito "At paano mo naman gagawin yun?"

Hindi ko na ako sumagot at hinalikan ang leeg niya. Mahina kong kinagat ang leeg niya at dinilaan ito. Sinipsip ko ito at sinuguradong mag-iiwan ito ng marka

"Halika na" sabi ko at tinignan ang leeg niya

Napangisi ako ng makita kong pumula ang leeg nito na hinalikan ko. Tumayo na ito at lumabas ng office kaya dali-dali akong sumunod sa kanya. Pumasok na ito sa elavator kaya pumasok narin ako

"Hey, bat ang tahimik mo?" tanong ko sa kanya

Hindi ito sumagot kaya tumahimik nalang ako. Hanggang sa makalabas kami ng elavator ay napakatahimik nito. Ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Galit ba siya sa akin?

Nauna na siyang

Nang nasa gitna na kami ng lobby ay biglang may tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita ko si ronnie

Lalapit na sana ako sa kanya pero nagulat ako ng hawakan ni zeke ang kamay ko at hinila ako palabas ng building

"Bakit ka ba nanghihila?" bulyaw ko dito

"Wala, nagmamadali kasi ako" sagot nito at binitiwan ang kamay ko

Napanguso nalang ako sa sinabi niya. Hinila niya ako tapos iiwan niya lang din pala ako dito? Ang gulo niya talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Gay Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon