Sophomore

10 0 0
                                    


Nung highschool ako nauso naman yung mga "clan", "family", saka chat rooms. And as a teenager syempre naexperince ko din yung nga ganun bagay pero never ako sumama sa mga meet ups or GEB (group eye ball). Pero nagkaroon ako ng "family" or friends nun and some of them ay mga mahilig sa anime, or anything about Japan tapos may dalawang siblings dun na half japanese.

Nang dahil nga sa group of friends ko na yun ay nainspire ako magsulat ng isang novel about us. About sa "family" namin. And dun na nga nagsimula yung novel na "Nihon Community". Hindi ko nga din alam bakit ayun yung title na naisip ko e hahaha! Nung time na yun sa notebook lang ako nagsusulat tapos after ko magsulat kunwari ng ilang chapters ay pinapabasa ko ito sa mga friends ko para makakuha ng feedback. Hindi ko inexpect na sobrang magugustuhan nila ito to the point na pati ibang classmates ko at friends ko sa ibang section ay nakikibasa na din sa story na ginagawa ko. Tapos araw-araw pagpasok ko sa umaga..yung tipong nasa corridor pa lang ako at di pa ako nakakapasok sa loob ng classroom namin ay nag-uunahan na silang lumapit sa akin para hiramin yung notebook at basahin yung mga bagong chapters na naisulat ko nung  gabi. Sa totoo lang sobrang masaya at inspired ako magsulat nung time na yun kasi first time ko yun e tapos ang daming natutuwa sa gawa ko. Saka iba din yung feeling na naeexcite sila at natutuwa sa gawa ko. Nang dahil nga dun sobrang naging mahaba yung story ng Nihon Community at umabot pa nga sa point na kailangan ko magdagdag ng panibagong notebook para magkaroon pa ako ng space na susulatan ko.

Sadly, wala na sakin yung copy ng Nihon Community. Shet ngayon na naiisip ko yun nalulungkot nanaman ako. Sobrang nanghihinayang ako e. Unang story ko yun na ginawa e kaya sobrang special sa akin yun. Pero ayun na nga wala sa akin yung notebook nun kasi meron nanghiram sa akin ng notebook na yun noon tapos hanggang sa hindi na lang nya naibalik sa akin. Ilang beses ko sya binalikan about dun pero mukhang nawala nya na ata.

How I Discovered  WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon