Zoe's POV
"Would you mind me sitting here?" Napalingon naman ako sa nagsalita. Agad nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang taong iyon.
"What? I was just asking you. Wag mo akong titigan ng ganyan!" May halong inis na sabi nito. "Not that I'm asking your permission. Why did i even ask, pshh."
'Oh my God! Anong ginagawa niya dito.' Sa isip-isip ko.
-
"S-sige." wala na akong masabi pang iba kaya yun nalang ang sinabi ko. Nag-iwas nalamang ako ng tingin atsaka ipinagpatuloy ang pagkain ko. Malapit narin naman ako matapos kaya dinadalian ko na at para makaalis narin ako sa lugar na ito. Ang awkward sa feeling na may tao kang katabi sa isang lugar na walang katao-tao at tahimik.
'Anong ginagawa nia dito?' Hindi ko alam na dito rin pala siya tumatambay or maybe nagkataon lang talaga na naisipan niya ring pumunta dito gaya ko.
'I was starting to think that destiny always have a way to meet us two.'
Did i just thought that? No! Hindi ko inisip yon, period.
I mentally slap myself, kung ano-ano na namang pumapasok sa isip ko. Unti-unting namula ang aking pisngi sa di ko maipaliwanag na dahilan.
Nakababa lang ang ulo ko at wala akong balak na tignan siya, mahirap na at baka makita pa niya ang namumula kong pagmumukha.
Katahimikan ang namayapa saming dalawa, walang nagsasalita. Mas okay narin ito dahil hindi ko na siya kailangan pang kausapin, hindi rin sa iniisip kong kakausapin niya ako, period.
Ngunit ilang sandali lang ay bigla nalang nitong binanggit ang pangalan ko, muntik pa akong mabulunan sa pagkabigla.
"You're Zoe right?" Sinabi niya iyon ng hindi lumilingon.
Hindi ako nakapagsalita at tinitigan lamamg ito. Bakit kaya niya ako tinatanong?
"Ahh, o-oo." Iniwas ko na ang tingin ko rito ng ma realize kong tinititigan ko na naman ito.
"Stay away from them." Napalingon uli ako sakanya ng maya-maya lang ay nagsalita muli ito.
Sino kaya ang tinutukoy niya?
"A-ah, sino ang l-lalayuan ko?" Lumingon naman ito sakin ng sabihin ko iyon kaya't dali-dali kong iniwas ang paningin ko sakanya.
"My sister and her friend, stupid." Mukhang nainis ko na naman ito. Nagtatanong lang naman ako eh, malay ko bang sila pala ang tinutukoy nito.
Pero kung iisipin, hindi na ako magtataka kung bakit niya sinabi iyon. Katulad ng iba ay alam ko na iniisip din nitong kaya ako nakipag kaibigan sa kaniyang kapatid ay dahil sa sikat din ito sa school. Katulad ng iba iniisip din nitong isa akong famewhore.
Hindi ko din siya masisisi, kapatid niya kasi si Joeana kaya dapat lang na sabihin niya iyon.
Hindi narin naman niya kailangang sabihin iyon dahil ganun na din ang ginagawa ko. Mas lalo ko na rin silang iiwasan dahil maging ang kuya ni Joeana narin ang nagsasabing iwasan ko sila, mahirap na at baka masama pa ako sa listahan ng mga estudyanteng binu-bully nila.
Isipin ko palang ay nakakapangilabot na, ayokong maging impiyerno ang buhay ko sa pagpasok sa paaralang ito. May mga naririnig narin kasi akong usap-usapan about sa grupo nila, about sa kung anong mga pinaggagagawa nila.
"A-ah oo. Lalayuan ko sila." Kabadong sagot ko dito. Nakakatakot naman talaga siya kahit na hindi pa siya mukhang galit.
Inayos ko na agad ang pinagkainan ko, nawalan ako ng ganang kumain. Inayos ko muna silang inilagay sa bag ko bago ako tumayo para umalis na.
Hindi na ako nagpaalam sa kanya di naman kami close.
Hindi lang sila Joeana at Trisha ang dapat kong iwasan, maging ang grupo narin nila Jaycob. Uumpisahan ko na ngayon iyon.
That's a promise.
Pero hindi talaga umaayon sa akin ang tadhana kasi pababa palang ako ng hagdan, nakasalubong ko na sila Joena at Trisha maging ang mga kaibigan ni Jaycob.
I'm trapped.
Lagi nalang akong minamalas. Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari.
"Zoe ikaw pala. Kanina ka pa namin hinahanap dito ka lang pala namin makikita. May problema ka ba?" Joeana ask me.
'Anong isasagot ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin sakanila ang tungkol sa pag-iwas ko. Think Zoe, think!'
"Ah, ano kasi... M-may ginagawa kasi akong i-importante kaya hindi muna ako sumasama sa i-inyo". Hindi ko alam kung ano nang palusot ang lumalabas sa bibig ko dahil sa pagkatarantang nadarama ko. "K-kailangan ko na palang umalis kasi may gagawin pa ako." Dali-dali akong lumakad at linagpasan sila.
kaya lang ay hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng hawakan ni Joeana ang kamay ko atsaka ako hinarap sa kanya.
"Pwede ka naming samahan kung gusto mo. Kaibigan mo naman kami, diba? Wala naman sigurong masama don."
I lost my word from what she said. Oo nga naman, they treat me as their friend at dapat ganun din ang gawin ko pero, natatakot ako sa mangyayari kapag pinagptuloy ko pa ring maging kaibigan nila.
This is my first time having friends yet I shouldn't be with them. Ni hindi ko manlang magawang ipaglaban sila. Siguro nga talagang i was meant to be alone. and it pains me to feel that way.
YOU ARE READING
The Campus Nerd Is The Lost Princess
Teen FictionI just wanted to be accepted but they just treated me as if I'm a bad person. I just wanted to finish my study to be successful in the future. Why they always hurt me physically and at the same time emotionally? Did i have no rights to enter that sc...