"Tulong, kuya!" Sigaw ng batang babae na nasa gitna ng kalsada habang may humaharurot na sasakyan papaunta rito.
"Hintayin mo ako bunso! Papunta na si kuya." Sigaw naman ng batang lalaki na sasaklolohan sana ang kanyang nakababatang kapatid.
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi nito nasagip ang kapatid na tuluyang nahagip ng napakabilis na takbo ng sasakyan, tumilapon ito pagkatapos ay walang malay na napahiga sa kalsada ng duguan.
"Princess!" Sigaw ng kanyang kuya habang nilalapitan patakbo ang nakakabatang kapatid na nakabulagta sa daan at walang malay.
Agad nitong binuhat ang kapatid, sumaklolo rin ang kanilang mga butler na kakatapos lang makipagpalitan ng putok ng baril sa kaaway ng kanilang amo, balak kunin ng mga nasabing kalaban ang anak ng isa sa mga sikat at kilalang pamilya sa buong mundo.
"Zoe!"
Biglang napabangon ang dalaga sa kanyang pagkakahiga at hinarap ang sumigaw.
"Diyos kong bata ka, anong nangyari sayo at binabangungot ka. Nanaginip ka na naman ba ng masama, anak?" Humahangos na tanong nito habang mahigpit nitong niyakap ang anak
"Opo, lola." Nasabi nalamang nito dahil maging siya ay naghahabol din ng hininga sa napanaginipan.
'Bakit kaya kapag nananaginip ako ay laging nakikita ko ang batang babae at lalaki? Bindi ko naman makita ang mukha ng mga taong nakikita ko sa aking panaginip dahil malabo ang kanilang mukha.' Bulong nito sa isip.
Isinawalang bahala nalamang ito ng dalaga at tuluyan ng bumangon sa kaniyang kama. Lumabas na ang kanyang nanay kaya't siya ay pumunta na ng banyo para mag ayos ng sarili.
-"*"-
Jhecosa
YOU ARE READING
The Campus Nerd Is The Lost Princess
Novela JuvenilI just wanted to be accepted but they just treated me as if I'm a bad person. I just wanted to finish my study to be successful in the future. Why they always hurt me physically and at the same time emotionally? Did i have no rights to enter that sc...