OTP (5)

103 5 6
                                    

I'm here at MOA. Pinapunta ako ni Cheska dito ngayon. She have something important to tell me daw. May mallshow din kasi si Darren kaya napilitan narin akong pumunta.

Kailangan ko ring sabihin sa kaniya yung tungkol kay Jekoy. Basta! Marami pa akong ikukwento sa kaniya.

Tulad ng nangyari kanina sa school . . .

Inside the cafeteria.

"Hi Kairayom!" JK teased me.

"I have no time for your corny jokes, Jekoy." I said. Kumagat ako sa kinakain kong ham sandwich.

"That wasn't supposed to be a joke. Banat dapat yun. Hindi mo lang ako pinatapos," said JK while looking straight to my eyes. Very cheesy pa ng boses.

 Kumagat ulit ako sa ham sandwich at iniwasan ko nalang siya ng tingin.

HInawakan niya yung kamay ko. He smirked at me.

"Hi Kairayom! Ako nga pala ang sinulid mo."

Seriously, nagulat ako sa sinabi niya. Sa pagkakarinig ko, parang may double meaning kasi eh. Ano? Magta-tahi ba kami dito?

I rolled my eyes so hard to him and kinuha ko na mga gamit ko para umalis at iwanang mag-isa si Jekoy.

But for the second time, nang hindi pa ako nakakalayo, inulit niya yung sinabi niya sa'kin kanina. Ng mas malakas.

"Hi Kairayom! Ako nga pala ulit ang sinulid mo."

Everybody in the cafeteria is looking at us. As in lahat talaga sila sa'kin nakatingin. Kulang nalang matunaw ako dito sa kinatatayuan ko.

May mga masasama ang tingin sa'kin. Lalo na yung Jaifris Angels na hindi mukhang mga anghel.

Meron ding mga kinikilig . . .

"Yieeeeeeeh! Team Kairos for the win!"

Meron ding mga ano . . .

"Pasukin mo ng sinulid mo yan bro!"

Hay. Puro "hahahaha" at "ayieeeeh" lang ang narinig ko.

I so hate Juan Karlos.

Gusto ko i-share kay Cheska lahat ng 'to. Para naman may karamay ako sa mga nangyayari sa horror life ko.

I looked around to see where she is. Pero hindi ko siya makita. Ang daming tao pero sanay na ako kapag si Darren ang pinaguusapan. Syempre madaming Darrenatics eh.

Madaming nagmamahal kay Darren at nangunguna na ako.

Gotcha! Nakita ko na si Cheska. Ang simple lang niya ngayon. Nakasuot siya ng Domino shirt at skinny jeans. Braided ang hair and she's holding a camera. Camera? For what?

Nasa unahan siya. Near the stage. Nanood nalang muna ako. Sobrang dami nga kasing tao. Hindi naman ako makaka-singit.

Nawala na sa paningin ko si Cheska the time na kumanta na si Darren sa stage.

Ang galing talaga ni Darren. Dapat siya ang nanalo sa The Voice eh. Hay! Hindi parin ako maka-move on. Bakit ganoon? It's hard to accept the fact. Basta para sa'kin, Darren won.

Sobrang lakas ng hiyawan and tilian ng mga fangirls dito.

"The best ka Darren!"

"Darren! Darren! Darren!"

"We love you, D!"

"Mr. Dominooooooo!!!"

Kinanta niya yung Domino at yung Somebody to Love.

One True Pair (Juan Karlos and Darren Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon