Chapter 8

1.1K 34 1
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Psyche POV

Nakakainis -,-
Pag swimingin ba naman ako na jersey ang suot ko. Abnormal ba siya?

Padabog kong sinarado ang pinto ng maka labas na ako sa room namin.

"Oh, bakot ganyan suot mo?" Bungad ni Jorgie sakin.

"Si Matthew kasi ayaw nya akong palabasin pag yung swimsuit ko yung sinuot ko." Sabi ko.

"Oh? Eh di sana di ka nalang nag damit para walamg problema." Sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Psyche!" Napa lingon ako sa tumawag sakin. Si Matthew.

"Ano?" Irita kong tanong.

Ngumiti siya at inakbayan ako.

"Mas magandang yan ang suot mo." Sabi niya sakin at ginulo ang buhok ko.

Inis kong tinanggal ang pagkaka akbay niya sakin saka sinamaan siya ng tingin.

"Oh? Bakit ka galit?" Tanong niya.

"IKAW KAYA PAG SUOTIN NG JERSEY! NAKAKA INIS MATTHEW KAYA NGA MAY SWIMSUIT PARA YUN ANG GAMITING PANG SWIMMING!" inis kong sabi.

"Hahaha Psyche ko wag ka na magalit. Ayoko lang ma eexpose yung katawan mo. Isa pa madaming gago sa paligid baka mamaya pag tripan ka." Sabi niya pero inirapan ko lang siya at lumabas.

Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin.

Bahala siya sa buhay niya!

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapadpad ako sa gilid ng pampang. Grabe ang lamig ng tubig.
Ang sarap sana maligo pero nakaka walang gana tong suot ko.

Napa tigil ako bigla.

"Bakit ko nga ba sinusunod yung baliw na yun? Eh di niya naman katawan ang makikita." Bulong ko sa sarili ko at tumango tango.

"Tama. Mag susuot ako ng kahit anong gusto ko kasi nasa malayang bansa naman ako." Sabi ko at tumalikod na akmang mag lalakad na ako ng may mabungo ako.

"Sorry Po"

"Sorry Ms." Tinignan ko yung nabunggo ko.

Lalaki. Maputi. Matangos ang ilong, hazelnut ang mata at pulang pula ang labi.

Bampira ba to?

"Psyche?" Kumunot ang nuo ko ng banggitin ng lalaki ang pangalan ko.

Kilala niya ako?

"Ughm... Kilala mo ko?" Tanong ko.
Umayus siya ng tayo at ngumiti.

"Syempre kilala kita may pinag samahan tayo diba?" Tanong niya kaya kumunot ang nuo ko.

Teka... Isa ba siya sa naging parte ng buhay ko dati? Eh bat di ko maalala?
Ay gaga may amnesia nga pala ako hahaha

"Ah eh... Sorry ha... Di kasi kita talaga kilala. Pero kung naging part ka ng past ko eh... Sino ka nga ba?" Tanong ko..

Tila naguluhan pa siya sa tanong ko.
Bahagya siyang ngumiti.

"Come in Psyche... Its been a 9 years don't tell me di ka parin naka move on?" Tanong niya kaya mas lalo akong naguluhan.

"Huh?" Tanong ko.

"Don't try to fool me Psyche." Natatawa niyang wika. Ngumiwi ako at kumamot sa ulo.

"Ughm... Kuya... Kung isa ka sa mga napadpad para bwisitin ang araw ko eh wag mo na ituloy kasi sa boyfriend ko palang bwisit na bwisit na ako." Sabi ko na nag pawala ng ngiti niya.

"Pasensya na ha. Di ko kasi talaga matandaan kong saan kita nakita o kilala ba talaga kita. Bye." Sabi ko at tumalikod.

Akmang mag lalakad na ako ng mag salita siya.

"It's me... Michael Luxe... How can you forget me if I'm the one who hurts you in the past?" Napa tigil ako at dahan dahang tumingin sa kanya.

Sinaktan niya ako?
Sa past?

Talaga?
Anong klaseng sakit?

"I'm your ex boyfriend so how did you--"

"PSYCHE!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sakin.

Si Matthew with his dark aura.
Papalapit siya samin kasama si Jello at Jorgie.

Muli kong tinignan yung lalaking kausap ko.

"Ughm.. Kuya i need to go nanjan na boyfriend ko." Sabi ko at sinalubong sila Matthew.

Ng malapit na ako sa kanya. Tinignan niya ako ng masama saka tumingin don sa lalaki.

"Nawala lang ako saglit nag hanap ka na agad ng iba." Supladong sabi nya saka niyakap ako.

"Wag ka na ulit makikipag usap sa mga taong di mo kilala naiintindihan mo ba. Mamaya may gawin silang masama sayo." Sabi niya. Tinignan ko sila Jello at Jorgie na naka tingin don sa likod ko.

"Tara na... Pumasok na tayo aalis na tayo mamaya." Sabi ni Matthew at hinawakan ang kamay ko. Tumingin muna siya sa likod ko bago siya nag simulang mag lakad habang hawak ang kamay ko.

Michael Luxe...
Naging parte din siya ng Past ko?
Pero sabi ni Matthew siya lang daw ang lalaki sa buhay ko.

"How can you forget me if I'm the one who hurt you in the past?"

Napa pikit ako ng maalala ko yung sinabi nong lalaki.

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

She's My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon