Joycie's POV
Habang nagluluto ako ng pagkain na nakita namin sa isang bahay. Sila izabel at niel ay titig na titig dito. Alam ko naman na gutom sila pero ang creepy ng mukha nila habang hinihintay ang pagkain
Pagkaluto ng pagkain agad kaming kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain namin. Nagulat kami ng may mga marinig kaming tahol ng mga aso
Naalala namin yung special event ni black lady. Agad namin pinatay yung ilaw ng bahay na tinataguan namin at tumingin tingin sa bintana
Nasaksihan namin ang dalawang babae na hinahabol ng limang aso na pitbull. Ang isa ay malaki ang hinaharap at ang isa naman ay may mahabang buhok na may bangs
Agad namin binuksan yung front door ng bahay at tinawag sila
"Dyoga girl! " sigaw ni niel at agad silang napatingin
"Dito kayo" pagyaya ni izabel
Agad silang tumakbo papunta saamik at ang mga aso ay sumunod din. Kinakabahan ako kasi ramdam kong napapagod na sila. Mabilis ang takbo nila pareho at konti lang ang agwat sa mga aso
Nang papalapit na sila ay napagisipan namin na saraduhan nalang kasi baka di nila kayanin pero sa ngiti ni izabel na kita sa mukha niya mukhang may tiwala siya sa mga ito
Success silang nakapasok sa bahay na tinataguan namin. Ang aso ay tahol ng tahol sa pintuan namin at kinakalmot nila ito
"Thank you" pagpapasalamat ng malaki ang hinaharap saamin
"Wala yun! " wika ko sabay ngiti
"Ako nga pala si rissalaine at ito naman si lovely" pagpapakilala ng may bangs
Niyaya namin silang kumain sa hinanda kong pagkain. Di nagtagal ay umalis din ang mga aso. Masaya kaming kumain. Pag tingin namin sa relo namin ay 13% nalang ito at kinabahan kami nila niel dahil dito
Wala pa kasi kaming nahahanap na battery kaya ganun ang pagkareact namin
"May extra kaming battery. Yun nalang ang kapalit ng pagtulong niyo saamin" wika ni rissalaine saamin
"Hala wag na alam namin kakaylangan niyo yan" wika ko ng may pagaalinlangan
"Ano ka ba sis. Mamatay tayo. Akin na yan" biglang sabat ni niel at kinuha ang battery
Agad naming chinarge ang camera namin at nag kwentuhan. Masaya ang paguusap namin. nalaman namin na nahiwalay din sila sa grupo dahil sa isang killer
Medyo gabi na rin at napagpasyahan namin na magpahinga na dahil may bagong pagsubok nanaman na mangyayari saamin
Kinaumagahan paggising namin. Naglakad na agad kami para hanapin ang isa. Isang sipol na malakas ang narinig namin at ang lahat ng aso sa paligid ay tumakbo sa hindi namin alam na dereksyon
Para maiwasan ang trahedya na maaaring mang yari samin ay dumaan kami sa ibang daanan. Sa paglalakad namin ay may nakita kaming isang babae at inaalalayan nito ang lalaki
BINABASA MO ANG
Psychopath Sisters(Death Wheel) (Complete)(Editing)
Mystery / ThrillerSi John Ken ay isang Researcher at reporter ng isang Sikat na Site sa internet.Siya ay isang magaling na researcher kung saan ang kanyang mga nasusulusyunan na mga problema ay halos di na mabigyan ng Sulusyon. Ngunit dahil sa sunod sunod na pagkawal...