Sobrang intense ng gabing 'to.
Everyone's attention is at the lady holding a red envelope, Ms. Cory Vidanes. She's going to announce the winner na kasi, kaya ganon. Nararamdaman ko na lahat ng nandito sa Resort's World, sobrang excited at kinakabahan na din gaya ko.
Super lamig. That made my hands shaky tapos pinagpapawisan pa. Kung hindi pa hinawakan ni Cheska yung kamay ko baka nanginig na buong katawan ko ngayon.
"Kaira, what if hindi manalo si Darren?" she asked ironically.
"Tiwala lang!" I replied, staring at her.
Lord, I hope na dinggin niyo po yun prayer namin. Na sana, manalo si Darren.
Naawa ako kay Cheska. Ganto kasi yun . . .
Cheska's parents made a deal with her. If talo daw si Darren, they wouldn't let Cheska finish her studies anymore. Hindi kasi supportive yung parents ni Cheska sa fangirl life niya.
Grabe.
She sacrificed her future for her love.
Hats off to you Che!
Dati iyakin yan si Cheska eh, sensitive at shy type pa. Ngayon, she has been changed from a weak girl to a very brave, strong, and independent lady.
Bestfriend ko na yan nung eleven years old palang kami. We're both turning sixteen on December 13. That's when we're celebrating our friendsary rin.
Sobrang ganda ni Cheska.
Morena, matangkad, bagay na bagay yung round brown eyes niya sa perfect eyebrows niya, she has cute button nose, parang pango pero bumawi naman sa height and body figure, slim, long and super straight pa ng hair.
She's into yoga and healthy living. I'm not.
She's a ballerina. I'm a skater.
She loves fashion. I don't.
She wants Darren. Ganun din ako.
May time pa nga na hindi kami nagpansinan ni Cheska for 3 days dahil lang kay Darren.
Pero si Cheska, nagpaparaya yan. Kahit nga ang natirang last slice of pizza, eh ibibigay na niya yun sakin automatically.
She's generous, diba? And I'm so lucky to have her as my bestfriend and a co-darrenatic.
We're both 9th graders. First honor na siya since 1st year pa kami. But when Darren came to her life, bumaba na yung rank niya.
So, nagalit ang parents niya dahil dun.
She looked at me with shame saying, "Expect the unexpected nalang babe."
I sighed.
Pero paano nga kung matalo si Darren? Sayang naman lahat ng ginawa namin. What if hindi siya manalo? Ugh!!! Don't overthink Kai!
I looked around. Napansin kong umiiyak na yung fans ni Juan Karlos. Parang tanggap na nila yung fact na their idol has no place talaga in this competition. Just kidding!
Mwahahaha!
I sounded like a hater tuloy ni JK.
Sa dulo kami nakaupo ni Cheska.
Ka-tabi niya yung Vice President ng Darrenatics, si kuya Marc. May dimples, chinito, medyo matangkad, at pogi pa! Super down-to-earth.
Siya yung nagbibigay samin ng updates about Darren. Hndi kasi namin close ni Cheska si ate Camsy, yung President ng Darrenatics. May pagka-mataray at mayabang. Kaya ang mas nakakausap at nakakasama namin ni Cheska is si kuya Marc.

BINABASA MO ANG
One True Pair (Juan Karlos and Darren Fanfiction)
FanfictionIisa lang ang gusto ng babaeng bida dito sa kwento. Mahanap ang kaniyang kapareha. Ito ang storya kung saan pagmamahalan ang puhunan, tiwala at tiyaga ang labanan. Sino nga ba ang magwawagi sa premyo na mahigit pa sa isang million? Who will have a o...