Chapter 1

15 2 11
                                    

IRENE

"Ms. Corpuz! In my office. Now!" Napapikit na lang ako nang marinig ko ang sigaw ng boss ko. Aish. Kasalanan ko bang traffic sa EDSA?

Naglakad na ako papunta sa office nya. Hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok ay nagsalita na sya.

"Ms. Corpuz, you're---,"

"Ms. Melendez, I quit. I think this job will never fit on me because I deserve something better than being just your secretary."

"What did you just said?" Mula sakanyang pagkakatalikod ay humarap na sya saakin na may nanlilisik na mata.

"Do I need to repeat myself Ma'am?" Alam ko naman kung bakit nya ako pinatawag. Alam na alam ko naman. Ikaw ba naman 1 month straight ma-late. Tignan na lang natin kung hindi ka nga tanggalin. Kaya lang syempre bago nya ako i-fire, inunahan ko na sya. Bah, lagi na nga nya kong sinisigaw-sigawan sa harap ng maraming tao tapos if-fired nya pa ko? Hindi naman na ata ako papayag nun. Ano, pride na nga lang natitira sakin tatanggalin nya pa?

"What?! Aba't ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na mag-quit?!"

"Yes naman Ma'am. Kaka-quit ko nga lang po diba?" Di bale na. Last ko naman na to. Makaganti man lang ako sa mga pagsigaw-sigaw nya sakin. Buti sana kung maayos syang magpa-sweldo eh. Kaso hindi naman.

"Aba't talaga nga namang---! Get out! Get out in my office! Get out in my company! Get out in my life! Pack your things now and leave! At wag na wag ka nang magpapakita sakin! Argggh!"

Naglakad na ako paalis sa impyerno. Este, sa office ng aking boss. In fairness, ang taray nya maka "Get out in my life!" Para namang nanghimasok ako sa buhay nya. Kung buhay lang din naman nya ang hihimasukin ko wag na lang. Baka masuka pa ko sa itim ng budhi nun.

Pagbalik ko sa quarters namin ay lahat sila nakatingin sakin.

"Ano? Ngayon lang kayo nakakita ng maganda?" Irita kong sabi sakanila. Inirapan naman nila ako bilang sagot. Tss. Mukha kayong mga sinapian.

"Hayaan nyo na girls, pagbigyan nyo na. Last day naman na nya dito. I heard tinanggal na sya ni Ma'am." Tsismis nga naman ang bilis kumalat. Parang kalalabas ko pa lang ng opisina ni Ma'am ah?

"Correction Trixie, I quit. Hindi nya ako tinanggal. Naiintindihan mo?" Nginisihan ko na lang sya kahit gustong-gusto ko na ihampas yung pagmumukha nya sa lamesang kinatutukudan nya ngayon.

"Ganun na din yon." At bumalik na sya sa trabaho nya.

Napailing na lang ako. Really Trixie? Why so childish? Ano, college pa rin ba?

Palibahasa college pa lang sobrang insecure na sakin. Kasalanan ko bang sobrang ganda ko kaya yung lalaking kinababaliwan nya sakin may gusto? Hay. Buhay nga naman parang life.

Napabuntong-hininga na lang ako habang inaayos ko yung mga gamit ko. Kahit papano naman kasi, napamahal na sakin tong trabahong to. Yung mga tao lang talaga ang hindi.

Nang natapos na kong mag-ayos ng mga gamit ko, nagsimula na akong maglakad papaalis.

"Bye Irene! Hope to see you again next time."

"Yeah, see you in hell." Tapos nilingon ko sya nang may ngisi sa labi. Kitang-kita ko kung paano umikot ang mata nya sa inis saakin.

Oh come on, sya tong nangunguna tapos sya rin tong mapipikon? What a loser.

Habang naglalakad ako papaalis, iniisip ko na kung san ako pupulutin. Wala na kong trabaho ngayon. Ibig sabihin, wala na rin akong maipag-mamayabang sa magulang ko na may sarili akong pera na kakayaning bumuhay sakin.

Aish! Kasi naman eh! Pano na to? Knowing my parents, if they will knew about this, they will surely force me to get back to their house and start to manipulate my life again. Aish!

Ayoko nang ganun! May sarili akong buhay. At lalo namang hindi ako manika para kontrolin nila.

How I hate this life.

Sumakay na lang ako sa kotse ko at dumiretso sa bar. I need to calm myself down. Hindi ko kinakaya tong stress na inaabot ko.

Agad akong umupo sa high stool sa bar at umorder. "One vodka please." At parang nagulat naman yung bartender sa sinabi ko.

"Sigurado po ba kayo Ma'am?" Tanong nya sakin habang nanglalaki pa ang mga mata.

"Mukha ba kong nagj-joke ha kuya?" Napairap na lang ako. Seriously, naiinis na nga ako dito dadagdag pa sya.

"Hey, easy. Nagulat lang si kuya sayo kasi hindi nya akalaing ang ganyan kagandang katulad mo nainom pala ng mga hard drinks." Inis akong napalingon sa katabi kong bigla-bigla na lang sumasabat.

"Are you insulting me?" Tanong ko at pinanliitan sya ng mata.

Bahagya naman syang napatawa. "No. I'm just telling the truth."

Hindi ko na sya pinansin. Sakto namang dumating na yung order ko. "Here's your vodka Ma'am."

"Thanks,"

"Alam mo, natutuwa ako sayo." Bigla nanamang nagsalita ang lalaking katabi ko.

"Do I look like a clown to you?" Pinanliitan ko nanaman sya ng mata.

"Hey, chill. Galit agad. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. What I meant is, nakikita ko kasi sayo yung kapatid ko."

Napatango-tango naman ako sa sinabi nya.

"Bakit? Kamukha ko ba yung kapatid mo?"

"Nope. Pero magka-ugali kayo."

Napatango-tango naman daw ulit ako sa sinabi nya.

"By the way, I'm Primo." Nakita ko sa gilid ng mata ko na nag-abot sya ng kamay pero hindi ko ito pinansin.

"Irene," Naikamot na lang nya sa batok nya yung kamay nyang hindi ko inabot.

"Hey Primo! Long time no see! Na-miss kita pare!" Nagulat ako sa lalaking bigla-bigla na lang dumamba sa taong katabi ko. Anak ka naman talaga ng nanay mo oo. Kung hindi ako naka-iwas pati ako nadaganan na nya.

Kesa madagdag pa sila sa inis ko sa mundo, hindi ko na lang sila pinansin at sinimulang inumin ang vodka ko.

Nang maubos ang vodka ko, umorder pa ulit ako. Umorder ako ng umorder unti I feel that I'm a little bit tipsy.

"Hey Irene, still up?" Narinig kong tanong sakin ng katabi ko. Sino nga ba toh? Ah, tama. Si Primo.

"Yeah, I'm still fine."

"Sino yan pre?" Bumulong pa, narinig ko naman.

"I don't know. I just met her today."

Hindi pa ako nakuntento at umorder pa ulit ako.

Nang maramdaman kong nasusuka nako, tumayo na ako para sana lumabas pero pagtayo ko, sakto namang may bumunggo sakin.

Hindi ko na napigilan at sakanya ko naisuka lahat ng ininom ko.

Oops. Not my fault. Kung di sana sya haharang-harang sa dadaanan ko edi sana hindi sya ang nasukahan ko.

Aalis na sana ako nang maramdaman kong hinaklit nya ang braso ko then everything went blank.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now