Chapter 1: Beginning

26 3 5
                                    

After 13 years

Bianca's POV

Isang tinig ang nakapagpagising sa akin habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang kamay.

"Sweetie wake up, first day of school mo ngayon"

"Goodmorning mom" sabi ko at humalik sa pisngi niya

"Maligo ka na, haist hindi na naman tumunog ang alarm clock mo" sabi niya kaya tumango lang ako

Pumasok na ako ng banyo para maligo, paglabas ko ay wala na si mom sa higaan ko

"Nasa kusina siguro siya" bulong ko sa sarili ko

Ginawa ko lahat ng gagawin ko at saka bumaba. Pumunta ako ng kusina ngunit wala siya kaya dumiretso nalang ako sa dining area and there I saw her drinking coffee.

"I thought nasa kusina ka mom" sabi ko at umupo na

Ngumiti lang siya sa akin at tinawag si manang

Agad akong kumain kasama si mom nang tumunog ang phone nito

"Excuse me" sabi niya at sinagot ang tawag

Tahimik lang akong kumakain at hindi nakinig sa usapan nila. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto at kinuha ang gamit ko. Nakababa na ako at nakita ko si mom na paalis na rin

Ang aga naman atang umalis ni mom ngayon? Baka may problema sa company?

"Mom ang aga niyo naman po atang pumunta ng office?" tanong ko at napalingon naman siya sa akin

"Uuwi ang ate Nicky mo ngayon. Pupuntahan ko siya sa airport para sunduin" sabi niya na may halong excitement

"Really? Okay let's go!" sabi ko at akmang lalakad na ng magsalita si mom

"And where do you think are you going young lady?" nakataas kilay niyang tanong

"Airport" tipid kong sagot

"No you are not coming with me" sabi niya na ikinagulat ko

"But mom I-" pinutol agad ni mom ang sasabihin ko at tinignan ako ng masama

"Pupunta ka ng school Bianca and that's final" sabi niya at bumuntong hininga nalang ako

"Are we clear?" tanong niya

Wala naman na akong magagawa kasi final na eh haist

"Yes mom" ngumiti naman siya at iginaya ako sa kotse

Oh I'm sorry I forgot to introduce my name, I'm Bianca Alvarez, 17 years old. My mom is Jessa Alvarez and my sister is Nicky Alvarez but I am not a real Alvarez because I am just adopted. Masaya ako dahil si mom ang nakakita sa akin sa kalsada, I guess I'm still blessed.

Btw malapit na kami sa school na papasukan ko, which is RK Academy. Hmm what is the meaning of RK btw? I didn't ask mom about it. Pupunta na lang ako ng library para basahin ang history ng school.

"We're here" sabi niya at ibinigay sa akin ang wallet ko

Ah kinuha nga pala niya ito kanina. For sure may pera siyang nilagay dito kahit may credit card naman ako.

"Goodluck sa first day mo sweetheart! Mag-iingat ka, call me if you need anything okay?" sabi niya at ngumiti naman ako

"Okay mom, see you later" sabi ko at tumango naman siya

Lumabas na ako ng kotse at napatingin naman sa akin ang ibang estudyante. Hindi ko sila pinansin at pumunta sa dean's office.

Pagpasok ko dito ay may nakita akong isang babae at isang lalake. Yung babae ay ngumiti sa akin saka may ibinulong dun sa lalake. Maybe he's the dean?

Just For YouWhere stories live. Discover now