Chapter 1

217 50 11
                                    

• • •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

• • •

𝐋𝐀𝐆𝐈 nila akong tinatanong kung bakit daw "𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒃𝒐𝒚𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅" ngayong matanda na ako? Eh sa gusto ko pang maging legal muna yung edad ko eh. And study first muna bago lande noh?! Charot! Sa Bangtan muna ako lalande! HAHAHAHAHA!!!





"Uy Justine, happy eighteenth birthday nga pala!" bati ng kaklase ko na si Rachel.

"So, magjojowa ka na ba? Para naman maranasan mo ng maka-first kiss! HAHAHAHA!!" mapang-asar na tanong ng isa ko pang kaklase.

"Depende. Pag may natipuhan na ako," natatawang sambit ko naman sa kaniya.

Yes, capital N-B-S-B ako as in 𝐍𝐨 𝐁𝐨𝐲𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 𝐒𝐢𝐧𝐜𝐞 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡! Bakit ba? Gusto ko mag-aral muna, eh, at gusto ko mag-debut muna ako. Chos! HAHAHAHAHA!!!

"Pano ba yan Justine?! Wala kang boyfriend na makakasayaw sa debut mo," sambit naman ng kaklase ko.

"Pake ko?" naiiritang sagot ko sa kanya.

"San ba yung celebration ng birthday mo? Beke nemen?" tanong naman ng patay gutom kong kaklase.

Haysss... Ang ingay naman nila. Ang daming tanong, ha?! Nakakaiirita na!

"Justine?! Gusto mo tayo nalang?" sigaw naman ng isa kong manliligaw sabay kindat sakin.

Oo! May manliligaw ako pero di ko pa sila sinasagot. Eh sa mga hindi mapagkakatiwalaan ang mga mukha nila eh! HAHAHAHAHA!!! Just kidding!

"Justine! San ba tayo mamaya?!" tanong naman ng isa ko pang kaklase. "Anong theme ng debut mo?!" dagdag pa niya.

Sunod-sunod ang mga tanong ng mga kaklase ko tungkol sa debut ko ngayon. Para na akong artista na nasa press conference at sila yung mga reporters na tanong ng tanong!

"Heeeppp!!! Magsitigil nga kayo! Walang celebration okay!?" pagputol ko sa mga sinasabi ng mga kaklase ko.

Aba, grabe naman kasi sila maka-tanong, kala mo naman ang yaman yaman namin.

Lumabas nalang ako ng room at umuwi na since uwian naman na at pupunta pa pala ako ng simbahan para magdasal at magpasalamat.

Bago ako umuwi ay dumiretso muna ako ng simbahan para magpasalamat kay God. Pagkatapos kong pumunta sa simbahan ay naglakad-lakad muna ako sa palaza.

Seven First Kisses✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon