Chapter 2

176 45 10
                                    

• • •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

• • •

Haysss... Baka nantitrip lang toh.

Pero bakit may nakalagay na name sa contacts ko? As in nakasave talaga siya sa contacts ko?!

Haysss... Dibale na nga, baka may nantrip lang talaga sakin.

"Haysss... Gutom na talaga ako!! Asan na ba sina Mama?!"

Habang naghihintay padin ako kina Mama at Papa, ay may narinig akong bumusina na sasakyan sa labas ng bahay.

"Sino naman toh?" nagtatakang tanong ko sa kawalan.

Sinilip ko sa bintana ang labas ng bahay para malaman kung sino ang bumusina at laking gulat ko ng may napakagandang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin.

"Luh?! Naligaw ata yung may-ari nito!!?" sambit ko naman sa sarili ko.

Haysss... Gutom na talaga ako!!

Maya-maya ay tumunog na naman ang cellphone ko at nagtext na naman yung nakasave sa contacts ko na 'Jungkookie'.





『 ═══ •°• 𝐉𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐨𝐤𝐢𝐞 🐰💕 •°• ═══ 』

𝐉𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐨𝐤: Babe, magbihis ka na. Papunta na ako diyan sa bahay mo.

𝐉𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐨𝐤: Babe, andito na ako sa labas ng bahay niyo. ;) Bumaba ka na.

『 ════════════════════ 』





"Haysss.. Lakas din talaga ng trip ng gagong toh eh noh?! Kung may load lang sana ako, rereplyan ko talaga toh!!"

"Pero wait?! Nasa labas na daw siya ng bahay ko?! Siya ba yung?" gulat na sambit ko sa kawalan nang maalala ko ang sasakyang nakaparada sa harap ng bahay namin.

Nagmadali akong bumaba ng bahay at tiningnan kung may tao nga ba sa labas at laking gulat ko sa nakita kong nakatayo sa labas ng bahay namin.

"J-Jungkook?!"

Papano niya nalaman yung bahay namin?!

Puro tanong ang nasa utak ko ngayon.. Hindi ko aakalain na makikita ko siya sa personal, at sa mismong bahay pa namin.

Agad kong nilapitan si Jungkook na nakasandal sa kotse niya at busy sa pagkakalikot ng cellphone niya.

Seven First Kisses✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon