College Years.Ayan na yung time na sumisikat na yung Wattpad. Kaya naman na-encourage din ako na magbalik sa pagsusulat pero this time sa Wattpad na ako nagpost ng works ko.
Yung unang story na ginawa ko sa Wattpad ay yung "Be Your Everything" which is inspired sa song ng Boys Like Girls na sobrang favorite ko that time. Naging malaking part din ng story nun ay yung experience ko din nung freshman year ko sa college atsaka syempre yung crush ko din nung time na yun hahaha medyo kangkarot na ako nun HAHA! Pero dahil nga sa college na ako medyo struggle na din sa akin yung palagian na pag-update sa story kasi nga syempre busy din ako. Kaya naman inabot ako ng ilang taon bago ko ito natapos which is ito na yung pinakamahaba at pinakamatagal kong ginawa.
Habang on going yung story ng "Be Your Everything" syempre may mga naiisip din naman akong mga ibang ideas for stories kaya naman nagsimula na din akong gumawa kahit mga short stories lang. Actually ngayon nga mas nage-enjoy na lang ako gumawa ng short stories kaysa sa mga mahahaba talaga kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kaya mag-commit sa ngayon na gumawa ng mahabang stories talaga.
So ayun, alam ko medyo mahaba na itong story telling ko about sa kung paano ako nagstart magsulat at kung paano ko na-discover yung Wattpad kaya naman tatapusin ko na ito. Sa ngayon nakakapagsulat pa din ako paminsan-minsan kapag sinisipag pero hindi na katulad ng dati na halos araw-araw talaga.
Kung umabot ka na sa part na ito ay gusto ko lang magpasalamat sa'yo na nagbabasa nito sa pagbibigay ng oras at panahon para basahin lahat ng ito. Thank you!
BINABASA MO ANG
How I Discovered Wattpad
Non-FictionI joined Wattpad 9 years ago. 2010 yun and I remembered na hindi pa ganun karami yung mga nagsusulat noon atsaka di pa ito ganun kasikat. Pero paano ko nga ba ito nadiscover? ~~~~~~~~~~~~~~~~~ Kasama din dito yung story kung paano ako nagkainterest...