LUCIENNE'S POV
Sandaling napatigil ako at nag-angat ng tingin mula sa dalawang cup noodles na pinaghahambing ko kanina nang maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Napakunot-noo ako nang mamataan ko ang isang empleyadong lalaki ng maliit na convenience store na kinaroroonan ko na kaagad nagtago nang tumingin ako sa direksyon niya.
Napabuntong-hininga ako. Paniguradong pinababantayan ako sa kaniya. Sa isang tingin siguro talaga ay mukha akong kahina-hinala dahil sa suot kong pink pajama bottoms at malaking hoodie na halos kainin na ang maliit na bulto ko. Nakataas pa ang hood n'on para matakpan ko ang wala pang suklay na buhok ko. Paniguradong mukha akong pulubi.
Sa nagugutom ako, eh. Gusto ko lang namang bumili ng cup noodles. Kung sabagay, lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin. Kahit pa ang tagal ko nang nakatira dito sa subdivision, bihira naman akong matandaan ng mga tao. Una dahil sa hindi naman talaga ako friendly. Mas gusto kong magkulong sa bahay ko. Pangalawa, sa gabi lang ako kalimitang lumalabas. Iyon ay sa mga pagkakataon lang na kumakalam na ang sikmura ko at naghahanap ng makakain katulad ngayon.
Minsan naman lumalabas din ako para bumiyahe lang papunta sa paborito kong coffee shop na malayo sa tinitirhan ko, kahit marami namang coffee shop dito, at doon ako tumatambay. Bukas kasi iyon hanggang alas dos ng madaling-araw. Masyado kasing maraming kabataan ang tumatambay sa mga coffee shop malapit dito sa subdivision kaya iniiwasan ko na magpunta ro'n. Nawawala ang konsentrasyon ko. Isa pa, paminsan-minsan lang din naman 'yon dahil bihira akong magkaroon ng energy na lumayo pa.
Muli akong napabuntong-hininga sa naisip at nagpasya na lang ako na dalhin ang dalawang cup noodles at tumuloy na sa counter. Hinablot ko ang nadaanan kong chips at kumuha ako ng dalawa n'on bago tuluyang magbayad. I hate rushing. I have the right to choose at my own pace of time like everyone else, right?
Mukhang nakahinga naman nang maluwag ang dalawang empleyado at kaagad akong hinarap ng babaeng cashier para i-punch in ang bilihin ko. I drummed my fingers on the counter as I impatiently waited for the cashier to finish.
"Ito na po, Ma'am. B-balik po kayo ulit."
Kinuha ko sa kaniya ang paper bag na naglalaman ng pinamili ko pero bago ko pa siya magawang talikuran ay dumako ang tingin ko sa wall clock sa itaas lang na bahagi ng ulo niya. Mag-aalas onse na ng gabi. Sigurado ako na hindi bente-kwatro oras ang tindahan na 'to dahil kapag madaling-araw ako lumalabas ay sarado na ito at sa mas malayong convenience store ako napapadpad.
"Wala ba kayong security guard dito?" hindi ko napigilang tanong sa babae habang inaayos ko ang pagkakahawak sa mga pinamili ko.
Halatang hindi inaasahan ng babae ang tanong ko. "Po?"
"Security guard. Napansin ko kasi na wala kayong security guard dito."
"Ay, wala pa po sa ngayon, Ma'am. Nagkasakit po kasi 'yung dati naming guard, eh hindi naman po nakahanap kaagad ng kapalit kaya nitong mga nakaraang araw, wala pa po kaming kasama rito."
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at huminto iyon sa labas kung saan wala na talagang mga tao. Malamang sa hindi ay nagpapahinga na ang mga tao ng ganitong oras. Hiwa-hiwalay rin ang mga bahay sa subdivision na 'to at hindi rin gano'n karami ang mga nakatira.
"Pa'no 'yan 'pag gabi? Wala nahg shuttle at wala na ring tricycle masyado. Ano 'yon, naglalakad kayo pauwi?"
Halatang nagtataka na ang babae sa mga tanong ko pati na ang lalaking empleyado na nakikinig sa amin. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Wala man akong kaibigan at namumuhay akong mag-isa, hindi ibig sabihin n'on ay wala na akong interaksyon sa mga tao. I do like interacting with people sometimes. Asking them questions, but not getting attach to them. Ginagamit ko lang sila para sa trabaho ko.
BINABASA MO ANG
Dagger Series #1: Unwritten
RomanceBestselling mystery writer Lucienne Simons faces her biggest challenge yet when elements of her novels suddenly turn into real crimes. With a hot bodyguard eventually guarding her at all times, can she guard her heart from falling too? *** Lucienne...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte
