Chapter 2

19 2 14
                                    

IRENE


Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Ididilat ko pa lang ang mata ko nang may pumalo sa hita ko.

"Aray ko naman!" Galit kong tiningnan kung sino mang nilalang ang pumalo saakin. Laking gulat ko na lang nang makita kong si Mama ito.

"M-ma? What are doing here in my condo?"

"Your condo? Can look around and check where you are?" Agad ko namang iginala ang mata ko at--- What the fuck?! Nasa bahay ako?! Pano ako napunta dito?

Shit.

Ang huling natatandaan ko lang ay---

"Ano? Natandaan mo na ba kung anong nangyari ha?" Inosente naman akong napatingin kay Mama. Don't tell me pina-blotter nya ko kasi naramdaman na nyang wala na akong trabaho?

"Hindi ka na nahiya?! At talagang pinerwisyo mo pa si Mr. Lopez?!"

"What?! And who the hell is---,"

"It's okay Mrs. Corpuz. Hindi naman na po kayo iba pa saamin." Nabaling ang tingin ko sa tabi ni Mama. Ngayon ko lang napansin na may iba pa palang tao dito. Nahiya naman ako bigla kaya hinatak ko ang kumot para ipantakip sakin.

Napabuntong hininga na lang si Mama bago umiling-iling. Tinignan nya muna ako ng masama bago umalis.

"So..."

"So I assume that you are Mr. Lopez?" Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. In fairness, gwapo. Halatang mayaman. Pero wala akong pake. Base sa pagkaka-intindi ko kanina, sya ang dahilan kung bakit ako napunta dito sa bahay.

"Uh-huh." Tipid na sagot nya at tumango-tango pa.

At may gana pa talaga syang tumango-tango ah? Galit ko syang tinignan. "Sino ka ba huh? Bakit ka nangingialam? Bakit mo ko dinala dito sa bahay?! Paki-alamero ka!"

Napailing-iling naman sya.

"Aren't you gonna say 'Sorry'?" He eyed me then smirk. What the hell?!

"And why would I?!" Lalo naman syang napangisi sa tanong ko. Nagulat naman ako ng bigla syang lumapit sa kama ko. Paatras ako ng paatras habang papalapit naman sya ng papalapit.

"A-ano ba?! Bakit ka ba lapit ng lapit? L-lumayo ka nga!" Pero imbis na lumayo sya, naupo pa sya sa kama ko at hinapit ako papalapit sa kanya.

"Don't you remember what happened last night?" Nanindig ang balahibo ko ng ibulong nya iyon sa tenga ko.

"A-ano? Ano n-namang k-kailangan kong a-alalahanin huh?" Oh shit. Why am I stuttering?

"Hmm? Hindi mo talaga naaalala?" Bigla syang lumingon saakin at inilapit ang kanyang mukha. Napasinghap naman ako sa ginawa nya. Pigil na pigil ko ang hininga ko habang pilit kong iniiwas ang mukha ko.

Tumagal pa ng ilang segundo ang pagtitig nya saakin bago nya ko itulak at tingnan ng masama.

"Ako lang naman yung taong binunggo at sinukahan mo kagabi." Nanlaki ang mata ko at tinitigan syang mabuti. Bago ako mawalan ng malay kagabi, natatandaan kong may nabunggo nga ako. Pero nasukahan?

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now