27

221 7 1
                                    

Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko, hinayaan ko muna sila Kuya Andrei sa labas at nag kulong sa kwarto dahil gulong gulo na ang utak ko.

Rochiii❤ is calling.....
Accept | Decline

Tinignan ako ang phone ko habang patuloy ito sa pagtunog. Nag buntong hininga ako at hindi na muna sinagot ang tawag.

Pat, I'm sorry... I know you're mad at me..
Please, answer the call baby :(

Pinili kong i-airplane mode muna ang phone ko, marami akong tanong sa isip ko pero minabuti ko munang sarilihin yon dahil baka kung saan pa mapunta ang
Please.. Mag eexplain ako bakit di ako nakipag kita ngayong araw.. Please :(
I miss you, Patricia ko :( please...

Pinatay ko ang phone ko at napagpasyahang maligo muna para kahit papaano ay kumalma ako. Agad akong nagbukas ng shower at hinayaan ang mga tubig na bumuhos sa aking katawan, muli ako pumikit sa pag pikit ko ay naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Ganito pala talaga kapag ka nag mahal ka ano? Hindi laging masaya, hindi laging may kilig. Minsan sinusubok talaga kayo ng tadhana, maliit na bagay palang pero ganito na ang epekto sa buong sistema ko.. Maliit na bagay? Maliit na bagay pa ba yung ganon? Anong sasabihin niya kapag ka nag usap kami ulit? Magsisinungaling ba siya dahil mahal niya ako at ayaw niyakong masaktan? O pipiliin niyang magsabi ng totoo, kahit masakit at least alam niyang wala siyang nililihim sa akin.
Inabot ako ng halos isang oras sa loob ng c.r. nagbihis ako at pinili ang isang pajama at jacket ko, habang nagsusuklay ako ng buhok ay may sunod sunod akong katok na narinig.

"Pat, mag ta-tatlong oras ka na sa kwarto mo, okay ka lang ba?" rinig kong boses ni Kuya Andrei, "Pat kausapin mo kami kung may problema ba..." si Aljun naman at kumatok ulit. "Pat, maghihintay kami sa labas.. Please nag-aalala na ako," nagulat ako sa boses ni Brent. Hindi ko alam ang gagawin, sobrang mugto ng mga mata ko kakaiyak at mukha na talaga akong patatas na hindi mo maintindihan. Nawala ang pagkatok nila sa pintuan ko, maya maya lang ay tumigil na muna sila sa pagkatok. Kumuha ako ng mga scratch paper ko, at tsaka isang pentel tsaka nag sulat duon,

I'm fine, dont worry :)

Tinupi ko iyon tsaka pinasok sa ilalim at maliit na butas ng pintuan ko, nakaindian seat ako sa harapan ng pintuan ko habang nakadantay ang noo ko dito, maya maya lang ay bumalik ang papel sa akin.

We can talk if you want, I'm going to listen..

Bumuntong hininga ako tsaka nagsulat ulit. Kilala ko ang sulat na 'to dahil minsan ko na itong nakita sa library,

I'm going to cry lang eh.. Wag na, next time. Thank you so much..

Sagot ko at muling inilagay iyon sa ilalim para makuha ni Brent. Naghintay ako ng reply niya sa akin ng ganoon parin ang posisyon. Inabot ng ilang minuto na walang papel na bumabalik sa akin kaya kumatok ako para malaman kung nandun pa ba siya,

"I'm here.. Don't worry, I wont leave.." sagot niya sa akin at kumatok rin. Napasandal ako sa may pintuan at naramdaman ko rin ang pagsandal niya kung saan ako nakasandal. Maya maya lang ay nakita ko nanaman ang papel,

Open your phone. I'll call you.

Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin na tumayo at kunin ang phone ko. Pag kabukas ko nito ay tadtad ito ng texts at missed calls galing kay Roch. Nag reply lang ako sa kaniya na kailangan ko ng oras mag isip at wag muna akong kausapin, kilala ako ni Roch kapag sinabi kong kailangan ko munang mag isip ay talagang dapat ay hindi muna ako kibuin dahil lalo akong hindi magpaparamdam.
Maya maya lang ay biglang nag ring ang phone ko, nasa caller's id ang pangalan ni Brent,

Hey..

Napapikit ako sa lambing at lamig ng kaniyang boses. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nanatili akong tahimik,

Nasa sala silang lahat. Ako nalang ang natira dito, sabi kasi ni Drei wag ka muna daw guluhin.. 'Di ko mapigilan sarili ko eh,

Mahinang saad ni Brent. Naririnig ko ang mga yabag ng mga paa ng kung sino man na dumadaan o nakikipagusap kay Brent dahil alam atang nakakausap na ako,

Bro wait lang, it-try kong pakalmahin si Patricia. Saglit lang, promise.
Rinig kong saad niya. Malamang ay si Kuya Andrei ang kausap niya dahil alam ni Kuya Drei ang ugali ko sa mga ganitong sitwasyon,

Hey.. I'm sorry, si Drei kasi pinapabalik na ako 'don, matutulog na raw sila eh.

Tumingin ako sa oras, mag aalas onse na ng gabi,

Ikaw hindi ka pa matutulog?

Hindi pa naman ako inaantok. Kaya ko pa. What do you want to talk about?

Ang alaala ng lumipas ay parang bumalik, nag uusap nanaman kami ni Brent at tungkol nanaman ito sa problema ko,

Still the same Brent Paraiso, I know.. Sagot ko sa kaniya at ngumiti ng bahagya kahit hindi naman niya ito makikita,

Nothing has changed, Pat. I'm always the same Brent, at the victory party, convenient store.. The same Brent that loves you, even more..

Binaliwala ko muna ang huli niyang sinabi, ayokong madamay siya sa sakit na nararamdaman ko ngayon at gawin siyang pantapal sa sugat na ito, I want this to be fixed by Roch and I, not with Brent dahil hindi niya deserve na masama sa away na 'to. Nagpatuloy ang paguusap namin ni Brent sa kung ano ano pang mga bagay, nabanggit ko sa kaniya na nakita namin siya nila Thea 'non na may kasamang babae,

That's Marga, Chuchi's best friend. Sinamahan ko lang siya that day kasi Chuchi's not around pa 'non. She is a family friend of ours.
Pag eexplain niya sa akin.

Brent, I don't want you to get involve on this. I really appreciate your effort for being with me right now, thank you so much. But I don't want you to get hurt because of me again, please?

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Brent tsaka sumagot,

I'm already involve in your life, Patricia. Since the day we talked, since the day you smiled at me, since the day you looked at me. I kno what you are feeling right now, Baby.. I know, you don't want to hurt me. You don't want me to be your second option just because You and Roch are not okay.. Baby, I'm not going to do that, but I can't promised you to unlove you, lalo pa't mas nagkakaroon ako ng dahilan para magpatuloy. I won't steal you from him, because I want to see him suffering when the time comes that he will lose you.. Brent's always here, the same Brent.. Your Brent..

----end of Chapter 27

LaroWhere stories live. Discover now