SORRY KUNG NATAGALAN PO UNG UPDATE..
wala kasing nagcocomment or vote manlang ehh? Nakakahurt.. hahah chos lang!! Oh siya tama na ang drama.
Pls. VOTE & COMMENT T_T
Mahirap kaya mag-isip at mag-imagine.. pero OK lng yun :)
_______________
*continuation*
Teka, ikaw? Gulat na tanong ko?
Hala O_o si Vince ang anak ni tita? Hindi ako makapaniwala.
Teka, ma ano pong ginagawa ni alexa dito? base sa pagkakasalita niya nagtataka rin siguro siya.
Magkakilala kayo?/You know each other? sabay na sabi ni mommy at tita. Kailangan talaga sabay?
Yes mom, sa NSU ko po siya nakilala. We're classmates. pormal na sabi niya.
Kung magkakilala naman pala kayo at parehas ang pinapasukan niyo. Edi sabay na lang kayo pumasok? Ok lang ba sa'yo yun Hon? tanong ni Tita Irene kay Vince.
tumingin sakin si vince at ngumiti. Opo mom ok lang, kung papayag siya. sagot naman niya. Siyempre payag ako tsaka para makatipid kami sa gasolina at hindi na rin mahirapan si Kuya Ken kakahatid sundo sakin. Hindi naman sa naghihirap kami, gusto ko lang talaga magtipid tsaka maawa naman kayo kay Kuya Ken.
Tumingin silang tatlo sakin na para bang tinatanong kung payag ako o hindi. Ngumiti ako sa kanila at tumango. Sige po payag ako. sagot ko sa kanila.
Ahh Vince, Lex, pwede ahm dun muna kayo sa labas sa may garden? Alam niyo na matagal na din kaming hindi nagkita ni Alice so? Ok lang ba sa inyo? Tanong ulit ni Tita Irene
Ok lang po tita. sagot ko. Iniwan na namin sina na mama sa living room tapos pumunta kami ni Vince dun sa may garden sa likod ng bahay nila. Ang ganda ng garden nila maaliwalas tingnan at buti na lang hapon na hindi na masyado mainit tsaka presko pa. Ang awkward ng feeling kasi ang tahimik parang wala tuloy akong kasama.
Ah, Alexa pagbasag niya ng katahimikan. Naku buti naman naisipan niya magsalita sobrang tahimik eh yung hangin lang yung maririnig mo sa sobrang tahimik. Teka may tunog ba ang hangin? Ay basta.
Hmm?
Ahh ano kasi... ehh? napakamot siya sa ulo niya tapos parang nahihiya siya.
Oh My Gosh!? O_O
Hindi kaya may kuto siya kaya siya napakamot sa ulo niya? Siguro nahihiya siyang ipaalam sakin na may kuto siya. Hehehe hayaan niyo secret lang natin to di ko ipagkakalat. Siyempre ayaw ko naman ipahiya si Vince noh.
Pagpasensiyahan mo muna si Ivan, alam ko mali yung ginawa niya kaya ako na yung humihingi ng tawad para sa kaniya. sabi ni Vince. Teka, bakit siya yung humihingi ng tawad. Eh si Ivan yung may kasalanan sa'kin? Ang bait naman niya.
Ah, sige. Pero sana wag na niyang ulitin nakakasakit na kasi siya eh! naiiinis na sabi ko.
Wag na nga natin yun pag-usapan baka magalit ka ako pa yung mapagbuntungan mo ng galit mo.
Mabuti pa nga. pagsang-ayon ko sa sinabi niya.
Sandali lang ha kukuha muna ko ng makakain sa loob. tumayo siya bigla at nagpaalam sakin. Pinagmasdan ko yung garden nila. Madaming iba't ibang klase ng halaman at bulaklak dito. Tapos dun sa gitna may swimming pool bale nakapaligid yung mga halaman tapos may mga maliliit na cottage rin sa gilid. Imagine niyo na lang.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit and the Heartthrobs
Teen FictionMs. Sungit and the Heartthrobs - Bluebird1624