TTEOT||Chapter 6••

15 0 0
                                    


CHAPTER 6

Nicci's Point of view

I really can't stop this three crazy bestfriends of mine with what they have wanted so here i am, laying on my bed while this three were on the both side of the bed and staring with those worrying eyes planted on me. I signed. This is the nth time i had signed for this day. Are they can even see that i'm feeling awkward with those worrying eyes?

Kagagaling lang namin sa hospital. Gaya ng sinabi nila kay Isles ay inihatid na nila ako pagkatapos akong mabendahan at mabigyan ng gamot. Nakakainis na nakakailang lang ang mga mata nilang may pag-aalalang nakatingin sakin ngayon. Tsk.

Anong plano ng mga 'to? Titigan ako hanggang sa lumuwa ang mga mata nila?

Napabuntong hininga ulit ako bago nagsalita. Nakakairita na kaya.

"Pwede ba? Wag niyo nga akong titigan ng ganyan. Dukutin ko mga mata niyo." pagbabanta ko sa kanila pero ang mga hinayupak in-snob lang ako. Pinakatitigan pa akong maigi. Napairap ako. "Ano ba? May bangas ba ako sa mukha? Wala naman di ba? Nasa paa yung masakit.. yun na lang titigan niyo wag na ako."

"You  know what?" pagsasalita ni Tedi sa kanan ko. Tumingin ako sa kanya. "Nagtataka kami kung bakit nandito ka. Hindi naman sa gusto kong malaman kung bakit pero kasi nakakapagtaka lang na hinayaan ka ni Tito Nicco na mag-stay sa isang mansion na may mga lalaking nakapaligid sayo."

"Lalo na't natutulog kayo sa iisang bubong." pagtutuloy ni Trish sa sinabi ni Tedi.

"We all know what Tito Nicco's hate the most when it comes to you, right? Kung ako nga hindi makapag-overnight sa bahay niyo dahil sa ayaw nga niya but how did these happened that he allowed you to slept here." ani Buck naman na may hands gestures pa.

Bumuntong hininga ako dahil maski ako ay naguguluhan sa timpla ng ugali ng tatay ko. Totoo ang mga sinabi nila. Ayaw na ayaw ni Daddy na may ibang lalaki sa bahay bukod sa kanya at baka daw kasi alam niyo na.. may mangyari saking masama?.. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako hinayaang manitili dito kila Tito Miguel.

Totoo ring hindi pa nakakatulog sa bahay si Buck. I mean overnight maliban sa dalawang baliw na 'to dahil nga sa ayaw ni Daddy na may ibang lalaking natutulog sa bahay. Kaya kapag mago-overnight sina Tedi sa bahay ay laging nakasimangot si Buck na aalis. Hahaha!! Naiinggit eh. Tapos sinasabi pa niya samin na sana babae na lang din daw siya. Tinatanong nga namin yan kung bakla siya pero ang sagot niya lang lagi samin?

"Magkamatayan man ang lahat ng bakla ay hinding hindi ako mapapabilang sa kanila. I better kiss you three than to kiss a guy. It's gross!! ARGH!!"

At kaming tatlong babae naman ay mapapatawa na lang sa sagot niya.

Tinitigan ko silang tatlo at talagang nakapaskil na sa mga mukha nila ang pagtataka. Sasabihin ko ba?

Should i let them know?

Well, they are my friends after all so why not tell them the reason? Para naman kapag kailangan ko sila ay matutulungan nila ako.

For once, i signed again before i spoke. "I'll be engage next week." pag-amin ko. Nakayuko ako kaya hindi ko makita ang mga reaction nila. Natatakot ako sa mga masasabi nila eh pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin sila nagsasalita.

Pagtingin ko sa kanila.

Tulala lang sila sakin. Hindi makapaniwala. Si Trish bahagya pang napanganga. Si Tedi tulala lang talaga. Si Buck? Hindi ko alam kung anong klaseng reaction yung nangyari sa kanya. Nagulat na nabaliw? Nanlalaki kasi ang mga mata niya with matching hawak sa ulo.

'Til the end of timeWhere stories live. Discover now