11

283 7 2
                                    

"ANO NANLILIGAW NA SI SANTOS!?" binatukan ko si Aljun Jay na kasama ko sa canteen. Tangina ang liit ang ingay,

"Oo nga! Wag mo naman isigaw, Jun!" inis kong saad sa kaniya tsaka uminom ng tubig ko. "Tangina naunahan mo pa ako!?" di makapaniwalang saad niya. Nagkita kami netong kupal dahil busy ang Papa Andrei niyo at masyadong subsob sa pag-aaral. Ewan ko lang kung nasaan ang ibang Archers,

"Ang bagal mo eh! Kala ko ba bet mo yung Andrea ha?" bulalas ko at tinakpan niya ang bibig ko ng panyo niy. "Bwisit ka may mga ka block siya dito!" bulong niya sakin tsaka pinakawalan ako,

"Oh ano? Alam na ba yan ng magaling mong pinsan?" tanong niya sakin. Umiling ako kaya ngumisi siya,

"Patay na. Hindi lang naman si Drei ang kikilatis diyan eh, kami." proud niyang saad tsaka nag pose pa.

"Pangit mo, Junjay!" saad ko kaya sinimangutan niya ako. Wala akong class 'till 10 am, etong si Aljun naman ay kakapasok lang. Mabuti daw at wala silang Professor, si Roch? Ewan ko don. Nanood nanaman ng k-drama niya malay ko dun sa bakla na 'yon.

"RICCI!!" sigaw ni Aljun tsaka sinenyasan si Ricci na kasama si Ahia at Brent. Mukhang kakapasok lang ng mga 'to at bagong gising pa si Brent.

"Uy, Hi!! Pat!!" masayang bungad ni Ahia sa akin tsaka nakipag beso at nakipag bro-fist naman 'tong dalawang mag best friend, "Uy alam niyo ba!! May manliligaw na 'to!!!" daldal ni Aljun Jay sa tatlo na kakaupo lang sa harapan namin. Takte, ano ba 'tong si Melecio!

"Alam mo ang liit liit mo napakadaldal mo!" singhal ko sa kaniya tsaka binatukan. "Oh talaga? Sino?" nagtatakang saad ni Ahia habang nakikikain ng fries namin,

"Nako! Nasa tankers yan 'noh?" asar ni Ricci Paolo sa akin tsaka nag heart pose pa. Etong si Ahia naman ay nag swimming swimming kunwari,

"Takte.. Seryoso ba!? Patricia!?" kinikilig na saad ni Ahia sa akin. Parang magulang ko sila ni Aljun, jusko po.

"Kinikilig ako!! OTP!" sabay na saad ng dalawang Rivero habang si Brent ay busy kaka text at kaka kalikot ng phone niya.

"Oh speaking of the lover boy!!!" agad na nilingon ni Aljun ang ulo ko at nakita si Roch na naglalakad papunta samin. May dala dalang isang bottled water at brownies habang nakangiti samin. Uy gago ang pogi neto :(

"Shet naman!" mukhang mga babaeng kinikilig sila Aljun dito at nag I-Ig story pa, "Hi. Good morning!" bati sa akin ni Roch tsaka bumeso at nakipag apir kila Aljun. Binigay niya yung mga dala dala niya tsaka nagpaubaya si Aljun na paupuin siya sa tabi ko. Ang bango ni Roch, takte :( Halos makuryente ang buong katawan ko ng hawakan ang sa bewang ni Roch at nilapit siya sakin tsaka ngumiti.

"Tangina nabi-bitter ako puta, layo nga." inis na saad ni Aljun sa amin tsaka kami binato ng mga tissue, "Junjay naman!!" natatawa kong saad at inirapan pa ako ng mokong. Napatingin ako kay Ricci at Brent na nagsisikuhan at parehas na nagtetext sa mga phone nila. Ang weird talaga ng dalawang 'to,

"Kamusta?" napalingon ako kay Roch na tinanggal na ang kamay niya sa bewang ko tsaka tumitig sa akin. "Okay naman, hoy parang hindi naman tayo magkausap kanina." natatawa kong saad at humilig siya sa lamesa, ginawang unan ang mga braso niya tsaka maigiting akong tinitigan,

"Wala. Ang ganda mo." seryosong saad niya habang nakatingin sa mga mata ko. Kusang namula ang buong mukha ko kaya inasar nanaman ako nila Ahia,

"Woh! Paawat naman oh! Umagang umaga na!" parinig ni Ricci Paolo tsaka pa muling nilingon si Brent na nakaearphones na. Teka? Hindi pa 'to nagsasalita simula kanina ha?

"Tigil niyo na yan! Mga love birds, get a room nga!" saad ni Ahia at binatukan naman siya ni Ricci sabay sinapak ni Aljun sa braso.
Nagpatay kami ng oras sa canteen dahil mga wala pa kaming klase pare parehas. Pagpatak ng 9am ay pinapunta ng Razon's ang Archers kaya naiwan kami ni Roch dito,

"Enjoy sa date!" sigaw ni Ahia tsaka nag flying kiss pa sa aming dalawa.

"Proud na proud ka naman hoy!" asar ko kay Roch na ngayong nasa harapan ko na, "Naman. Ganda mo kaya." pamumuri niya sakin. Lately puro siya ganyan eh. Ewan ko dito, bolero na din.

"Ewan, pa'ka bolero mo Santos!" nakangiting bangit ko tsaka nag phone at nag SC,

with the annoying alMond 🙄@roooch_mond 

"Kinikilig ako.." bigla niyang saad habang tinitignan ang phone niya. Nakita siguro yung tagged ko sa kaniya sa SC. Nagkwentuhan lang kami buong isang oras ni Roch dahil ayaw padin naming tumambay sa classrom kasi nilantakan ko na yung brownies na dala dala niya. At duon ko mas nakikilala pa siya, dati kasi talaga close kami, nag aasaran, biruan pero never kaming nag-usap ng seryoso tungkol sa mga plano at goals namin sa buhay at sa mga gusto naming gawin. Madalas kasing kadramahan ko ay si Aljun eh. Ngayon lang talaga kami nakapag open ni Roch sa isa't isa ng mga bagay bagay,

"Basta ako.. Sobrang proud ko sayo." bigla niyang saad ng mabanggit ko ang tungkol sa pag dismaya nila Mama sa pag langoy ko. "Kasi alam mo ba, sabi nila ang tubig daw ang isa sa pinaka mapanlinlang na bagay sa mundo. Katulad sa dagat, minsan high tide minsan hindi. Minsan akala mo hindi pa malalim yung tubig. Kumbaga, hindi mo mawari kung ano ba talaga. Iniisip ko nga kung bakit natin nakakayanan na lumangoy eh.." biglang naging seryoso si Roch tsaka ako tinitigan at muling nag salita, "I think swimmers are made to make them realize na in every waves of the water there is a consequence. It's either, you'll win or you'll lose. Minsan gugustuhin mong sumabay sa agos ng tubig, minsan lalanguyin mo para malagpasan. Minsan naman matatangay ka na lang.." hinawakan ni Roch at dalawang kamay ko tsaka muli akong tinignan,

"Kaya ako proud ako sayo. Kasi, kahit ano pa man ang gusto ng tubig, ang agos ng tubig ay napagtatagumpayan mo yun." nagulat ako ng punasan ni Roch ang luhang pumatak na pala sa mga pisngi ko tsaka siya lumapit sa tabi ko at niyakap ako. Hindi ko na napigilan. Siguro kasi, minsan lang ako makarinig ng ganong mga salita na hinahanap ng puso ko, ng isip ko at ng buong pagkatao ko,

"Iiyak mo lang. I'm here." bulong niya sa akin. Mabuti nalang ay nasa dulong parte kami ng canteen at walang masyadong tao. "I know.. masakit yan. Matagal mo na yang tinatago eh. Pero, palagi mong tandaan na nandito lang naman ako, kami. Para sayo." tumingin ako sa kaniya tsaka ngumiti. Pinunasan ni Roch ang natitirang mga luha sa pisngi ko tsaka hinalikan ang noo ko,

"I'm always proud of you. You're my MVP. And forever, I'll always be your number one supporter, My favorite Swimmer."


----end of chapter 11

LaroWhere stories live. Discover now