Chapter 4

10 1 18
                                    

IRENE

Kinabukasan paggising ko, nag-ayos na agad ako ng sarili ko para makapaghanap ng trabaho. Hindi pwedeng papetiks-petiks lang ako. Ginusto ko to eh, kaya dapat panindigan ko.

Nang maayos ko na ang sarili ko, umalis na agad ako at nagsimula nang magikot-ikot.

Inuna ko na muna yung malapit lang sa condo ko para mas convenient kaya lang mukhang wala ng available. Yung tipong magi-inquire pa lang ako, iilingan na agad ako ng guard na nagbabantay.

Eh pano pala pag hindi ako maga-apply diba? Pano pala pag business partner ako ng mga boss nila at magp-propose lang ng bagong ideas or business, edi lagot sila? Aish. Why do I even making this a big deal in the first place? Haist. Nababaliw na ako.

Nagikot-ikot lang ulit ako sa pagbabakasakaling may nalagpasan lang ako kanina pero inabot na ko ng tanghalian't lahat-lahat, wala pa rin akong nakita.

Tinigil ko na muna ang paghahanap ng trabaho at nagsimulang maghanap ng pinakamalapit na pwedeng kainan. Hindi nga rin pala ako nag-breakfast.

Nakahanap ako ng isang fastfood chain na may mascot na bubuyog. In fairness ah? Ang cute nya.

Nag-order na lang ako ng isang fried chicken at isang drinks. Hmm. Not bad huh?

Pagkatapos kong kumain, tumayo na ako at umalis.

Pagdating ko sa sasakyan ko, tsaka ko lang napansin na naiwanan ko pala sa loob yung resume ko. Argh! Bakit ba napaka-makakalimutin ko?

Dali-dali kong binalikan ang lamesang kinauupuan ko kanina. Phew. Buti na lang nandito pa.

Pagkakuha ko ng resume ko, naglakad na ako papalabas. Nang biglang may bumunggo sakin.

And I'm so lucky because she is holding a drink. Drink na naging pabango na ng damit ko.

Arrrggghhh! Pano na ko maga-apply nito?!

"Hala, sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga." Tapos sinimulan nyang punas-punasan yung damit ko. Na hindi naman nakatulong kasi lalo lang kumalat yung basa.

Hinawakan ko na yung kamay nya para patigilin. "Hindi, okay na. Tigi--- ikaw?!" Pabalya kong nabitawan yung kamay ng babae ng makilala ko kung sino ito.

"Aray naman! Grabe naman to oh," Hinimas-himas nya yung braso nya habang nakabusangot na nakatingin sakin.

"Hobby mo ba talagang bungguin ako ha?" Galit ko syang tinignan.

"Grabe. Hobby agad? Hindi ba pwedeng tuwing makakabunggo ako lagi lang sumasakto na ikaw yung nabubunggo ko?" At oo, yung nakabunggo sakin kahapon at yung nakabunggo sakin ngayon ay iisa.

Inirapan ko na lang sya at tumalikod na para umalis.

"Wait," At bigla nya kong hinawakan sa braso. So ano, nagkaplit na kami ng role ngayon?

Bored ko na lang syang tinignan at hindi nagsalita. "Sama ka na lang sakin." Tapos bigla nya akong kinaladkad.

"T-teka, teka nga! San mo ako dadalhin?" Pilit kong tinanggal yung pagkakahawak nya sakin at lumayo. Nangunot naman bigla ang noo nya.

"What's with the distance?" Lalo pa akong lumayo sakanya. "Dyan ka lang. Wag kang lalapit! Pag lumapit ka sisigaw ako."

Pero hindi sya nakinig at humakbang pa rin papalapit.

"Waaah!" Mukha naman syang nagulat sa pagsigaw ko at napaatras ng ilang hakbang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now