Chapter 12

1K 32 1
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Matthew POV

"Ah aray Psyche ko dahan dahan naman." Angal ko at napa ngiwi.

"Ayan kasi makipag away ka pa ha para pumanget ka lalo." Sermon sakin ni Psyche saka tinignan ako ng masama ng iiwas ko ang ulo ko.

"Masakit kasi." Sabi ko.

"Pero nong nakipag suntukan ka di masakit no? Sapakan tayo gusto mo?" Tanong niya. Agad akong umuling. Tinuloy niya na ang pag gagamot sa sugat ko.

"Sino ba kasing demonyo ang gumawa nito sa mukha mo ha? Hindi niya ba alam na itong mukha mo ang pinaka iniingat ingatan ko?" Galit na sabi ni Psyche.

Natawa ako sa isip ko. Magagalit ka pa kaya pag nalaman mong ex mo may gawa nito? Baka nga siya pa kampihan mo haha.

"Kasi naman muntik na nilang mabangga yung nanay kanina kaya ayun nakipag sapakan ako." Pag sisinungaling ko.

"Dapat pinapolis mo agad mga tarantado pala sila eh." Sabi niya saka nilagyan ng band aid ang sugat ko.

"Yan gagaling na yan, ako nag linis eh." Proud niyang sabi.

"Baka lumala pa nga to." Sabi ko. Sinamaan niya ko ng tingin saka niya niligpit ang mga nagamit niya na panggamot. Ng akmang tatayo na siya ay agad ko siyang hinila at niyakap ng mahigpit.

"Woi Matthew, anong nakain mo at bigla bigla kang nangyayakap?" Tanong niya. Natawa ako at umiling.

"Wala, namiss lang kita." Sabi ko at may namuong tubig sa mata ko.

"Ang Drama mo." Sabi niya at niyakap din ako.

"Psyche ko." Tawag ko.

"Bakit unggoy ko?" Tanong nya.

"Promise mo sakin di mo ko iiwan ha, kahit anong mangyare at kahit anong maalala mo. Ayus lang sakin kahit na tawagin mo ko ng kung ano anong nakaka asar na tawag o kahit anong gawin mo sakin ayus lang basta wag mo kong iwan ha." Sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Agad siyang kumalas sa yakap ko at tinignan ano. Agad ko namang pinunasan ang luha ko.

"Umiiyak ka ba? Ano bang nangyare ha?" Tanong niya saka ako pinaharap sa kanya.

"Wala, tears of joy lang kasi may naligtas ako." Natatawa kong sabi. Sorry Psyche ko kong mag sisinungaling ako. Ayokong mawala ka sakin.

"Eh bat mo naisip na iiwan kita?" Tanong niya.

Umiling ako

"Wala, baka kasi mag sawa ka sakin bigla tas iwan mo ko." Sabi ko. Kumunot ang nuo niya at binatukan ako.

"Aray!"

"Gago ka ba ha? Bat naman kita iiwan eh ikaw yung mundo ko?" Sabi niya dahilan para kiligin ako.

Hoy! Di ako bakla ha! Sadyang kinilig lang ako sa sinabi ni Psyche.

"Talaga? Pano pag gising mo isang araw sawa ka na sakin tas gusto mo na kong iwan?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim saka umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko saka isinandal ang ulo niya sa braso ko

"Hindi ko gagawin yun. Kung sakaling mag sawa ako, iisipin ko yung masasaya nating ala-ala. Yung mga pinag samahan natin tapos uulitin natin lahat yun." Sabi niya kaya napa ngiti ako.

"Pano mo iisipin yun eh wala ka namang isip?" Pang aasar ko kaya agad siyang umalis sa pag kaka sandal sakin saka ako binatukan

"Aray! Nakakadalawa ka na." Reklamo ko.

"Eh kanina ka pa naninira ng moment eh abnormal ka na ba ngayun ha?" Irita niyang tanong.

Nag katitigan kami saka sabay na tumawa. Bumalik siya sa pag kakasandal sa balikat ko.

"Kung ano man yang kinakatakot mo, wag mong intindihin yun. Lahat naman tayo mag kinatatakutan eh. Face your fears nalang." Sabi nya.

Inakbayan ko suya at hinalikan ang buhok niya.

"Sana ganiti nalang tayo lagi." Sabi ko.

Agad siyang humarap sakin at umiling iling.

"Wag Matthew." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Bakit naman?" Kunot nuong tanong ko.

"Kasi mangangalay tayo."

-,-

Ngayun sabihin niyo sakin sino sa amin ang mas corny ang banat?

Sa pagkakataong ito sya naman ang binatukan ko dahilan para tignan niya ko ng masama.

"BAKIT MO KO BINATUKAN?!" sigaw niya kaya natawa ako.

"Kasi panira ka ng moment!" Sigaw ko din habang natatawa.

"Mana lang naman sayo!" Sabi niya at natawa.

"HOY! MAG PATULOG NGA KAYO! KUNG AYAW NIYONG MATULOG--"

"MANAHIMIK KA!" sabay naming sigaw ni Psyche kay Jello na napakamot ng ulo.

"Okay." Sabi niya saka omexit.

Natawa kaming dalawa ni Psyche habang pinag mamasdan si Jello na pairap irap samin.

Sana ganito nalang kami. Sana hindi dumating yung araw na mawala sakin si Psyche, kasi hindi ko kakayanin kung mangyare yun.

~~~~
Tweet me @redious_in
Insta: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll

She's My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon