Junior

12 0 0
                                    


Oh boy.

Siguro ito na yung year na madami nangyare sa akin pagdating sa pagsusulat ko ng stories.  I was in my Junior year in highschool nung ma-obsessed ako sa band na Tokio Hotel. Dalawa kami ng bestfriend ko na sobrang na-addict sa kanila and just like me ay nagsusulat din sya pero ang focus nya ay fan fictions. Dahil nga doon ay naimpluwensyahan nya nga ako na gumawa ng first ever fan fiction ko about sa Tokio Hotel. Tapos dahil sobrang addict nga kami sa kanila ay syempre kami na din ng bestfriend ko ang naging partner/love interest ng Kaulitz Twins sa story HAHA!

To tell you honestly, sobrang nag-enjoy talaga ako sa pagsusulat nun atsaka nakakakilig din haha! Sa sobrang enjoy ko ay nakagawa ako ng books 1, 2 and 3 about sa fan fiction na yun! Tapos dahil nga sa fan fiction nga sya about sa amin ng bestfriend ko saka Tokio Hotel e wala naman talaga ako balak na ipabasa yun sa iba bukod syempre sa bestfriend ko. Pero dahil sa curious yung mga kaibigan ko sa kung ano na yung sinusulat ko e nagpumilit silang basahin yung fanfic. Medyo nag-aalangan pa ako nung umpisa kasi syempre nahihiya din ako. Hindi naman kasi lahat ay alam yung idea ng "fan fiction" nung time na yun. Pero sa huli pumayag din ako na ipabasa sa ilang friends ko lang yung fanfic. Yung mga naunang friends ko na nagbasa ay naging maganda naman yung feedback at nagustuhan naman nila. So ng dahil dun parang medyo naging okay ako na ipabasa pa yung fanfic sa ilang classmates ko na nacu-curious na basahin ito. I don't know siguro nakampante lang ako dahil sa maayos na reaction ng friends ko? Naisip ko that time na "hindi naman siguro nakakahiya? Kahit ako yung bida dun sa story. Mukhang gets naman nila yung concept eh." So ako naman pumayag na lang na ipahiram yung tatlong notebook na ginawa ko. Tapos hanggang sa nangyare na nga yung kinakatakutan ko...meron akong ilang classmates na babae na parang medyo kakaiba yung naging reaction nung nabasa na nila yung first book. Parang ginawa nilang katatawanan yung fanfic na ginawa ko. Parang nasa isip nila na nagfi-feeling ako masyado kasi nga ako yung isang bida sa story e. In short nahusgahan ako ng dahil sa fanfic na yun. Which is nakaka-hurt. Nung umpisa pa lang ayun yung naiisip ko din naman na mangyayare kung may ibang makakabasa nun kaya nga ayaw ko sana ipahiram yun sa iba at ayaw kong makita ng iba bukod sa bestfriend ko. Pero wala na e nabasa na nila..lesson learned.

Like I said kanina, nakagawa nga ako ng tatlong books so it means maraming time ang nailaan ko sa paggawa nito. And ng dahil dun ay napansin nga ng Mom ko yung palagi kong pagsusulat. Nung time na yun syempre nasa isip ko na..ang magulang dapat sinusuportahan lahat ng interests ng anak nya di ba? Lalo na kung hindi naman ito nakakasama or nakakaapekto sa pag-aaral nya. Pero iba yung naging reaction ng Mom ko sa hobby/interest ko na pagsusulat. Akala ko okay lang sa kanya pero kabaligtaran naman yung reaction nya. SOBRANG AGAINST SYA. Ayaw na ayaw nyang nagsusulat ako kasi she thinks na it's a waste of my time imbes na mag-aral daw ako (hindi ako nagpapabaya sa acads ko. actually not to brag pero nakakasama ako sa Top sa class namin. What I'm trying to say is that hindi talaga nakakasama sa acads ko yung pagsusulat.) Sa sobrang against nya sa ginagawa ko ay madalas na kaming magtalo about dun atsaka dumating pa sa point na muntik nya ng itapon lahat ng notebooks kung saan ako nagsusulat pati yung mga lumang works ko. Buti na nga lang at nakuha ko sa kanya lahat ng notebooks at naitago ko ito bago nya pa ito naitapon.

Hanggang ngayon hindi ko pa din talaga alam kung bakit sobrang against yung Mom ko sa pagsusulat ko kasi wala naman talaga syang sinabing reason sa akin. Tapos nung nasa college na lang ako saka lang ako nagka idea na baka worried sya kasi puro love stories yung ginagawa ko? And maybe naisip nya na baka nagbo-boyfriend na ako or may kung anu-ano na akong ginagawa? Pero wala naman talaga haha lahat ng ideas or inspo ko ay nakukuha ko lang sa movies, shows or sa friends ko. Saka nahilig din ako magbasa ng pocket books e kaya dun din ako nakakakuha ng mga hugot.

Nang dahil nga sa palaging pagtatalo namin ng Mom ko ay doon na ako nagka idea na maghanap ng ibang way para makapagsulat pa din ako ng hindi nalalaman ng Mom ko. Yung una kong ginawa ay sa school na lang ako nagsusulat tuwing break namin or kaya naman tuwing gabi or madaling araw kapag tulog na lahat. Tapos naisip ko na din na maghanap ng site sa internet kung saan pwedeng doon na lang ako magpost ng mga works ko. Naisip ko nga nung una sa mga blog sites like livejournal, wordpress, tumblr, etc. pero nung nagsearch na ako sa Google ay doon ko na nga nakita yung WATTPAD. Na-curious ako kung anong klaseng site ba yun atsaka kung paano ba gamitin yun? Medyo ignorante pa talaga ako nun hahaha pero gumawa na din ako ng account. Habang nage-explore ako sa Wattpad ay napansin ko nga na karamihan ng stories ay nakasulat sa english kaya naman medyo nag-alangan tuloy ako. So sa huli hindi na lang din ako nagpost ng mga works ko sa Wattpad at bumalik na lang sa pagsusulat sa mga notebooks. Tapos nung time na yun yung account ko sa Wattpad parang ginamit ko na lang para magbasa ng stories tulad ng She's Dating the Gangster (first story na nabasa ko sa Wattpad).

How I Discovered  WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon