Chapter 3

9 2 28
                                    

IRENE

Pagka-alis ko nang bahay, dumiretso ako sa condo na binili ko noon gamit ang sarili kong pera. Buti na lang pala talaga bumili ako ng isa pang condo noon. Kasi kung hindi, hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon.

Malayo-layo naman to sa bahay at condo ko noon. Hindi naman nila siguro ako matutunton agad.

Kasi hindi naman pwedeng doon ako sa condo na binili sakin ni Papa noon. Kasi panigurado, pupuntahan lang nila ako doon at pipiliting umuwi sa bahay. Minsan talaga hindi ko sila ma-gets. Pag wala ako, hinahanap ako nang hinahanap. Pag andoon naman, kulang nalang palayasin na nila ako.

Oh well, magtataka pa ba ako? Syempre, wala silang masusumbatan pag wala ako doon.

And good thing na rin pala na may iba akong bank accounts na iba ang pangalan. Kasi once na mag withdraw ako gamit ang official ATM ko, mat-trace lang nila ako.

Gusto kong palakpakan ang sarili ko sa pagkakataong ito. Buti na lang pala ginagamit ko minsan ang utak ko.

Ang problema ko na lang ngayon, san ako makakahanap ng trabaho. Hindi naman pwedeng tumunganga na lang ako. Kasi pag yon ang ginawa ko, mawawalan ako ng pera in no time. Pano na ko pag nagkataon?

Hindi naman ako pwedeng humingi ng tulong sa mga magulang ko. Just imagine how bitch I am kapag ginawa ko yun. Alam ko, may mali din ako. Pero nakakasawa na kasi. Nakakasawa nang sumbatan, diktahan, lahat-lahat na. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko. Kaya to avoid any conflicts, lalayo na lang ako. And I think, I just gave them a favor. Wala na silang sakit sa ulo.

Sa mga ganitong pagkakataon, ang sarap siguro kung may matatakbuhan kang mga kaibigan noh? Yung bang may makikinig sa drama mo, yung may magpapayo sayo, ang saya siguro nun.

Kaya lang kung panandaliang kaibigan lang, wag na lang. Hindi ko kailangan nun.

Trixie Suarez. That girl on my previous work, she's originally my bestfriend. My sister, my other half, my partner-in-crime. Way back then, we're inseparable. But yeah, nothing's permanent. So here we are now.

Okay naman kami. Okay sya, okay ako, okay ang lahat. Until Iñigo Tuazon came in the picture. I must say, he is every woman's dream. Gwapo, matangkad, maputi, matalino, athletic. Truth to be told, he's the campus heartthrob. So just like in the cliche love stories, there's this girl na mai-inlove sakanya na handang gawin ang lahat para sila'y magkatuluyan.

And that girl happened to be my bestfriend.

Sinusuportahan ko sya sa mga pagpapa-pansing ginagawa nya kay Iñigo. Ginagawa ko lahat para suportahan sya. Kahit na minsan, nakakasakit na sya ng iba.

Well sabihin na natin na nagtagumpay sya sa pagpapa-pansin nya kay Iñigo. Napansin sya nito, naging close sila, naging magkaibigan. Pero dahil bestfriend ako, lagi nila akong kasama kahit saan sila magpunta. Kaya hindi maiiwasang pati ako, mapalapit kay Iñigo.

Then the story must go on. Nahulog nang tuluyan sakanya si Trixie, nahulog sya sakin, wala pa rin akong pake, pilit ko syang itinutulak kay Trixie pero walang nangyari. Hanggang sa tuluyan nang nagalit si Trixie. Nagalit sya sakin, hinayaan ko naman. Kasi sabi ko, may karapatan naman sya. Yung gusto nyang lalaki, sakin may gusto. Pero laking katangahan ko naman, wala pala talaga syang karapatang magalit sakin. Kasi unang-una sa lahat, wala akong ginawa para magustuhan ako ni Iñigo. Pangalawa, hindi ko naman inagaw sakanya, kasi oo nga naman, ano nga namang aagawin ko eh hindi naman sakanya?

Sinubukan ko namang ayusin ang pagkakaibigan namin. God knows how much I exert effort just to fix our friendship. Pero sadyang sarado ang isip nya, ayaw nyang makinig, kaya hinayaan ko na lang. Sya nga eh, basta-basta na lang binitawan ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa isang lalaki.

So bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin diba? I will not beg her to stay if she doesn't want to. I'm not that desperate to beg someone na mag-stay sa buhay ko. Kung ayaw edi fine! Mabubuhay ako ng wala sya.

And tada~! Here I am now. Mas maayos ang buhay. Wala nang polluted air akong nalalanghap.

Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

At dahil biglaan lang ang paglipat ko dito, wala akong pagkain. Kapag minamalas ka nga naman oh.

Nagpalit lang ako ng damit at umalis ulit. Nagpunta ako sa pinakamalapit na mall para makapag-grocery na rin.

Kakain na lang ako sa labas bago mamili.

Nang makakain na ako, dumiretso agad ako sa supermarket para bumili ng mga kakailanganin ko sa condo.

Nagtitingin-tingin ako nang mga pwede ko pang gamitin para sa condo ko nang may nakabunggo sakin.

"Ouch," Mahinang sabi ko at tiningnan ang nakabunggo sakin. Laking gulat ko nang makitang nakatingin ito sakin ng masama.

"Next time, watch your step. Para hindi ka nakaka-perwisyo ng iba."

What the hell? Tama ba yung narinig kong sinabi nya saakin?

"Excuse me Miss? Ikaw ata ang nakabunggo saakin at hindi ako ang nakabunggo sayo." Tinignan ko na din sya ng masama. Napairap na lang sya at bumuntong hininga.

"Well I admit ako ang nakabunggo sayo. But I'm not gonna say sorry. Kung tumitingin ka kasi sa dinadaanan mo, hindi sana kita mabubunggo." Tatalikod na sana sya nang hinila ko ang braso nya.

"Excuse me? So sinasabi mong kasalanan ko pa kung bakit mo ako nabunggo?"

"Parang ganun na nga. At pwede ba, bitawan mo nga ako. Nagmamadali ako. And I have no time for this craps." Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa braso nya at tuluyan nang umalis.

So ano to? Ginantihan na agad ako ng langit? Letche naman talagang pride yan oo. Bwisit. Lakas makasira ng araw.

Minadali ko na lang ang pamimili ko at umalis na sa mall.

Pagkauwi ko sa condo, inayos ko lang ang mga pinamili ko at nag-ayos na rin ng sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos, humiga na ako sa kama at nakipagtitigan muna ng ilang minuto sa kisame bago ko napagpasyahang matulog na.























Tomorrow, my life will enter a big change.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now