A/N:Shout out kina ziyaneeeey xyzaestrmnts bluebunch_sassy babesbaeee golden_blade and to the one girl that made me inspired, hihe. Majuls. Thanks for the support.
Luvmuch---------------------------
Matapos ang pangyayaring iyon, umuwi na ako sa bahay. Nakalimutan ko ngang magpaalam kay mama kaya itinext ko na lang siya.
"Hindi ko na kaya."
Minsan na ring sumagi sa isipan ko kung bakit naging ganito pa ako, kung bakit sa akin ibinigay 'ito'.
Wala na akong magagawa, sa akin na rin naman nakalaan ito at sa paniniwala kong ito, magagamit ko ito sa kabutihan.
Hindi ko namalayang napaidlip na pala ako sa sofa sa loob ng kuwarto ko, buti nalang at ginising ako ni Ina upang kumain ng hapunan.
"Ano ba ang nangyare anak at bigla ka na lang nawala?" nagtatakang ani Ina.
pagdadahilan ko.
"Ah, iyon ba. Kung gayon, halika rito't uminom ka ng gamot." ani Ina mula sa kusina. Narito pa kase ako sa kuwarto ngunit nanatiling bukas ang pinto at sapat na rin para magkausap pa rin kami ni Ina.
"Huwag na po ma, tapos na po ako kanina"
"Ah, iyon ba anak? Sige, halikana rito't kumain na tayo."
Lumabas na ako at umupo sa hapag kainan. Round table ang mesa at kami lang dalawa ni Ina dahil matagal ng wala si papa. Ang panahong iyon ay ang panahong na diskubre kong may ganito akong kakayahan, ang kakayahang malaman ang dahilan kung paano mamamatay ang isang tao kapag malapit na itong mamatay.
*flashback*
"Pa, bili tayo laruan." Patuloy na pag pupumilit ko kay papa.
"Sunod na Lai, walang dalang pera si papa." Tygon niya habang bahagyang nakangiti.
"Papa dali, may pera po ako."
Bigla nalang akong may nakitang kakaiba. Isang lalakeng na sa tabi ng hospital bed at bigla-biglang napahawak sa kaniyang dibdib at para bang inaatake ng sakit sa puso. Umiling ako at ibinaling ang paningin kay papa.
Hinila ko siya at nagtatakbo akong tamawid papunta sa kabilang bahagi ng kalsada na may binebentang laruan.
Napaupo ako nang tumalsik ako sa isang sasakyan. Tumilapon ako at napahiga sa sobrang sakit. Agad lumapit si papa at dahil kilala siya sa lugar nato, sumigaw siya ng tulong at maya maya ay nasa ambulansya na ako.
Nawalan ako ng malay sa sobrang sakit ng naramdaman ko. Paggising ko ay puti lahat ng nakita ko. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang hospital bed. Agad kong nakita si papa na na sa bed side at nakadukdok ang ulo niya sa kama. Inilibot ko ang aking paningin at nakita si Mama na nag aayos ng mga gamit.
"Oh, anak mabuti at gising ka na." Bati ni mama nang makita akong nakatingin sa kaniya.
Tumango lang ako at nalipat ang tingin ko kay papa na bumangon at bigla na namang napaupo at napahawak sa kaniyang dibdib. Dahil sa takot ko agad akong napasigaw at tinawag si mama.
Dali-daling lumapit si mama kay papa at lumabas para tumawag ng doctor. Napatayo na rin ako ngunit pinigilan ako ni papa. Wala akong ibang nagawa kundi maghintay sa doctor. Naghehesterya na ang buong katawan ko at maluha-luha na ang mga mata ko.
Dumating ang mga nurse kasama ang isang doctor at inilipat si papa sa emergency room. Sumunod naman si papa at naiwan akong mag isa. Parang nakita ko na ito at pamilyar na pamilyar sa akin ang nangyayari. Kahit walong taon pa lang ako, ganito na ako mag isip sa mga ganito ring sitwasyon.
Napabalikwas ako ng makitang umiiyak si mama habang pumapasok. Bulong siya ng bulong na hindi ko naman maintindihan. Lumapit siya sakin at umiiyak na hinawakan ang kamay ko.
"Lai, wala na si papa."
Unti unting tumulo ang mga luha ko habang pinoproseso ng utak ko ang nangyayari. Nanatili akong tulala habang lumuluha at ganoon rin si mama.
'wala na si papa.'
Napaiyak nalang ako sa sinapit namin. At napasigaw ako ng maalalang iyon ang pangyayaring nakita ko bago ako mabangga.
*end of flashback*
Simula noon, naligaw ang landas ni mama at bigla nalang siyang nawala. Bumalik siya na parang may kakaiba at parang maraming nakalimutan. Ngunit nakaalala rin naman siya agad. Hanggang ngayon napapaluha pa rin ako kapag naiisip kong sinisisi ko ang sarili ko sa pag kamatay ni papa. Walong taon pa lang ako at nakuha ko ang kakayahang iyon ngunit ngayong labing-anim na ako, hindi alam ni mama ang tungkol dito. Sinubukan ko namang magsabi kay mama nung nakuha ko iyon ngunit sinabi ni mamang baliw ako.
Sinabi niyang huwag ko daw kunin ang sisi dahil nangyari naman daw iyon.Simula noon, lumipat kami ni mama ng bahay at iyon nga ang tinitirhan namin ngayon habang kumakain.
Pinunasan ko ang mata ko nang nakita ko si mama na nakatingin sakin.
"Anong nangyare anak?"
"Napuhing lang po"
Tumangon na lang si mama at nagsimula kaming kumain. Tahimik si mama at parang nakatitig sakin ngunit pag iangat ko ang tingin ko patay malisya naman niyang binabalik ang tingin sa kinakain.
Pumasok na ako sa kwarto matapos kumain. Biglang tumunog ang cellphone ko at natanggap na naman ako ng text mula sa kaibigan ko sa lugar na tinitirhan namin noon.
Kahapon pa sila text ng text ngunit hindi ko iyon pinapansin. Inilagay ko na sa bed side table ang cellphone ko matapos ang mga text nilang nangangamusta. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dala na rin siguro ng pagkapagod. Unti-unting sumara ang aking mga mata at tuluyang dinalaw ng antok.
Vote•Comment•Share