Chapter 9: Patricia, where are you?

3 0 0
                                    

Mark Angelo's POV

Gulat na gulat sila sa kanilang nalaman at hindi nakapagsalita. Nang makarecover ay agad nagsalita si Tim

"The childhood friends? I see" tumatangong sabi ni Tim

"I'm excited, gwapo kaya yung Sebastian?" malanding sabi ni Eli

Binatukan naman siya ni Bea

"Wag ka nang maghanap ng ibang gwapo Eli nandito naman ako" sabi ni Andrew at kumindat pa

"Jusko ang hangin! May paparating na bagyo ba?" parinig ni Bea

"Makareact naman 'to, bakit hindi ba ako gwapo Beatrice?" tanong ni Andrew

"HINDI as in H-I-N-D-I hanggang tuhod ka lang kay Enrique Gil ko" sagot naman ni Bea

"HAHAHAHA tama na nga iyan baka magkarambulan pa kayo" tawa ko

"Tara sa training room" aya ni Tim

M-W-F ang practice namin na kami lang T-TH naman ang rest day namin. Pero sabado at linggo may ipapapunta dito si dad sa bahay para makalaban namin

Kinuha ni Bea ang kaniyang favorite na bow and arrow, katana naman at baril kay Eli, kutsilyo at baril naman kay Andrew. Si Timothy ay kinuha ang kaniyang shurikens, pocket knife and rope while me? Gun, blades and an army knife

"Sinong mauuna ngayon?" tanong ni Eli habang nilalaro ang baril niya

"Kung hindi ako nagkakamali ay si Mark ang nauna nung huling training so isa sa ating apat ang mauuna" sabi ni Bea

I stepped backward at pumunta sa usual spot ko dito sa training room, I sat on the chair and look at them who are still arguing

"Shut up! Andrew you will be the first one to attack in 10 seconds" I said

We prepared for Andrew's attack who is looking at us with a smirk. Magkasama kami ng ilang taon kaya halos alam na namin ang kilos o ikikilos ng aming mga kasama

Pinutukan niya kaming apat kaya agad namin yung iniwasan, muntikan na yung tenga ko dun ah

"Walanya ka talaga Andrew! Bakit ba ilong ko ang puntirya mo?" sigaw ni Bea at inatake si Andrew ng mga palaso

Napatakbo palapit si Andrew kay Tim kaya agad ding tumakbo si Tim at pinaulanan ng bala si Bea. Nabigla ako ng may nagpaulan ng bala sa akin pero hindi ako umilag kasi hindi naman umabot sa akin. Tinignan ko kung sino ang may gawa nun at nakita ko si Eli na direktang nakaposisyon ang kaniyang baril sa akin, tinapunan ko siya ng blades at pinaputukan si Bea. Tatlo pa ang kalaban ko kasi nag one on one pa yung mga gago.

Kasalukuyan kaming nagti-training nang tumunog  ang speaker dito sa training room. Ang speaker na ito ay nakadirekta kay dad kaya hindi na nakakapagtaka kung siya ang magsalita

"Itigil niyo na muna ang training niyo, may sasabihin ako" sabi niya

Agad ko nang ibinalik ang mga weapon na ginamit ko pero nagtira ako ng ilang blades, habang inilalagay na nila ang kanilang mga armas ay tinapon ko sa kanila ang mga blades at lumabas ng training room. Sinabihan ako ng maid namin na nasa sala daw si dad, agad akong pumunta dun at binati si dad

"Good evening dad"

"Good evening son, where are they?" tanong nito

"We're here tito!" energetic na sabi ni Eli

"Oh bakit nakabusangot ang mukha nila Elizabeth?" tanong naman ni dad

"Tanungin niyo po sa anak niyo tito" inis na saad ni Andrew

Just For YouWhere stories live. Discover now