Huwag mong iwan yung taong pinaglaban ka sa lahat,
Huwag mong iwan yung taong nandiyan lagi para sayo,
Dahil kapag siya ay sinayang mo,
Buhay mo ay magiging salat.
---
Pahalagahan mo ang taong handa kang samahan sa lahat ng bagay,
Yung tipong sa lahat ng problema'y siya'y 'yong karamay,
Huwag mong iwan ang taong tulad niya,
Tulad ng hardinerong sa bulaklak ay maalaga.
---
Huwag mong iwan yung taong ibibigay lahat ang makakaya,
Gagawin niya lahat para lamang sa mahal niya,
Huwag mong sayangin ang taong tulad niya,
Dahil kung pinakawalan mo'y di kana makakahanap pa.
---
Huwag mong iwan yung taong iniintindi ka,
Sa lahat ng iyong ugali'y tanggap ka niya,
Sa mga gawaing pampamilya't iba pa,
Siya'y nandiyan upang intindihin ka.
---
Huwag mong sayangin ang taong maalaga,
Sa lahat ng karamdama'y sa tabi'y nandiyan siya,
Handang tumulong kahit sarili'y nahihirapan,
Basta't para sa mahal niya siya'y laging nandiyan.
---
Huwag mong sayangin yung taong nagtitiwala sayo,
Walang labis, walang kulang, ito'y buo,
Ang lahat ng bagay ibabahagi niya sayo,
Kaya ang tipo niya'y pahalagahan mo.
---
Marami pang natitirang mga ganiyan,
Yung tipong ikaw lang ang pinakamamahal,
Papatunayan sayo ang kaniyang mga pangako,
Kaya kung ako sayo, huwag mong iwan.
---
Huwag mong iwan ang tulad niya,
Darating siya, huwag kang mag alala,
Sa panahon ngayon malabong makahanap ng tulad nila,
Kaya huwag, huwag kang masayang.

BINABASA MO ANG
Poem Poem
PoetryPoems about many topics. You Can suggest topics, just comments. enjoy!