Chapter 1 - Lee's POV

3 1 0
                                    

"Ma'am, di ko po maintindihan." Sabi ko nung ipinabasa sa akin Mrs. Macaalay ang tungkol sa food chain at food web.

"What's happening to you na ba, Alveo?" Tanong ni Mrs. Macaalay. "Parang last year lang ikaw ang leading sa class natin. Do you have any problems at home or dito sa school?"

"Wala po Ma'am." Palusot ko.

"Fine, babalikan nalang kita mamaya." Sabi ni Mrs. Macaalay.
Pag ka upo ko napa-isip agad ako. Hais, bakit kasi ganito? Matapos ako mag 13th Birthday para akong naging dyslexic at hirap makabasa. Well, sabagay 13 nga naman, malas, tsk.
————————————
Natapos ang klase at pag uwi ko, kinausap ko agad si mama tungkol sa nararanasan ko. "Ma, ang hirap na po makabasa dahil sa dyslexia na 'to. Bakit po ba ganito? Nakakapekto na po kasi sa studies ko. Dati, ako leading sa class, ngayon naninibago sila dahil hindi ko mabasa yung simpleng pinapabasa." Sabi ko.

"Sorry anak, pero wala na kasi tayong magagawa eh. Alam ko na mahirap sayo pero gagawan natin ng paraan." Nakangiti na sabi ni Mama kahit kita sa kanyang mata ang awa para sa akin.

"Opo ma. Akyat na po ako." Dali dali ako na pumunta sa kwarto ko para malaro ko agad ang larong Gods of Myths. Dito ay puwede ako maging isang god ng Greek Mythology gaya nila Zeus, Poseidon, Hades at iba pa.

Nagpatugtog ako ng paborito kong kanta na "We Are Young". Natutuwa ako sa lyrics nito na "We can burn brighter than the sun". 'Di ko din alam kung bakit pero gusto ko ang linya na yun eh.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan ko kaya dali dali ko itong binuksan. "Leo, may naghahanap sayo sa labas." Sabi ni mama habang kumakain ng paborito niyang sunny side up na itlog na nakapalaman sa Gardenia na tinapay.

Bumaba ako at binuksan ang pintuan nang nakita ko ang substitute teacher namin sa English na si Ms. Guanzon. Siya yung teacher na para bang interesado sa akin at para din akong binabantayan. Bakit kaya siya nandito?

"Lee, may ibibigay ako sayo na scholarship. Baka lang naman interested ka kaya binigay ko sayo." Nakangiting sabi ni Ma'am. "Sige, una na ako may bibilhin pa kasi ako." Kumaway pa si Ma'am bago umalis.

"Sige po, thank you po Ma'am. Ingat po kayo!" Pasigaw ko nang sabi dahil papalayo na si Ma'am.

Pumasok agad ako at ipinakita kay mama ang card ng school na pangalan ay "Half-Blood University". Binuksan ko ito at totoo nga na scholarhip ito, at ang mas nakakagulat ay ito ay 100% na scholarship, monthly budget at may libreng dormitory. Ang mas nakakagulat pa dito ay ito ay tumatanggap ng mga taong may dyslexia.

Ma, pwede ko po ba na tanggapin ko ito?" Sabi ko nang may malaking ngiti. Di ko na naisip ang pagka weirdo ni Ms. Guanzon dahil sobrang worth ito kung tutuusin.

"Sigurado ka ba diyan anak?" Tanong ni mama. "Sige kung saan ma masaya."

Kailangan ko din kasi ng bagong environment dahil lumaki ako na kakaunti ang kaibigan dahil weird daw ako. Totoo naman na nakakakita ako ng mga taong may mga armas tulad ng mga swords at bow and arrow na nilalabanan ang tila ba mga halimaw. Si mama lang ang tanging naniniwala sa akin kaya parang may tinatago siya sa akin.

Umakyat ako sa kwarto at siguro dahil na din sa pagod ay nakatulog ako.

————————————
Author's Note:

Ayon medj lame siya sorry. Bored nga lang kasi ako.

May clue na diyan kung sino yung tatay niya and may surprise pa hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Half-Blood UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon