Isang lumang notebook ang natanggap ni Justine galing sa matandang tinulungan niya. Isang hindi ordinaryong notebook na puno ng hiwaga. Notebook na kayang ibigay ang isa sa pinakahihiling mo.
Ngunit paano kung higit pa sa inaasahan mo ang mangyari...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
• • •
"Justine? Asan ka na ba? Andito na ako sa library. Kanina pa kita hinihintay dito," tanong ni Namjoon sakin sa kabilang linya.
"T-teka. P-papunta na ako diyan," sambit ko naman sa kanya.
"Bilisan mo!" utos naman niya.
Nagmadali na akong pumunta ng library, ayoko namang paghintayin bebe ko noh! Char!
Ano naman kaya gagawin namin dun? Mag-aano? Char ulit!
Pagdating ko ng library ay naabutan ko si Namjoon na busy sa binabasa niyang libro. Naka-school uniform siya at naka-eye glass.
Sheeemmss!! Namjoon!! Ba't sobrang hot mo?!!
"N-namjoon?" na-uutal at hinihingal pang tawag ko kay Namjoon.
"Oh? Kanina ka pa ba diyan?" tanong naman ni Namjoon sakin.
"K-kakadating ko lang," sambit ko naman sa kanya.
"Halika na. Umupo ka na rito sa tabi ko," sambit naman ni Namjoon sakin kaya umupo nalang din ako sa tabi niya.
"Ahmmm.. A-ano ba gagawin natin?" nauutal na tanong ko naman sa kanya.
Haysss... Ba't nauutal ako habang katabi siya?!! Tsaka bumibilis na naman yung tibok ng puso ko!!
"Malapit na ang graduation, hindi parin natatapos tong thesis natin. Pero wag kang mag-alala, konti nalang naman yung kulang eh," nakangiting sambit naman ni Namjoon at kitang kita ko ang dimples niya.
Waaahhh!! Wengyang dimples yan!! Pinapabilis lalo ang tibok ng puso ko!!
"Ahhh... S-Sige. Ano bang kulang?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Yung sa chapter five nalang," nakangiting sambit naman niya sakin.
"Ahhh... Ok, sige. Simulan na natin," nakangiti paring sambit ko kay Namjoon.
"O, sige. Ikaw muna mag-type nito. Ito laptop ko, oh," sambit naman ni Namjoon sakin sabay abot ng laptop niya.
"S-Salamat," sambit ko naman sa kanya at binuksan na ang laptop niya kaso may password kaya pina-type ko muna sa kanya ang password. "Teka, may password. Unlock mo muna," utos ko naman sa kanya.
"Aw, sorry nakalimutan ko," sambit naman ni Namjoon sakin at sumingit siya sa harap ko para i-type ang password. Magkalapit lang ang mukha ko at pisngi niya na kita na naman ang dimples. Pagkatapos i-type ni Namjoon ang password sa laptop niya ay bigla siyang tumingin sakin at ngumiti. Mga 2 inches lang ata yung pagitan ng mga mukha namin.