Chapter 2 - Meeting Mr. Nobody

5 2 0
                                    

Yuichi's POV

"PATAY"

Tuamalikod na ako at nakatingkayad na papasok sana sa bahay ko ng biglang. . .

*boooogggsshhhh*

"Aray!" sabi ko habang hinihimas ang likod ng ulo. Pano naman kase batuhin ka kaya ng sapatos hindi ka mapaaray.

Naririnig ko pa din na magpaplay yung kantang Nobody nandoon na sa part na Korean na yung language.

"At saan ka naman pupunta? Mr.? " sabi sa akin nung babaeng nasa labas.

Humarap ako sa kanya habang kunwari nagkakamot ng ulo. "Aahhh... ehhhh... dito sana sa loob, madami kase akong aayusin pa.. he..hehe...hehe... " sabay talikod ulit at lalakad na sana.

"Sandale! Move one more step and you'll be dead." sabi nung babae kaya humarap ulit ako. Kahit english yung sinabi niya at galing akong probinsya, naiintindihan ko naman yun.

Grabe nakakatakot yung mga mata niya. Mukhang galit na galit siya sa akin at yung kamay niya nakasara na parang manununtok.

Dahan-dahan siyang lumalakad papalapit sa akin, ako naman paatras ng paatras.

I want nobody, nobody but you. .

I wany nobody, nobody but you. .

Malapit na siya sa akin, konti na lang, napalunok ako ng laway.

"Who are you Mister? at anong karapatan mong sabuyan ako ng tubig?!!! nanlilisik na yung mga mata niya at mukha talagang makakapatay na.

"Kyaaaah!!!!! pipi ka ba?? tinatanong kita? mr. " palapit pa din siya. Hanggang sa naibuwal ko ang mop na nasa likod ko.

"Ay nobody!!, ay. . wait lang miss.. te-teka... hi...hi.--- ndi ko naman sinasadya eh. " hindi na ako makagalaw dahil sagad na ako sa pader at siya naman sobrang lapit na sa akin. "So. . sorry na ta...-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ako dahil nagulat ako ng bigla niyang suntukin yung pader na sinasandalan ko ngayon. "Ah, ate mali yata nasuntok mo. Dumaplis ka, dapat ako yung susuntukin mo. Naku, masakit yang ginawa mo". Pagkatapos kong sabihin yun, tinignan niya ako ng masama at sobrang inilapit pa ang mukha niya.

"alam mo MR.NOBODY, anong karapatan mong buhusan ako ng tubi--- aish.. i don't know if this is really water."

Umalis ako sa harapan niya at pumunta sa likod niya. "Hindi Nobody ang pangalan ko ate, ako nga pala si Yuichi Borlongan, ikinagagalak kong makilala ka." inabot ko yung kamay ko.

"What the hell I care!" tinabig niya yung kamay ko. "Look what you've done! This is insane!"

Nakita ko yung kamay niya na dumudugo, siguro sa sobrang lakas ng suntok niya kanina sa pader.

Ang Boyfriend Kong PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon