LUCIENNE'S POV
Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa laptop ko na kasalukuyang nakapatong sa coffee table. Pinapalabas doon ang isa sa mga paborito kong pelikula. Kahit na bahagya kong naririnig ang mga pagkilos sa paligid ko at paminsan-minsan ay napapatingin sa mga napapadaan ay muli lang bumabalik ang mga mata ko sa pinapanood. Matagal na rin mula nang huli akong nakapag-movie marathon. Masyado kasi akong abala sa pagsusulat kaya kadalasan ay isa-isa lang ang panonood ko. Iba pa rin ang 'pag movie marathon. Imagine a nonstop movie watching, good food to eat, with you in your most comfortable clothes? Heaven!
My eyes blinked automatically when the film I was watching gave another jump scare. Nagugulat din naman ako sa mga nakakatakot na palabas pero sa pagkakataong ito ay inaasahan ko na kasi iyon. Ilang beses ko na rin kasi itong napanood. Hinihintay ko na nga lang ang mga susunod na episode n'on kaya nagsimula ulit ako sa simula habang naghihintay.
Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa coffee table at idinantay ko ro'n ang mukha ko habang pinapanood ang pang-anim na episode ng The Walking Dead.
"Ang gwapo talaga ni Andrew Lincoln. Kahit na mukhang ang dungis niya," bulong ko habang pinapanood ang bidang lalaki. "Pero bakit kaya hindi na lang sila magpasabog o kaya manunog sila? Mas malaki ang coverage ng pagpatay n'on kaysa iyong baril ang gamit nila. May stock sila ng bala pero walang gasolina?"
"You know it's not really wise to talk about killing when you're still basically a suspect for multiple murders."
Nilingon ko ang nagsalita at nabungaran ko si Thorn na nakatayo na pala sa gilid ko at nakatingin sa pinapanood ko. Lumipat sa akin ang tingin niya at katulad ng dati ay wala pa rin akong makita na kahit ano ro'n. May emosyon pa kaya ang taong 'to?
"Nanonood lang ako ng zombie movie. Saka isa pa, nandito naman ako sa poder niyo. Walang ibang makakarinig sa akin kundi kayo lang." Hinawi ko ang magulo kong buhok na muli lang tumabing sa mukha ko. Ngumiti ako sa lalaki at inabot ko ang box ng pizza na nasa tabi ng laptop ko. "Gusto mo?"
"No."
Napapakamot na lang ako sa may hoodie ko na ulo at muli kong binaba ang kahon ng pizza. Ang hirap namang maging friendly. Kung naging babae lang siguro ang taong 'to, iisipin ko na pinaglilihian niya ako. Napakasungit eh.
"Okay...? Sige na, asikasuhin mo muna ang mga pinagkakaabalahan mo. Pasensya na sa istorbo." Bahagyang napakunot-noo ako sa sinabi ko dahil parang mali yata ang sinabi ko. Hindi naman ako ang nang-istorbo dahil siya ang lumapit sa akin. Ay, hayaan na! Sensitive pa naman si Bossing Thorn kaya mas mabuti nang 'wag nang galitin masyado. "Fighting!"
"I want the list?"
Kaagad na sinarado ko ang laptop ko at iniwas ko 'yon sa kaniya. Paano niya nalamana ang ginawa ko, eh wala naman akong pinagsasabihan n'on? "Anong list? Wala na, ah! Mapagbintang kayo. Kinuha niyo na, 'di ba?"
Lalong nalukot ang noo niya sa pinagsasabi ko. Inilahad niya ang kamay niya pero mahigpit na niyakap ko lang ang pobreng laptop ko na naglalaman na ngayon ng listahan ng mga nakita kong "inspirasyon" sa lugar na ito. Natatandaan ko pa naman ang mga isinulat ko sa papel na kinuha nila dahil kasusulat ko pa lang n'on. Sariwa pa sa memorya ko. Isa pa ay mula nang bumalik kami rito kanina ni Thorn pagkatapos kunin ang ilang mga gamit ko sa bahay ay ilang beses kong nakitang dumaan ang mga lalaking laman ng listahan ko.
Pugad yata ang lugar na 'to ng mga gwapo. Kung siguro mas una ko silang nakilala, wala akong problema ngayon dahil romance ang isusulat ko at hindi ang genre na kinahuhumalingan ko. Kahit saan kasi ako tumingin ay may naglilipanang mga gwapito. Napapaisip nga ako kung requirement ba iyon bago pumasok bilang empleyado sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Dagger Series #1: Unwritten
RomanceBestselling mystery writer Lucienne Simons faces her biggest challenge yet when elements of her novels suddenly turn into real crimes. With a hot bodyguard eventually guarding her at all times, can she guard her heart from falling too? *** Lucienne...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte
