Chapter 1

90 4 0
                                    

Chapter 1

“Sinabe na kaseng ipost mo na yan e, nakailang sulat na ko ng confessions, yung sayo lagpas 1 year mo pang pinatagal, nilalangaw na tuloy,” tukso sakin ng kaibigan kong beki na si Ginnie (Gino pag nagpapakalalaki)

“Oo na! Ipopost ko na talaga to, wait lang,” sabe ko habang tinatype yung confession ko.

(Ako si Kristine Santos, 2nd year college na ko ngayon with a course of BS Pharmacy. Ilang years ko na rin hinahangaan si Gelo madalas na tawag sa kanya nung highschool pa kame. Siya yung madalas pagkaguluhan sa school naming dahil bukod sa matangkad siya at gwapo ay magaling din siyang magbasketball at kumanta. Sa sobrang sikat niya sa school namin dati at sobrang daming babaeng nakapaligid sa kanya, nawala na ko ng pag-asang masabi ko sa kanyang gusto ko siya)

Pagkatapos kong itype ay nagulat akong agad inenter ni Ginnie yung tinype kaya halos mabaliw ako sa kaba at takot sa magiging reaksyon niya kapag nakita niya ito. Nagulat ako kase napost agad yung akin kahit na may limit lang per day yung pagpost ng mga confessions.

At laking gulat ko nung pagkarefresh ko agad, ang dami ng mga comments like

“I salute you, go girl!” sabe ng isang taga OLFU rin na di ko kilala

“Parang kilala ko nga tong babae na to,hahaha” sabe ng classmate ko. Pano ba naman halos lahat ata sila kilala crush ko haha

“Kakilig naman to pre @Angelo Bangsil,” sabe nung kateam niya sa basketball

Kada refresh ko , dumadami agad ang comments at likes ba’t kase famous si Gelo e. Pero ang napansin ko agad ay ang comment niya mismo .

Angelo Bangsil:

I think I know who you are;)

257likes

OMG! Halos malaglag ang panty ko nung nabasa ko comment niya. Di ko maexplain kung gaano ko kasaya kahit na hindi ako sigurado kung kilala nga ba niya talaga ko. Pero ngayon nakasisigurado kong kilalang kilala niya na ko, pano pati mga classmates ko nagcomment na rin at laking gulat ko na si Ginnie ang pinakaunang comment.

Ginnie Mercado: @Kristine Santos, after so many years nagconfess ka na rin sa wakas! Hahaha sorry if  I revealed your identity. You’ll thank me for this in the future. @Angelo Bangsil What can you say?

@Lenny Santos Tita, ito yung sinasabe ko sayong First Love ni Tin. Hahaha

457likes

Lenny Santos: I support you anak. Hahaha goodluck, naalala ko tuloy yung love story namin ng papa mo. Kakilig

Okay lang sana yung pagreveal sa pangalan ko kaso tinag pa niya si Gelo at pati mommy ko tinag niya pa. Kaloka talaga! Ang sarap magmura!

Pati mommy ko nakijoin din at tinagpa ang iba naming kamag-anak. Kaloka talaga si mommy at shinare pa.

Hindi ko tuloy alam gagawin ko lalo na pag nakasalubong ko siya bukas baka tuluyan na kong sumabog .

My ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon