Chapter 7

2 0 0
                                    

Ang dilim ng paligid. Wala akong maaninag na kahit ano, biglang bumukas ang ilaw at napagtanto kong narito ako sa isang kwarto at nakaupo sa sofa. May isang lalakeng nagbigay ng tubig. Napapikit ako sa hindi malamang dahilan, at nakita ko ang isang di-kaaya ayang pangyayari.

Binatang nakapatong sa isang plastic chair na may hinahawakang lubid. Parang hindi ko gusto ang pangyayaring ito kaya bago ko pa makita iyon, ibinuka ko na ang aking mga mata.

"Ahhhhh!!!" sigaw ko pagkabuka ng aking mga mata.

Nakita ko si mama na tarantang pumasok sa kwarto ko at pinatahan ako.

"Anong nangyare anak?"

Patuloy pa rin ako sa paghikbi kaya hindi ako nakasagot.

"Wait lang. Kukuha ako ng tubig."

Natigil lang ang paghikbi ko nang nakainom ako ng tubig at nahimasmasan.

"Bumalik na naman ba ang alaala ng nakaraan?"

Tumango ako. Yung totoo, matagal na akong naka move on dahil don ngunit hindi ko naman masabi sabi kay mama ang kakayahan kong ito.

Alam kong hindi siya maniniwala dahil sinubukan ko na ring sabihan siya pero iling lang ang tanging sagot niya.

Humiga ulit ako sa kama at pilit pinapatulog ang aking sarili ngunit ang puso ko na mismo ang nagsasabing hindi muna. Baka kase masaksihan ko na naman iyon.

Kinaumagahan, hindi ako nagising dahil hindi ako nakatulog. Nang tumunog ang alarm koz senyales na kailangan ko nang maghanda, bumangon ako, naghilamos at nagsipilyo saka bumaba para kumain.

As usual, wala na rin si mama at nag iwan lang siya ng sulat.

Dahil maaga pa naman, naisipan kong magluto ng kung ano. Kumuha ako ng spices, yung bayolet saka white hindi ko alam tawag dun. Tsaka itlog tapos yung kanin.

Ginawa ko itong fried rice at nang tikman ko ito, walang ipinagbago dahil maalat pa rin.

Kumain na lang ako at naghanda na nga para lumabas.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto, tumunog ang cellphone ko at tumatawag pala si chief.

"Camille, good morning. Pwede mo ba akong samahan ngayon? I text ko na lang yung address. May emergency kase eh."

"Ahh sige po chief."

Matapos ang phone conversation na iyon, tinext ko si Khiana at sinabing uuna nalang ako dahil may dadaanan pa ako.

Inalok pa nga niya sa akin kung gusto ko ba daw magpahatid kaso tumanggi na ako. Nakakahiya naman.

Kaya heto ako ngayon, naglalakad papunta sa gate ng subdivision dahil iilan lang naman ang pumapasok na taxi dito kase maaga pa.

Nakapara naman agad ako ng taxi. Sa byahe papunta sa address na ibinigay ni Chief, tahimik lang ako ngunit hindi ko maiwasang ma curious dahil pamilyar ito. Para bang nakapunta na ako dito pero imposible, dahil bagong lipat lang kami.

Natanaw ko si chief at si Maxe na naguusap.

Sinalubong agad ako ni Chief nang makababa ako sa taxi na sinasakyan ko.

"Mabuti at nakarating ka. Regardless kase sa case ni Ms. Clerme kahapon, ang isa sa mga suspek na sinabi mo ay missing at ang isa naman ay nariyan sa kaniyang silid at nagpakamatay." saad ni Maxe.

Napasinghap ako. Yung nakita ko kagabi, akala ko masamang panaginip lang iyon pero totoo nga pa lang nangyare iyon.

"Nakita mo ba?" nag alalang tanong ni Chief.

Tumango naman agad ako.

"May naiwan pa lang death note, at na crack ko na ang hidden message." Sabi ni Maxe sabay abot sa akin ng isang pirasong papel na nakalagay sa plastic.

Ang nakasulat doon ay

_________________________

see us Die, you shall suffer. AM i too Young? Yes, I'm Young and Also Innocent. goodbye cruel world.

[sa likod naman]

3²-7-10²²¹-13³-12¹-15²-16⁴⁴-11¹

___________________________

Ibinalik ko na sa kaniya matapos basahin ang note na iyon dahil wala na akong na intindihan sa mga numerong nakasulat sa likod non.

"Ano bang hidden message nito?" tanong ko kay Maxe.

"Simple, I AM GUILTY."

"Paano mo naman nasabe?"

"Simple lang, ang mga malalaking numero ay ang hanay ng mga words, at ang maliliit naman ay kung pang-ilang letra sa salita na iyon. Halimbawa, ang unang numero ay 3², meaning I. The 3rd word of the passage is Die, and the second letter of the word Die is I. And so on. Kaya I AM GUILTY."

"Teka? Ba't mo ineexplain? Anong point mo?"

"My point is, he proved himself guilty, so meaning tama ang nakita mo."

"Are you telling me na guni-guni ko lwng iyon?"

"To be honest, I did not believed what chief said about you, pero--"

Napatigil siya sa pagsasalita ng nakita akong nakahawak sa ulo ko. Bigla akong napapikit dahil sa pagkahilo.

Inalalayan naman ako ni Maxe at pinaupo sa upuan.

Nakita ko ang isang babae na nagsalin ng tubig, tsaka uminom ng maraming gamot. Sari-sari. Napapikit ako at  umiling ng umiling ng umiling.

"Maxe, Chief. Si Yza. Overdose."

"They're really guilty. Pwede naman sumuko, bakit pa ba kailangan nilang sayangin ang buhay nila?" Iiling iling na ani Chief.

"Ihahatid ka na namin Gail, paniguradong magsstart na ang classes ngayon."

Hindi na ako umimik at pumasok na lang sa sasakyan ni Chief. Tahimik pa rin ako hanggang sa marating namin ang school.

Nagpaalam naman ako at nagpasalamat na rin.

Dumiretso na ako sa room at naabutan ko malapit sa upuan ko si Resty at Khiana, na nag uusap.

"Ayy Andie, andito ka na pala alam mo na ba ang balita?"

"Oo, nakita ko nga eh. Kahapon si Ethel, tapos ngayon naman sina Crain at Yza."

"Huh?! Ano?! Pati si Yza?"

"Oo, bago lang."

"Pano mo nalaman?"

"Nakikita ko kung paano at kelan namamatay ang isang tao."

Kumunot naman ang noo ng dalawang ito.

"Alam kong mahirap paniwalaan. Pero yun ang totoo. Tsaka, alam na ito ni Chief at ng iilan sa mga investigator. Pinapunta nga ako kanina ni Chief sa bahay nina Crain kung saan siya nagpakamatay. Tapos kani-kanina lang, nakita ko si Yza na uminom ng sari-saring gamot."

"Ahh. Nakakatakot naman pala ang pinagdadaanan mo Andie. Parang bangungot na iyan."

Tumango lang ako. Yung totoo kase, higit pa sa bangungot ang nararamdaman ko. Para bang araw-araw akong nabubuhay para lang makita ang mga tao sa paligid ko na mamatay. Wala naman kase akong magagawa, kahit tinry ko na baguhin hindi pa rin at iyon ang nakakasaklap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Forbidden Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon