Saktong pag dating namin sa room, nandoon na sa tapat ng pintuan ang lecturer sa History. Napalingon ako sa tabi ko, si Khiana nang magsalita siya.
"Alam mo, nakahanap na talaga ng katapat iyon si Ethel at ikaw iyon" aniya.
"Hindi naman ako papatol hanggat hindi malala ang gawin niya. Magsasawa rin siya sa akin"
"Ikaw bahala. " Sabi niya sabay kindat. Baliw rin.
Matapos kaming nag introduce, hindi nag patinag ang lecturer at nag discuss na. Para akong mamatay sa ka boring, hindi man lang nagpapaactivity.
Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas, dismissed.
Sa next subject namin, which is Math, magaling magturo yung guro kaya madali lang akong nakacope up sa lessons, medyo advance kase kami noon.
Maya-maya, ng nagdidiscuss pa ang lecturer, biglang kumulog kasabay ng pag ulan.
Nakalimutan ko ang payong ko at paniguradong masastranded ako dito. Nung matapos ang Math, nag stay lang ako sa room para maghintay tumila pero parang nang aasar ang ulan at hindi pa tumila.
Ako na lang isa sa room, at pinalabas pa ako kase maglolock na raw yung key holder slash San Pedra namin.
Spell PAMBIHIRA.
KHIANA ODLASERB'S POV
Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin tumitila ang ulan. Kanina ko pa napansin si Andie, yung babaeng lumaban kay Ethel kanina na naghihintay sa labas ng room, sa may flower box. At first, akala ko hindi siya pero pag lapit ko siya nga.
"Tara na sabay na tayo!" Aya ko sa kaniya, tumawa siya ng mahina at tumango.
"Hindi, okay lang. Nakakahiya naman sayo." Pagtanggi niya. Mahinhin talaga!
"Alam mo, kung maghihintay ka lang sa wala, ikaw lang yung mapapagod. Kaya tara na."
"Paano mo nasabe?"
"Kase naranasan ko na, hindi nga naman ako pinahintay pero naghintay pa rin ako."
Tumawa na naman siya at nagsalita. "Hindi naman iyon yun eh."
"Alin? Ha? Bakit?"
"Ang ibig ko sabihin, pano mo nasabe na naghihintay ako sa wala. Bakit, hindi ba titila itong ulan?"
Ouch, pahiya ako doon ah."Ah, basta! Tara na nga!"
Tumawa na naman siya at tumayo. "Sige na nga, pero wala akong utang ah. Wala akong pera."
"Ano ka ba okay lang, di kita pagbabayarin pero sa isang kondisyon! Pananakot ko.
"Ano iyon?" Nagtataka niyang tugon.
"Dapat maging bestfriends tayo!"
"Yun lang naman pala. Pero alam mo, hindi ako naniniwala sa bestfriends. Dahil kahit anong mangyari, iiwan ka pa rin naman nila. Lahat naman ng tao pwede maging totoo, at pwede rin maging sinungaling. Pero sige na nga! Wala naman akong kaibigan dito eh." Yun naman pala, andaming OA.
"Tara na nga, sapul ako doon ah. May kilala rin naman kase ako. Haha"
Naalala ko tuloy yung taong NAGING mahalaga sa akin. Yung taong PINAGKATIWALAAN ko ngunit LINOKO lang pala ako. I'm not referring to a boy, she's a she.
"Oh bakit natahimik ka diyan?" Makulit rin pala to siya eh. Madali rin siyang makisama.
"Ah, may naalala lang." Tumango lang siya at nagpatuloy na kami sa pag lakad.
Nang marating naman ang gate, tinanong ko siya.
"Sa'n ka nakatira?""Diyan lang naman sa may Ruby Subdivision."
"Talaga? Eh di ibig sabihin nun pwede kang sumabay sa amin?" Kumunot naman ang noo niya kaya inexplain ko na.
"Doon rin naman kase kami nakatira. Eight years old pa ako nung naroon kami pero lumipat rin kame sa states. Birthday ng kuya ko noon pero nag away sina Mama at Papa kaya nabuwag kami. Sinama kami ni mama sa states, ako at si Kuya Kian."
"Ahh." Wala na siyang nasabe at nanahimik. Parang ang lalim ng iniisip niya. Binalewala ko na lang iyon at saka nanahimik na rin.
"Gail, tara na. Andito na ang sundo ko."
Tumango lang siya tska pumasok na rin sa loob ng sasakyan namin.
"Hi Yaya Zel! Si Gail po kaibigan ko"
"Hello, baby gurl. Hello rin Gail."
"Magandang Hapon po." Bati ni Gail kay Yaya.
"Kuya Eddie, sabay nalang si Gail sa atin. Doon rin naman siya nakatira eh."
"Ah, sige ba."
~makalipas ang ilang minuto~
"Saan banda sa inyo Gail?"
"Ah, sakto rin. Dito lang."
Turo niya sa bandang kanan."Talaga?! Eh, magkaharap lang naman pala tayo ng bahay eh."
"Ah, sige. Salamat pala ah. May masasabayan na pala ako nito ngayon?"
"Sige, sabay na tayo simula ngayon."
"Biro lang naman eh."
"Sige na tayo na, dito ka na muna sa loob. Kain tayo."
"Ah, huwag na sa bahay na lang baka mapagalitan pa ak ni Mama." Ang hinhin talaga eh no?!
"Ano kaba. Sa harap lang naman iyong sa inyo eh. Dito ka na."
"Eh kase"
"Ano?"
"Nakakahiya"
"Aish" Hinila ko na siya pumasok na kami.
"Mom, I'm here!" Sigaw ko nang makapasok na kami sa bahay.
"Ooh, hi baby. Aba't may bagong kaibigan ka ah?"
"Ah, mom. This is Gail, she's from across the street. Na-meet ko siya kanina. How amazing right? Pareho kami ng school at ng section!"
"Oh, hi Gail."
"Good afternoon po!" Hinhin na naman niyang sabi. Hay nako Gail!
"Sige upo ka muna, maghahanda lang ako ng pagkain para sa inyo. Khiana mag bihis ka na."
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkababa ko, saktong may pagkain na.
"Huwag ka naman mahiya Gail, feel at home" ani Mama.
"Oo, nga Gail. Sige, kain ka pa."
"Nakaka--"
"Mom, ang bango naman. Ano niluto mo?!" Ani Kuya Kian, habang may pa grand entrance sa stairs.
Nanahimik na lang si Gail at kumain.Pag angat ng ulo niya, sabay sila ni Kuya napatingin sa isa't isa. Umiwas ng tingin si Gail at tinapos ang pagkain niya.
~~~•••~~~
"Salamat, Khiana ah. Nakakahiya talaga. Sige lang, babawi ako."
"Ano ka ba? Alam mo naman ang kapalit di ba?"
"Oo na. Una na ako."
"Bye, ingat"
Pinanood ko muna siyang makaalis at pumasok na rin ako.
"Baby, I'll just bye some stuff ah."
"Sige bye ma. Ingat"
"Yes! Sa wakas. Please don't tell mom baby gurl"
"Who's the victim this time, huh?"
"She's not a victim."
*Sings* "Fo da fus taym en powebeer"
"Gotta go, baka ma late pa ako sa date namin ni Marga."
"The last night, it was Mynzie!"
"Then this night and forever, its Marga"
"Lamporeber kuya."
"Your just bitter. Sige na pasok na!"
Hahays. My Kuya's a player.