Chapter 3

2 1 0
                                    

GAIL ANDREA CAMILLE CELESTINE'S POV

"Hi ma." Sigaw ko pagkapasok ko sa loob. Nagulat ako ng walang taong nagpakita at sumalubong sa akin. May lakad siguro si mader.

Ma text na nga lang, baka saan na iyon siya.

Compose Message

To: Motherdearmomshie

Ma, nakauwi na ako, nasaan ka?

Sent!

Pumasok na ako sa kwarto ko, yung kuya ni Khiana kanina, parang familiar.

Tumunog yung phone ko, si Mama.

From: Motherdearmomshie

Nak, punta ka sa mall. Nandito ako sa shop.

Madalang lang naman kami mag visit sa shop. Well, it's not really a shop, it's a book store.

Matapos akong magbihis, lumabas na ako at nag lock ng mga pintuan. Naglakad na ako papunta sa gate ng subdivision, maswerte naman ako at may nakitang taxi agad agad.

Nang makarating ako, nakita ko si Mama na may kausap kaya linibot ko muna yung bookstore. Matagal na rin akong di nakabalik dito.
Dun ako pumunta sa may mga bagong libro, andaming bago pero lahat ng iyon, natapos na ako.

Napalingon ako sa isang babaeng costumer, ang ingay niya kase. May kasama rin siyang isang lalake, isang pamilyar na lalake. Nung malinawan ako kung sino talaga iyon, kuya pala ni Khiana. Napatingin rin siya sa akin at kumunot ang noo niya.

Umiwas ako ng tingin tsaka lumapit sa kanila. "Ano yung hinahanap miss?"

Tinaasan niya ako ng kilay, drowing lang naman.

"Yung book na isinulat ni Ms. Gandreille, yung ano nga yun, yung pinapabili ng kapatid ko. Ang panget pa naman ng storyang iyon. "

Tinaasan ko siya ng kilay, "WHAT ABOUT MY BOOK?"

"Ah, kase sorry po. Nakalimutan ko lang yung title."

"Ah. So kapag nakalimut mo yung title, tawagin na lang na panget?" linagpasan ko na siya matapos nun. Nakakabad trip siya.

Napatungo ako nang may makita akong masamang larawan sa imahinasyon ko.

Isang babae. Nakaluhod sa kalsada. Umiiyak. Humihingi ng tulong. Isang babaeng hawak-hawak ang kapatid na dugoan. Isang babaeng sumisigaw sa ilalim ng buwan at mga tala. Isang babaeng humihingi ng tulong para sa kaniyang kapatid.

Hindi ko man maaninag kung sino yun, pero may ideya na ako kung sino yun. Umiling nalang ako para mawala ang naiisip ko.

Lumapit ako dun sa babae kanina. "Huwag mo na lang bilhin, ubos na ang stocks at wala ng iba pa."

"Are you kidding me?"

"Do I look like kidding, Miss?"

"Yes you are. What about this?"

"Well miss, y-you j-just. Please answer my question, what's important your life or the book?"

"Hell the wh--are you threatening me? I need the book so I can spare my life. Fool."

Napatungo nalang ako. Hindi ko gusto ang mangyayari. Hindi ko kayang pigilan.

Nakita ko ang babae at ang kuya ni Khiana na nagbabayad sa counter. Pumunta ako sa may entrance ng shop at naghintay doon.

Nang makalampas sila, binilinan ko sila na mag ingat pero tinawanan lang ako ng babae.

Awtomatiko akong napasunod sa kanila, hanggang sa nakita ko nalang ang repleksyon ng sarili ko sa glass door ng sasakyan na nasa parking lot.

Sinundan ko sila ng tingin, hanggang sa nakarinig nalang ako ng sasakyang nagkabunggoan. Tunog ng ambulansya at ang mas paglala ng aksidenteng nangyari.

"P-patawad."

"P-patawad."

"P-patawad."

"P-patawad."

"P-patawad."

"P-patawad."

Ang paulit-ulit na usal ko. Hindi ko namalayang may likido palang tumulo galing sa mga mata ko. At ngayon ay natatanaw ko na ang masamang imahe kanina.

Pero may dumagdag, ang kuya ni Khiana na ipinasok sa isang ambulance at mga taong nag kalat.

Sa lahat ng nangyari, isa lang ang masasabi ko,

'patawad'

Our Forbidden Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon