Chapter 16

29 4 0
                                    

John's POV

It's been a months since ma cancel ang pagsusuri at pagiinbistiga ko tungkol sa mga kumakalat na psychopaths. Malaki ang naging epekto nito dahil hindi ko nagawa ng maayos ang trabaho. Nabubuhay parin sa takot ang mga tao at kinakabahan sa mga mangyayari

Hinanap ko silang lahat lalo na ang sisters nangmakidnap sila ng isang hindi kilalang criminal. Mas naghigpit sa seguridad at inaalam pa namin kung sino ito. Nakipag tulungan narin ako sa mga police upang mapadali ang trabaho

Isang gabi habang nanonood ako ng tv may isang channel na lumabas sa aking tv. Naging interisado ako dito at pag kakita ko ay nandito ang mga subjects ko

Sinabi sa palabas na gumawa sila ng isang drug para sa mga psychopaths at ginamit nila ito sa mga na kidnap nila. Napansin ko na ang mga na kidnap nila ay hindi ordinaryong mga killers dahil sila ang most observed psychopaths

Agad kong kinuha ang laptop ko at sinulat ang nasaksihan ko ngayon at agad tumawag sa police

"Hello! This is mr. Ken and regarding sa mission niyo meron akong emergency situation" wika ko

"Ok sir! Tungkol po saan? " tanong nito

"Regarding sa mga psychopaths. Please turn on your tv. Nanduon silang lahat. Kaylangan niyong i track down kung saan nagaganap yun" natataranta kong wika

"Yes sir. Pero" wika nito ng agad kong pinutol

"Wala ng pero pero!  This is a big problem we need to solve. Nakagawa sila ng drug para sa mga psychopath pero hindi ito 100% sure na safe" wika ko

"Sige po sir. Sasabihin ko na po sa head quarter" wika nito sabay baba ng tawag

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagaagaw pansin ang takot at pagiging excited. Takot dahil makakatapat ko nanaman sila at may bagong criminal nanaman akong iimbistigahan. Excited dahil malaking pera ang makukuha ko dito

Gusto ko din maging safe ang mga psychopaths at dalhin sila sa mental hospital. Hindi sila safe sa kamay ng doctor or scientist na yun

Ayokong mas matakot ang mga tao dahil dito at mas maging magulo ang mundo. After kong gawin ang bago kong article. Nag post na ako sa social media ng "Dawn of psychopaths" kasama ang mga mukha ng mga nakasama sa tv show para maging aware ang mga tao

Paggising ko sa umaga agad akong naligo at nag almusal. Excited na kasi ako sa gagawin ko. Pupunta kasi ako sa police station. Pagtapos kong gawin lahat ng kaylangan ko ay pumunta na ko sa police station

Pagpasok ko sa police station kalmado ang paligid at parang walang ginagawa. Kinausapan ko ang isang officer

"Excuse me sir. Ano pong balita about sa tv show" pangunang wika ko

"Sabi ng head quarter ay pabayaan nalang. pag naging successful ang project nila ay makikipag tulungan ang gobyerno para mabili ang formula ng drug. Mag bubukas kasi isa ng bagong pagasa sa mga tao lalot na nagagamot ang mental disorder ng mga psychopaths" paliwanag nito saakin

Psychopath Sisters(Death Wheel) (Complete)(Editing)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon