"Okay. No erasures. No cheating. No looking at your right and left sides. No using of comfort rooms, no phones. No extra papers. Focus on your papers only. You may start now," I'm always starting at the the last part of the test paper sa lahat ng exams na sinasagutan ko. I find it easy kasi kapag sa last parts. The professor gave us one hour to answer the question. 1-50 lang pero ang dugo nito dahil parts ng bones, structures of bones and identification of the bones ang nandito na related sa kahit anong buto ng katawan ng tao! Girl, nakaka stress at talagang mangangamote ka kapag hindi ka nag review. Nag focus ako sa exams namin, at natapos ko ito sa tamang oras. Pag ka dismiss sa amin ay agad akong dumiretso sa 7/11 para bumili ng Ice cream dahil drained na drained ang utak ko,
"Patricia?" lumingon ako at nakita si Brent na papalapit sa akin. Isinabay niyang ipa punch ang binili nyang inumin tsaka binayaran iyon kasabay ng Ice cream ko, "Upo tayo?" nakangiti niyang banggit at sumunod nalang ako sa kaniya habang hawak hawak ang ice cream ko.
"How's your exam?" tanong niya at binuksan ang inumin niya tsaka uminom, "Okay naman. As usual, nakakastress talaga pero at least. Survived." tumango tango si Brent samantalang ako ay binuksan ko na ang Ice cream ko tsaka nilantakan ito,
"Rocky road is your favorite? I used to hate that pero nung araw-arawin kong kainin ay naging favorite ko na din," Is he having a conversation with me? "Hey, you fine?" He snapped his fingers tsaka ako binato ng isang pirasong tissue at natatawang tumingin sa akin.
"Oo.. nakakapanibago, kasi you know.. You used to be in silent kapag nagkikita tayo with Kuya Drei," nakita ko ang pag sara niya ng gatorade niya at maayos na humarap sa akin. "I used to be like that sa lahat ng babaeng makikilala naming lahat. Pinakikiramdaman ko kasi ang ugali, eh nagulat ako niyakap mo ko nung victory dinner niyo." Muli akong inatake ng hiya at sumubo ng scoop ng Ice cream ko kaya natatawa siyang tumingin sakin.
"Nakakahiya yon, sobra." natatawa kong saad at tumango siya, "Hindi ko alam kung anong problema mo 'non kaya kung ano nalang ang nasabi ko. Can you tell me?" He's wearing his training clothes, paano 'to napunta dito?
"May training ka ata, Brent?" umiling siya tsaka inilapag ang phone niyang nakaipit sa shorts niya. "Canceled na. Dumaan lang ako dito to buy some drink tapos ayun. I bumped to you." tumango tango ako, "Pero where's your bag?" nagtataka kong banggit ng mapagalamang wala siyang dalang bag. Ang tanging dala niya ay wallet, towel at ang phone niya.
"I left it sa car, there." tinuro niya ang sasakyan niyang nakapark sa gilid ng Convinient store na ito. Bumaling ako sa kaniya tsaka nag buntong hininga. Maybe it's not bad to tell some life stories to an Archer right?
"I'm a legit water lover, 6 years old ako nag start mahilig sa tubig at paglangoy," Brent's arms now are crossed like he was listening very carefully sa ikukwento ko. His eyes were on mine kaya medyo nailang ako pero hinayaan ko nalang. "Then one time, tinry ko na pumunta sa malalim na part ng dagat. Yung may limit na, I get there confident ako kasi I can swim deeper eh pero ayun lumakas ang alon at muntik na akong tangayin sa mas delikadong parte ng dagat kaya nagalit si Mom 'non. From that accident, she never let me near at the water." he noodwd at sumenyas na ipag patuloy ko ang pag kukwento, "Tapos ayun. I felt sad that day, championship day. At the victory dinner. Kasi lahat ng team mates ko they have proud parents while mine, kapag nalaman pa siguro nila Mommy na lumalaban pa 'ko ay mapagalitan lang ako." He gave me his gatorade para makainom ako. "Drink. Baka madehydrate ka. Need tissue?" asar niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nag peace sign tsaka sumeryoso ng mukha, "You know parents.. They always believe na their decisions are always the best for us. Maswerte na nga lang ang tulad ko na mula kay Daddy at kay Mommy ay nag bbasket-ball pati sa bunso namin." Pinakita ni Brent ang lockscreen niya. It was his family, they look happy together. Agad na natunaw ang puso ko dahil sa nakita ko, imagine this masculline guy has a lockscreen picture and it was his family. "And to your side.." agad akong napalingon kay Brent tsaka nakinig, "You love your sports so do it. Whenever they like it or not, Believe me someday they will be your number one fan." He assured me with smile at nag ayang ihatid ako sa condo ko. Tumanggi pa ako pero nang makuha ni Brent ang bag ko at dali daling dinala sa sasakyan niya ay hindi na ako nakatanggi, "You silly Archer!" natatawa kong saad habang nag se-seat belt, "Yep, I'm a silly Archer pero pogi ako noh." I didn't even know he has this side. Kung titignan mo si Brent ay mukha siyang masungit na isnabero at tahimik na lalaki. Pero when he smiles, nakakatunaw girl.
"Basta, nandito kami to support you. Specially, Santos." agad na kumunot ang noo ko. Pati ba naman siya ay makiki asar? "Ewan! Ang issue nyo! Friends lang kami non!" natawa siya sa reaksyon ko tsaka inabot ako para kurutin ang cheeks ko, "Brent! Focus on the road naman!!" natatawa kong banggit at kinurot siya sa tangiliran, "Hoy! How can I focus kung nan didistract ka dyan!" nag decide ako na magpatugtog na lang at agad niyang binato ang phone niya sakin ng mag stop ang traffic light, "Password po boss?" natatawang saad ko sa kaniya, "Wala yang password, Secretary Caracut." agad kong binuksan ang phone nya. At inon ang music. Bakit walang password ang phone ng isang 'to!? Is he privacy important to him!?
"Wala akong katext. Ang contacts ko diyan, Family. Si Ricci at Prince. Madadagdagan kung ilalagay mo iyo." mapang asar ko siyang tinignan at nginitian pero preskong presko lang siyang nag mamaneho at sumisipol pa.
"Talking to the mooooon! Tryna' get to youuuuuuu." birit niyang kanta kaya natawa ako. Naging concert ang sasakyan ni Brent dahil puro Bruno Mars ang pinatugtog namin at wala kaming ginawa kundi ang sumayaw at kumanta. 20 minutes kaming naging ganon dahil medyo traffic. Nang makakababa na kami ng sasakyan ay agad niyang inilahad ang phone niya,"Dagdagan mo na laman ng contacts ko. Kaya ko yan di nilalagyan ng password kasi wala naman akong tinatagong special someone." natatawa niyang saad at tsaka ko kinuha yon at sinave ang number niya. "Thank you for this day, Brent." saad ko tsaka sumenyas ng yakap. Nagulat siya dun at hindi agad nakakilos kaya hinigit ko na siya ng yakap. This is what I love about people, their smiles.. and hugs.
That long tight hug lasts until the elevator stopped at our floor, "See you sa school ha. Wag snob," natatawa kong saad at tumango lang siya at ngumiti sa akin.
Kakalabas ko palang ng elevator ay may agad ng nag text sa akin,
1 message from unknown:
I can't resist your smile.. Btw, thank you din for today. Sana hindi ito ang last. -boss Brent ;)
----end of chapter 4