Chapter 6: New Mission

14 0 0
                                    

Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update guys! Masyadong busy sa school. Enjoy the two chapters!

Bianca's POV

Kasalukuyan akong nasa kotse kasama sina mom, oh ghaad kinakabahan ako para mamaya

"Bunso anong nangyari sayo? Parang hindi ka mapakali" sabi ni ate at napalingon naman sa akin si mom

"Kinakabahan kasi ako dun sa dinner mamaya" sabi ko

"Wag mo na muna yung isipin, ang pagtuonan mo ng pansin ay ang class mo today okay?" sabi niya at tumango lang ako

"We're here" anunsyo ni mom

"Galingan mo ha, see you later bunso" sabi ni ate at hinalikan ako sa pisngi

"Goodluck sweetheart, call Manong Nicolas to pick you up and if you need something just call me okay?" sabi ni mom at hinalikan ako sa noo

"Okay mom, take care bye" I said

I immediately went to my room since malapit na rin mag-start yung class. Traffic kasi kanina that's why natagalan kami

Nang makaupo ako ay napansin kong wala pa ang boys

"I told you masanay kana sa tatlong yun, mga late comers yun eh" sabi ni Bea sa akin

"Oo nga late na naman yun panigurado" pagsang-ayon ni Elizabeth

"At sinong may sabi na late kami?" tanong ng bagong dating na si Andrew

"Whoah himala" saad ni Bea

Nagtaka naman ako kasi hindi nila kasama si Mark

"Oh eh asan si Mark?" tanong ni Eli

"Nakasunod lang yun sa amin eh, saan naman kaya nagsuot yung lalakeng yun?" tanong ni Tim

"Ayun oh" sabi ko at napalingon naman sila sa itinuro ko

"Oh my god, pizza!!" sabi ni Bea at tumakbo kay Mark

Napalingon sa kaniya ang mga kaklase namin pero hindi niya ito pinansin. Agad niyang kinuha ang tatlong box ng pizza, kinuha naman ni Andrew ang softdrinks at kinuha ni Eli ang bag ni Mark. Jusko! Parang ngayon lang sila nakakita ng pagkain sa buong buhay nila kung makaasta, mabuti na lang at may isang matino pa sa kanila

"Hoy mga isip-bata, umupo na nga kayo pinagtitinginan na kayo oh" saway ni Tim sa kanila

Nang umupo sila ay agad silang nagkagulo sa pagkaing dala ni Mark

Habang nagkakagulo sila ay may isang estudyante ang lumapit sa amin

"Uhmm Princess Bea gusto daw po kayong kausapin ni Mrs. De Leon" sabi niya

Agad naman nabaling sa kaniya ang atensyon ng barkada at tinignan si Bea

"Okay" sagot niya

Sumenyas naman siya sa amin ng wait lang guys at sumunod dun sa estudyante

Bumalik ulit sila sa pagkakagulo sa pagkain, tsk

"Uyy hinay hinay lang sa pagkain guys, baka maubos niyo iyan hindi makakain si Bea" sabi ko

"Ayos lang iyan Bianca may dalawang box pa naman HAHA" tawa ni Eli

"Kumain ka" sabi ni Mark

Nagulat naman ako kasi nasa gilid ko siya at inaabot ang isang slice ng pizza at softdrink. Inabot ko naman ito at ngumiti

"Salamat" sabi ko

Just For YouWhere stories live. Discover now