She's My Girlfriend
Written by RIP~~~
Psyche POV
"Matthew..." Naka ngiti kong tawag sa kanya. Tumingin siya sakin.
"Tama, ako nga Psyche ko." Naka ngiti niyang sabi saka tumingin kay Michael.
"Ngayun utusan mo ang tauhan mo na ibalik ang eroplano."sabi ni Matthew kay Michael.
Tumayo ako at tumingin kay Michael na umiiling iling." hindi.. Hindi... Bakit ka nandito? BAKIT KA NANDITO!?"sigaw niya at tinutukan si Matthew ng baril.
"Ibaba mo yan, mas malaki ang akin." sabi ni Matthew.
" yang sayo ang ibaba mo." Sabi ni Michael at tinutok sakin ang baril niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Talagang baliw ka na." Sabi ko kay Michael.
"Ibaba mo yan." Mahinahong sabi ni Matthew kay Michael.
"HINDI! YANG SAYO ANG IBABA MO KUNG HINDI PAPAPUTUKIN KO ANG ULO NG BABAENG TO!" sigaw niya kay Matthew.
"Bwisit!" Inis na sabi ni Matthew at dahan dahang binaba ang baril niya.
Ngumusi si Michael.
"Ngayun....itaas mo ang kamay mo at umupo ka don!" Utos ni Michael kay Matthew.
"Ibaba mo ang baril mo. " sabi ni Matthew.
"AYOKO!" sigaw ni Michael at tinutok kay Matthew ang baril.
"Wag! Ano ba!" Sigaw ko.
"Kung hindi kayo tatahimik babarilin ko mga ulo niyo!" Sigaw niya samin kaya nag katinginan kaming dalawa ni Matthew.
Dali daling kinuha ni Michael yung baril na ibinaba ni Matthew.
"Ngayun... Bibigyan ko kayo ng limang minuto para mag kausap." Sabi ni Michael at ngumisi.
"Mag paalam ka na sa kanya mahal ko, dahil maya maya lang ay mawawalan na siya ng buhay." Dagdag niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
Tumalikod si Michael at nag lakad sa kung saan habang ako ay nilapitan si Matthew at hinalikan ang labi niya.
Isang mainit at agrisibong halik ang aking iginawad.
Na miss ko ito."Baliw ka, bakit nandito ka?" Tanong ko kay Matthew at hinalikan ang labi niya.
"Ililigtas ang prinsesa ko." Sagot nya at hinalikan ang labi ko.
"Kaya ko mag isa Matthew tignan mo nasa panganib ka ngayun." Sabi ko at hinalikan siya.
"Hindi ko kayang mabuhay kung ikaw ang nasa panganib." Sabi niya at hinalikan ako. Nag tagal lang kaming ganon ng ilang minuto at humiwalay sa kanya.
"Kailangan nating mag isip ng plano para maka alis dito." Sabi ko saka nilibot ang paningin ko.
Biglang may sumagi sa isip ko at tumingin kay Matthew.
"Magaling ka bang umarte?" Tanong ko kaya kumunot ang nuo niya.
"Kailangan nating umarte at mapaniwala siya." Sabi ko.
"Pero wala akong hawak na script." Sabi niya kaya napa irap ako.
"Basta sumakay ka nalang." Sabi ki kaya mas lalong kumunot ang nuo niya.
"Times up!" Napa tingin kami sa pinto ng eroplano at nakita si Michael na may hawak na baril at papalapit samin.
"Ayoko na." Sabi ko sapat para marinig ni Michael at Matthew.
"Kasalanan mo kung bakit hinahabol kami ngayun ng mga polis Matthew." Sabi ko habang naka tingin kay Matthew ng seryoso.
Naramdaman kong parehas silang natigilan..
"Psyche ko ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Matthew.
"Sinira mo na kami noon, sisirain mo pa kami ngayun." Sabi ko.
"Psyche..."
"Mahal ko si Michael Matthew, isa kang baliw dahil hinahangad mo kong maagaw sa kanya." Sabi ko kay Matthew. Nakita kong naiiyak na siya.
"Bakit ba ang hirap hirap para sayo intindihin na hindi na ikaw ang mahal ko Matthew? Si Michael ang mahal ko mula noon hanggang ngayun." Sabi ko saka lumapit kay Michael at hinawakan ang kamay niya.
"Ginulo mo na kami noon, ginulo mo din kami ngayun." Sabi ko saka kinuha ang baril na hawak ni Michael.
"Ako na ang babaril sa kanya mahal ko." Sabi ko kay Michael kaya ngumiti siya. Hinalikan ko siya sa pisnge saka tinignan si Matthew at tinutok sa kanya ang baril.
"Psyche..." Tumulo ang luha ni Matthew dahilan para masaktan ako.
Baliw talaga! Bakit hindi siya umaarte? Hindi siya pwedeng mag artista.
"Any last word? Matthew?" Tanong ko.
"I love you." Bulong niya kaya ngumiti ako.
"Barilin mo na siya mahal ko." Bulong ni Michael kaya tumingin ako kay Michael at ngumiti.
"Your wish is my command." Sabi ko at hinarap sa kanya ang baril.
*bang
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper8
BINABASA MO ANG
She's My Girlfriend
Action|Complete| SHE'S MY BODYGUARD BOOK 2 BODYGUARD SERIES 2 After 6 years Muling nagising ang ating astig na gwardiya ngunit sa kanyang pag gising wala siyang matandaan lahat sa paligid niya ay kanyang naka limutan at sa kanyang paggising isang sekreto...