Chapter 3

52 3 4
                                    

Chapter 3

Natapos na ang klase at papunta na kame ni Ginnie sa Auditorium dahil may seminar kameng mga 2nd year students. At magpeperform daw ang banda ni Gelo mamaya after seminar.

“Girl, wag kang magsinungaling diyan. May nangyari sa inyo ni Gelo kanina sa campus no?Hahaha. You should thank me.” tukso sakin ni Ginnie.

“Kaloka ka bakla! Wag kang maingay diyan, anong may nangyari? Nabangga ko lang naman po siya kase di ako nakatingin sa dinadaanan ko kakatext sayo kase di mo sinasagot ang tawag ko. ”sagot ko sa kanya. Of course thankful naman ako dito sa baklang to kahit na sadyang tsismosa at madaldal lang.

Pagdating naman sa Auditorium, sa harapan kame na kaupo kaya halos tuksuhin ako ng lahat dun sa confession ko. At maski ang professor ko sa Physics, nakisali na rin. Kaya nakayuko na lang ako at hiyang hiya sa kinauupuan ko. How I wish na matapos na ang araw na to?.

Lumipas ang 3 hours na presentation ng mga contestants na kasali sa Physics Month at as usual medyo nakakaantok ito hahaha.

Pero agad nagsihiyawan ang lahat ng estudyante lalo nung inannounce na ang susunod na magpeperform ay ang banda nila Gelo.

“Wahhhhhhhhhhhhhhhhh! Wahhhhhhhhhhhhhhhhhh!” halos mabingi ko sa sigawan nila.

I can’t blame them pano ba naman sobrang gwapo kase talaga ni Gelo. Kahit ang simple simple ng suot niya ngayon, sumisilaw pa rin ang gwapo niyang mukha at hot niyang katawan. Ang pamatay niang mga titig at ang malamig at nakakatunaw niyang mga boses na pati matatandang professor, kinikilig sa kanya.

“This song is dedicated to the only girl that I loved and will continue to love. . This is for you.” Sabe niya habang nakatitig sakin although alam kong nag-aasume lang ako kase sa harapan kame nakaupo.

May narinig pa kong sumigaw na rumored crush ni Gelo na si Ashley Argota Eishley Ergota raw ang tamang pagpropronounce. Arti e

“Thank you baby! You’re so sweet! I love you too.” Sigaw ni Ashley.

Di ko mapigilan na ang bilis na tibok ng puso ko kanina nung nakitang nakatitig siya sakin ay unti-unting bumagal na feeling ko di na ko makahinga. Di ko namalayang umiiyak na pala ko habang kinakanta niya ang favorite ko kantahin . . .

All of me loves all of you. .

Love your curves and all your edges, all your perfect imperfections

Give you’re all to me, I gave my all to you.

You’re my end and my beginning even when I lose I’m winning.

Coz I give you all of me

Di ko na matapos yung kanta kase pinipigilan kong di maiyak.

“Girl, cr lang ako, ihing ihi na ko.” Sabe k okay Ginnie kahit alam ko naming di siya maniniwala sakin.

Tumayo ako at pasimpleng lumabas ng auditorium kahit na kumakanta pa rin Gelo.

Di ko mapigilan ang pag-iyak ko sa loob ng cr. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba sa sinabi ni Ashley pagkatapos magsalita ni Gelo. O sadyang assumera lang talaga ko na ako yung tinitigan niya kahit na nasa likod ko lang si Ashley? Sana di na lang ako nagconfess, alam ko namang di niya ko magugustuhan. .

“ Coz I give you all of me. . .” naririnig ko pa rin ang boses nia kahit na nasa loob ako ng cr.

Grabe ang pula-pula na ng mata ko. Kanina pa pala ko nandito. Di ko na namalayang ang dame na ng text ni Ginnie.

“Girl, asan ka na ba? Patapos na yung performance ni Gelo.”

“Girl, ang tagal mo naman diyan, last song na nila.”

“Ui girl, ano nangyari sayo diyan? Wala na tuloy sa mood kumanta si Gelo.”

“Bilisan mo nga diyan”

Ayan na naman di ko tuloy maiwasang mag-assume na wala sa mood kumanta si Gelo dahil sakin. Pero sa huli isang malaking imahinasyon ko lang yun at ako rin ang masasaktan. Ayan na naman naiiyak na naman ako.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng cr.

“Girl, ano bang nangyari sayo diyan? Mukha kang maysore eyes. Kaloka ka girl! Di mo tuloy natapos yung performance ng love of your life mo.”sabe sakin ni Ginnie.

“I need to let him go na bes, he’s taken at mukhang masaya na sila ni Ashley. And isa pa alam ko naman simula una pa lang, one-sided lang lahat ng to, nag-assume lang ako , na baka sakaling may pag-asa ko.”maiiyak na sabe ko kay Ginnie.

Hinug niya ko kaya di ko maiwasang umiyak. Pano ba naman kase, siya lang talaga mapagsasabihan ko ng ganitong mga bagay. . .

Pag-uwi ko sa bahay. .

Nagulat ako na may nagtext sakin pero unknown no.

Why didn’t you finish watching my performance? I was staring you the whole time. Fvck naman Kristine. I thought naccr ka lang kaya ka umalis pero di ka na bumalik.:(

Akala ko ba gusto mo ko?:(

Just tell me kung na fall out ka na sakin.

I’ll be waiting for you tomorrow at 4pm sa campus.

-Gelo

Sh*t! F*cking Sh*t! No.niya ba talaga to? Baka mamaya nag-aassume na naman ako. Simula kase nung nagconfess ako, kung sinu-sino na ang nagtetext sakin at nagpapanggap na sila si Gelo. Kaya sigurado ko isa lang din ito sa mga nagtetext sakin before. At agad dinelete yung message. Gusto ko na tuloy magpalit ng sim. Ba’t ba kase kumalat yung number ko at higit sa lahat pinagtitripan pa nila ko dahil isang panggap lang nila na sila Gelo, naniniwala na ko agad.

My ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon