Chapter 1 - Water

7 1 0
                                    

Chrish's POV

*tick*  *tick*

"yucks naman Chrish, dapat mo ba talagang gawin dito yan? "

sabi sakin ni Sabrina habang umiinom ng kape niya.

*tick* tick*

"ano ba Chrish!!! stop that! kapag iyan tumalsik dito sa iniinom ko".

Napakaarte talaga. Di ko alam bakit naging bestfriend ko tong babaeng to. Total opposite kase kami. As in!

*tick*tick*

"Chrish!!!!!!!!!".

"what?? ayan tapos na! " i smile sarcastically habang tinitignan ko ang nga kuko ko na bagong gupit. Hehe

Tinignan ako ni Sabrina na punong-puno ng pagkainis ang mga mata. Haha. Nakakatuwa talaga siya.

Nandito kami sa favorite coffee shop namin ni Sab, adik kami pareho sa kape. Breaktime kase namin.

College student na kami pareho kami ng course pero magkaiba ng Major. Mass Communication, si Sab major in Broadcasting, ako naman Journalism.

Since Kinder magbestfriend na kami. Oo na, hindi talaga kami mapaghiwalay. Simula nung kinder palaging iisang school lang ang pinapasukan namin, hanggang ngayon.

Sabi ko nga sa inyo total opposite kami. Si Sab sobrang kikay at girl na girl, kaya broadcasting ang major niya gusto niya ng maraming exposure sa harap ng camera. Diba nga yung mga anchor sa T.V. kitang kita ang mukha nila. Kaya yung DSLR camera ko karamihan picture niya ang laman kahit meron naman siya.

Ako ang opposite niya, I' m Chrishmaigne Joong. Hindi ko gusto ng mga bagay na pangbabae, hindi ako girly, hindi ako kikay, ayoko ng exposure. Gusto ko sumikat as a journalist, yung pangalan ko lang yung nakikita. I like adven.... . ah no.. I LOVE ADVENTURES.

"hoy bru! wag ka na ulit mag-gugupit ng kuko dito sa coffee shop ha, pinagtitinginan tayo ng mga tao eh. Nakakahiya girl! Tsaka yang paa mo, ibaba mo nga ". naka-indian sit kase ako, ang lambot kase ng mga couch dito sa coffee shop na'to.

"tss.. anong nakakahiya dun? eh wala naman nakalagay na bawal mag-gupit ng kuko dito ah? This is a free country, I can do what I want". malakas ko talagang sinabi yun para marinig ng mga tao sa paligid namin.

"pero bru, nakakawala ng poise yun, yung mga boys nga sa likod natin kanina pa lingon ng lingon dito eh".

Sinabi ni Sab yun ng mahina ang boses. At sabay turo sa mga lalaking nasa likod ko. Kaya ako naman tinignan ko yung mga lalaki sa likod ko at nakita ko ngang nakatingin sa amin.

"what?? titingin pa kayo o dudukutin ko yang mga mata nyo? " .

Agad namang inalis nung mga lalaki yung tingin nila sa amin. Tinignan ko si Sab at mukhang hiyang-hiya siya sa ginawa ko, kase tinatakpan niya yung side ng face niya na parang ayaw niyang ipakita sa iba yung mukha niya.

Ang Boyfriend Kong PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon