LUCIENNE'S POV
Halos hindi na matigil ang ulo ko sa kakalingon-lingon ko sa paligid dahil talagang nabubusog ang mga mata ko sa nakikita ko. Nagsisisi talaga ako kung bakit hindi ko dinampot ang laptop ko bago ako sumama kay Thorn Dawnson para pumunta sa opisina ng Dagger Private Security and Investigation. Kung sabagay naman kasi nang mga panahon na iyon ay kasalukuyan pang lumulutang ang utak ko sa pagkabigla sa mga nangyayari.
Pakiramdam ko kasi lahat ng nangyayari sa buhay ko ay lahat biglaan. Noon, nagsusulat lang ako ng mga nobela na hindi mapansin-pansin tapos sa isang kisap ng mga mata ay natagpuan ko na lang ang sarili ko bilang isa sa mga nangungunang manunulat hindi lang sa Quetzal Publishing Corporation kung saan inilalathala ang mga libro ko kundi maging sa buong lokal na publikasyon sa Pilipinas.
Ngayon naman, sa isang iglap ay hindi lang sa mundo ng mga manunulat at mambabasa makikita ang pangalan ko kundi maging sa buong nasyon dahil sa balita na ako ang prime suspect sa mga pagpatay na nangyayari sa bansa.
But tomorrow is another day. Kung pangalan ko lang naman ang aalalahanin, wala naman akong magagawa kundi magpatangay sa mga mangyayari. Kung meron man akong natutunan sa buhay, iyon ay ang katotohanan na walang silbing ma-stress ako sa mga bagay na wala na akong magagawa para baguhin dahil nangyari na. Mabuti nang mag-isip na lang ako kung ano ang maaari kong gawin para malagpasan ang bagay na 'to. O to be exact, hayaan ko na ang mga taong may solusyon sa problema ko. Aba, ano ba namang alam ko sa ganitong bagay, eh hamak na manunulat lang ako?
Umayos ako mula sa pagkakasalampak ko sa mahabang sofa kung saan ako iniwan ng mala-Thor na si Thorn para maghintay. That was an hour ago. Hindi na ako makapaglaro sa cellphone ko dahil naubos na ang baterya n'on na wala na sa kalahati nang dumating kami rito at wala rin naman akong makausap sa lugar na 'to. Bukod kasi sa hindi naman ako sanay makipag-usap sa iba ay parang sobrang busy ng mga tao rito.
Kaya kaysa kainin ng pagkainip ay pinanood ko na lang ang mga taong padaan-daan sa kinaroroonan ko na hindi miminsang nagugulat kapag napapatingin sa gawi ko. Malamang ngayon lang nakakita ang mga 'yon ng unique creature na katulad ko.
"Mabuti na lang nakakabusog kayo sa mga mata. Kung hindi, baka ma-offend na ko." Sandaling natigilan ako sa sinabi ko at pagkatapos ay napabunghalit ako ng tawa. "Arte! Akala mo marunong ako n'on."
Humahagikhik pa rin ako nang mula sa kung saan ay sumulpot ang isang lalaki na kahawig ni Bossing Thorn. Mukhang mas bata nga lang. Katulad ni Thorn ang tikas niya pero may pagkakaiba sila sa aura. Ang isang ito kasi ay mukhang hindi kasinsuplado ng lalaking nakaharap ko kanina. Pagpasok pa lang kasi niya ay kahit walang ngiti sa mga labi, buhay na buhay ang mga mata niya na parang kumikinang.
Iyon nga lang, nawala ang friendly vibe niya nang mapatingin siya sa gawi ko at halos mapatalon pa siya na parang nakakita ng multo. Gano'n na ba talaga kalala ang itsura ko? Naligo naman ako saka nagpulbos, ah. Kasalanan ko bang nagmamadali ang Thorn na 'yon kaya hindi ko man lang nagawang makapagpalit ng damit?
"Uhh...hello," alanganing bati niya sa akin.
Itinaas ko ang kamay ko at kumaway nang bahagya. "Hello! Marami pa bang katulad mo sa lugar na 'to? Kanina pa kasi ako nagbibilang at nakakarami na ang mga mata ko, eh. May papel at ballpen ka ba?"
Sunod-sunod siyang napakurap na para bang hindi niya magawang maproseso ang sunod-sunod na sinabi ko. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas na kahit na ano ro'n. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at naghihintay sa gagawin niya pero nang hindi pa rin siya kumilos ay muli akong kumaway sa direksyon niya.
Napapitlag siya sa ginawa ko at para bang walang kontrol sa katawan na lumapit siya sa isang bahagi ng lugar at may kinuha ro'n. Pagkaraan ay naglakad siya palapit sa akin at huminto siya sa tapat ko. Nag-aalangang inabot niya sakin iyon at nakangiting kinuha ko naman ang notepad na may tatak pa ng Dagger Private Security and Investigation.
BINABASA MO ANG
Dagger Series #1: Unwritten
RomanceBestselling mystery writer Lucienne Simons faces her biggest challenge yet when elements of her novels suddenly turn into real crimes. With a hot bodyguard eventually guarding her at all times, can she guard her heart from falling too? *** Lucienne...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte
