All the things and characters of the story are only fictional.
Bianca's POV
Nandito ako sa kitchen at nagluluto since natutulog pa ang mga maids namin. It's 4:30 in the morning at heto nakabihis na ako ng uniform since ang aga kong nagising today. Masakit pa rin ang sugat ko pero ayos lang naman, makakaya pa ring ngumiti hehe. Malapit na akong matapos sa pagluluto ng bacon at fried rice ng dumating ang tagapagluto namin. Gulat na gulat siya ng makitang nagluluto ako, hindi ko na lang siya pinansin at tinapos ang pagluluto
"Naku miss Bianca! Bakit po kayo nagluluto? Hindi niyo po gawain iyan" sabi niya at lumapit sa akin
"Hayaan niyo na lang po ako at saka mamaya pa iyong klase ko. Maaga ho kasi akong nagising kanina at nababagot na ako kaya nagluto na lang ako" sabi ko sa kaniya
"Miss Bianca dapat po nagpapahinga kayo, baka pagalitan kayo ni madam" sabi niya
"Wag kang mag-alala ate Betty, ako pa?" sabi ko at kumindat
Inilagay ko na sa plato ang mga niluto kong bacon, tinapos ko naman ang pagluluto ng fried rice saka siya nagtanong
"May gusto pa po ba kayong ulamin ngayon?" tanong ni ate Betty
"Adobo atsaka fried chicken po ate Betty" nakangiti kong sabi
Naglalagay ako ng mga plato, baso, kutsara at tinidor sa dining area nang makita kong gising na rin ang iba naming maids. Gaya ni ate Betty ay nagulat rin sila at sinubukan rin nila akong pigilan
"Nababagot na po ako, kunin niyo na lang po ang ibang gagamitin namin" sabi ko
Kasalukuyan akong nagmamasid kay ate Betty habang nagluluto ng adobo ng may nagsalita sa likuran ko
"What are you doing here young lady?" tanong niya
Lumingon ako sa kaniya at nakataas na ang kilay niya, nakaligo na ito at kung hindi ako nagkakamali ay gigisingin niya na sana ako
"Just watching ate Betty mom" sagot ko
"Sinabi sa akin ng mga maids na nagkikilos ka raw, ang sabi ko sayo magpahinga ka lang para mabilis na gumaling ang sugat mo" sermon niya
"Mom kagaya ng sinabi ko sa mga maids nababagot po ako since 4 am ako nagising and mom nakapagpahinga naman po ako kagabi at kanina pagkagising ko. Ayoko naman po na wala akong ginagawa, nakakawala ng gana" sabi ko
"Pwede ka namang kumilos-kilos pero hindi ibig sabihin nun na magluluto ka at ilagay ang mga gagamitin natin mamaya para sa umagahan sa dining area" sabi naman niya at napayuko ako
"Yun lang po kasi ang naisip kong gawin, dont worry hindi na iyon mauulit mom promise" sabi ko
Napabuntong hininga na lamang siya at tumango
"Mag-aayos lang ako at gigisingin ko ang ate mo para makakain na tayo" sabi niya
"Okay mom"
"Goodmorning by the way" saka niya ako hinalikan sa pisngi
"Yeah goodmorning mom"
Pagtingin ko kay ate Betty ay tapos na itong magluto ng adobo at fried chicken naman ang kaniyang niluto
"Ate Betty akyat lang po muna ako sa taas, kukunin ko po iyong gamit ko" pagpapaalam po
"Gusto niyo po bang magpatulong kay Therese miss Bianca?" tanong niya
"Kung pwede?" nahihiyang sabi ko
"Sige po tatawagin ko lang" sabi niya at tinawag si Therese
YOU ARE READING
Just For You
Não FicçãoI'm adopted, but I dont even know a single hint about the whereabouts or who are my real parents I'm Bianca Alvarez, 17 years old.. Simple ang buhay ko ngunit may isang rebelasyon ang nangyari Subaybayan po natin ang magiging takbo ng buhay ni Bianca