ELLIE'S POV
"Hmm"
Bigla akong napamulat ng may maramdaman akong kamay sa dibdib ko. Halos manlaki ang mata ko nang makilala kung kaninong kamay yun
"Aaaaah" sigaw ko dahilan upang magising ito
"Ano bang problema mo, baks?" mahinang tanong nito na halatang inaantok pa
Damn! Bakit ang sexy ng boses niya? Yan tuloy nagsisimula na naman akong ma-horny
"Nakahawak ka sa dibdib ko, yan yung problema ko" bulyaw ko dito
Nakita kong napalunok ito at umiwas ng tingin "hindi ko alam"
Makalipas ang ilang sandali ay natahimik kami. Napabuntong hininga nalang ako nang maisip ko kung anong oras siya umuwi kagabi. Siguro nag-enjoy siya na kasama si janine kagabi
"Lalabas na naman ba kayo ni janine ngayon?" tanong ko
"Hindi, may pupuntahan kasi siya. Baka next month pa siya babalik"
Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang mga luhang nagbabadya nang tumulo. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maitago na nami-miss ko siya ng sobra. Hindi ko lang siya nakatabi kagabi pero, damn! na miss ko kaagad siya
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya. Inamoy-amoy ko ang leeg niya at hinalikan kita
"Na-miss kita, baks" tili ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya
Na-miss ko yung amoy niya. Na-miss ko yung lips niya. Na-miss kong halikan siya. Na-miss ko lahat sa kanya
Humiwalay ako sa kanya at nginisihan siya "so, pwede ko bang kunin ang reward ko"
"Anong reward, baks?"
Hindi na ako sumagot at hinalikan ko na siya. Tinulak ko siya pahiga sa kama at dinaganan siya. Kinagat ko ang ibabang labi niya at dinilaan ito. Parang naaadik na nga yata ako sa labi niya. Pero bago pa mapunta sa kung saan ito ay lumayo na ako sa kanya
"May pasok ka pa" sabi ko sa kanya
"Ayaw kong pumunta, baks" naka ngusong sabi nito
Pinandilatan ko siya ng mata "isusumbong talaga kita sa mommy mo kapag hindi ka papasok sa opisina ngayon"
"No"
"Papasok ka o gagahasain kita?"
Napangisi nalang ako ng makita kong nanlaki ang mata ni zeke. Para sa akin ayos lang kung hindi siya papasok, para naman matuloy ko na ang malagim kong balak sa kanya
"Papasok na ako" sabi niya
Ngumisi lang ako at umalis sa ibabaw niya. Nakakainis, ayaw niya talagang magpagahasa sa akin. Pumasok na ito sa banyo kaya naiwan akong nag-iisa. Agad akong pumili ng damit na isusuot kasi may balak akong sumama sa kanya
Paglabas niya sa banyo ay lumapit ako sa kanya. Nakahubad siya ngayon at tanging towel lang ang nakabalot sa katawan niya. Medyo magulo ang buhok nito na mas lalong nakakadagdag sa ka-gwapuhan niya. Damn! Mukhang gusto ko siyang gahasain ngayon
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang malalaswang iniisip ko sa kanya. Focus ellie, wag mong ipahalata na nagnanasa ka sa kanya
"Pwede bang sumama ako sayo sa office?"
"Hindi pwede, may board meeting kami ngayon, baks" sagot nito
Napanguso nalang ako at niyakap siya. Naramdaman kong nanigas siya pero hindi ko nalang ito pinansin. Naiilang ba siya sa akin? "Hindi naman kita guguluhin" please, pumayag ka na
"Sige na" sagot niya
Napangiti nalang ako at hinalikan siya "thank you, maliligo na ako"
******Fast Forward
"Good morning, Mr. Ezekiel" naka ngiting sabi ng nga babaeng empleyado
Biglang nag-init ang dugo ko nang makita kong ngumiti si zeke sa kanila. Tsk, hindi ba nila alam na may asawa na si ezekiel? At ako yun!
Binilisan ko ang lakad ko at iniwan si zeke sa lobby. Nauna akong pumasok sa elevator. Napairap nalang ako ng makita kong sumunod si zeke sa akin
"Ang bilis mo namang maglakad, baks" sabi nito
Hindi ko ito pinansin at kinuha ang cellphone ko. Bahala siya sa buhay niya!
"Ellie?"
Napalingon ako sa nagmama-ari ng boses at nagulat ako nang makita ko si ronnie, classmate ko dati
"Kamusta ka na?" hindi mapigilang tanong ko sa kanya
"Ayos lang, mukhang lalo ka yatang gumaganda" naka ngiting sabi niya
"Ikaw rin"
"Anong ginagawa mo rito?"
"Sinasamahan niya ang asawa niya, at ako yun" nagulat ako ng biglang hinawakan ni zeke ang kamay ko at hinila palabas ng elevator
"Good morning, ma'am ellie" bati sa amin ng sekretrya niya
Hanggang sa makarating kami sa office niya ay hindi niya parin binibitiwan ang kamay ko. Lihim akong napangiti. Nagseselos ba siya?
"Bakit ka ba nanghihila?" tanong ko at kunwaring nagagalit sa kanya
"Kasi ayaw kong nakikipag-usap ka kanya" seryosong sabi niya
"Nagseselos ka ba?" tanong ko at hindi na napigilang ngumiti pero biglang nawala ang ngiti ko sa isinagot niya
"Type ko kasi siya, baks" sagot nito
Kumuha ako ng isang malalim na hininga at binitiwan ang kamay niya. Kalma ka lang ellie! Baka si zeke lang ang magiging dahilan ng kamatayan ko
BINABASA MO ANG
That Gay Is My Husband
RomanceBook 2 of That Gay is Mine. This is the story of the son of kyle and maxine. Enjoy reading guys☺