Chapter 2
“Ginnie naman, sagutin mo tong tawag, kaloka ka! Samahan mo ko dito, nasa gate na ko , ayokong mag-isang pumasok baka makita ko pa si Gelo.”habang hinihintay kong sagutin ni Jinnie yung tawag ko.
Halos mabaliw na ko dito sa labas, ayokong pumasok mag-isa sa loob ng school. Sa labas pa galang kinakantsawan na ko.
“I like you to every fiber of my being!” sabe nung isang dumaan at nakita ko.
“Go Kristine Santos!” sabe naman nung isa.
Kaloka talaga kaso kailangan ko ng pumasok kase malalate ako sa first class kaya I decided na pumasok na, sa tingin ko naman di ko makakasalubong si Gelo dito. Kaya habang naglalakad ako papasok, yumuko lang ako at tinext agad si Ginnie, lagot siya sakin.Although kinatuwa ko naman yung pagtag niya kay Gelo hahaha
“ G I N N I E , N A S A N K A N A? K A. .” Di pa ko nakakatapos magtext ay may nabangga ako.
Halos mahalikan ko na ang dibdib niyang mamuscles . Di ko namalayan nahulog na phone ko.Tanga-tanga ko kaloka di kase ko tumitingin sa dinadaanan ko.Pag pulot ko sa cellphone ko agad akong nag sorry sa nakabangga ko. At laking gulat ko na si ANGELO BANGSIL pala ang nakabangga ko. Kung sineswerte nga naman.Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko .
“So. .sorry Gelo,” sabe ko sa kanya hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil baka magwala ako dito sa campus. .
Tatakbo na sana ko dahil hindi ko na talaga kayang itago yung feelings ko ngayon. .
Lalo na nung may naramdaman akong biglang may humawak sa kamay ko.
“It’s okay Kristine, I know who you are.”nakangiting sabe sakin ni Gelo.
Di ako naniniwala sa slow mo pero nung naramdaman ko ang hawak niya sa aking kamay na halos makuryente ang buong pagkatao ko at narinig ko ang mga boses niyang nakakatunaw, nagslow mo ang lahat. Pati ang pagtitig at pagngiti niya sakin.
Halos maghurumentado ang buong sistema ko lalo na nung nakita ko ang dimple niya habang nakangiti at nakatitig sakin. Kung nakakamatay lang ang mga titig niya, matagal na kong patay ngayon.
“See you later sa auditorium.” sabe sakin ni Gelo.
At umalis na siya . Di ko maexplain ang tibok ng puso ko na sobrang bilis na pwede ng isali sa Guiness Book of World Record. Di ko maexplain ang ngiti ko na pati bagang ko nakikita na. Ngunit isa lang ang nakakasisigurado ko. “I just love this guy so much.”