Chapter 4

738 30 1
                                    


ELLIE'S POV

Halos maghapon akong nagkulong sa kwarto. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung anong ginagawa ni zeke at janine ngayon. Baka inaakit na ngayon ni janine si zeke at baka nagsasaya na sila ngayon

"Baks" biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang boses ni zeke

"Ano?" tumingin ako sa kanya at umupo sa kama

"Hindi ka ba tatabi sa akin sa  ngayon?" mahinang tanong nito

Nakaramdam ako ng kunting kasiyahan sa sinabi niya. Ngayon lang niya akong inaya na tumabi sa kanya sa pagtulog. Pero kahit masaya ako ay hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na magselos

"Mabuti naman at naalala mo pa ako"

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko "Bat ang sungit mo sa akin baks? May dalaw ka ba ngayon"

"Wala, hindi kasi ako naligo at nag toothbrush ngayon kaya alam kong hindi mo rin ako gustong makatabi"

"Baks, galit ka ba?" naka yukong tanong nito

"Hindi" hindi ako galit, nagseselos lang ako kasi alam kong baka magkagusto ka Kat janine

"Para kasing galit ka baks"

"Pagod ako, umalis ka na"  Wag kang umalis, yakapin mo nalang ako. Miss na kasi kita at gusto na kitang halikan

Hindi na siya sa sumagot at umalis nalang sa kwarto. Naiwan akong nag-iisa habang hindi man lang namamalayan na tumutulo na ang luha ko

"Matapang ka lang sa harapan ni zeke pero ang dali mo namang umiyak nang dahil rin sa kanya"

________

Time check it's 8:30 am. Nandito ako ngayon sa sala at kumakain ng sandwich. Nakatulog ako kagabi sa kakaiyak kaya medyo namamaga ang mga mata ko

Pupunta na sana ako ng kwarto pero nakita ko si zeke na papalapit sa akin kaya agad akong tumalikod. Hindi niya pwedeng makita ang malalaking eyebags ko

"Baks" tawag niya sa akin

"Ano yun?"

"Mamasyal lang kami ni janine, baks. Baka gabi na ako makauwi"

Humarap ako sa kanya at pilit na  ngumiti "Okay, mag enjoy kayo"

I'm just trying to be a cool wife where ayos lang sa akin na payagan yung asawa ko na makapag-kita sa old friend pero shit! Ang sakit pala

"Uhmm, hindi mo ba ako hahalikan?" tanong nito at kinamot ang batok nito

"Hindi ako nag-tothbrush, mamaya nalang siguro" sabi ko at pumunta sa kwarto

God knows kung gaano ko siya ka-gustong halikan at hindi naman totoo na hindi ako nag-tothbrush, nagtatampo lang ako kasi mas pinili niyang mamasyal kasama si janine kaysa sa akin

Alam ko namang close sila ni janine pero sana tama na yung panahon na pinagsamahan namin ni zeke para hindi niya ako ipagpalit kay janine. Oo bakla si zeke, pero hindi naman imposible na magkagusto si zeke lalong lalo na kung may ikakabuga talaga si janine

"Isusumbong talaga kita sa mommy mo zeke kapag nakita kong lumandi ka kay janine"

Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Paggissing ko ay gabi na kaya lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala

Kahit na nagtatampo ako kay zeke ay mas pinili kong hintayin siya. Kahit na kanina kami nakita ay na-miss ko na kaagad ito. Ang malas ko lang kasi may puso akong grabe kung magselos

Time check it's 9: 00 pm, nasan na ba siya? Sigurado akong ang saya nila ngayon na nag-uusap

10: 30 pm

11:00 pm

Tumingin ako sa wrist watch ko at napabuntong hininga nalang ako nang makita kong 12:45 na

"Saan ka na ba kasi zeke?" yun lang ang huling nasabi ko bago ako kaninin ng antok

EZEKIEL'S POV

"Thank you sa paghatid" sabi ko kay janine

Akmamg hahalikan niya na sana ako pero umiwas ako. Lumabas na ako ng kotse at pumasok sa bahay

Ewan ko ba pero ayaw kong may ibang babae na humalik sa akin, maliban nalang kay ellie. Ang totoo parang hinahanap ko na nga ang mga halik niya. Mukhang nababaliw na nga yata ako

"Baks" Nagulat ako ng makita ko siya na nakahiga sa sofa. Bakit dito kaya siya natulog? Hinihintay niya kayo ako?

Lumapit ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya. Dati hindi  talaga ako nagagandahan sa kanya pero ngayon ko lang napagtanto na sobrang ganda niya pala. Tsk, baka naiinggit lang ako sa ganda nito

Binuhat ko na ito at pumunta sa kwarto namin. Inilapag ko siya sa kama at kinumutan siya. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kasi parang may kulang sa kama ko. Mukhang nasanay na yata ako na katabi si ellie kaya hindi ako nakatulog

Ayaw kong isipin na nagseselos siya kaya mas pinili niyang hindi tumabi sa akin pero parang ganun na nga. Hindi naman siya dapat mag selos kasi hinding hindi ko siya ipapagpalit sa iba

"Goodnight, baks" bulong ko at hinalikan ang noo nito

Napatingin ako sa labi nito at napalunok ako ng may maramdaman akong kakaiba. I want to kiss her

"Ano bang nangyayari sayo, ezekiel"

Unti-unti akong lumapit sa kanya at hindi ko nalang namalayan na hinalikan ko na ang labi niya. Damn! Mukhang naadik na ako sa labi ni ellie

That Gay Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon